“Kanta Natin”

Images via Pinterest/HDWallSource

Ikaw ba’y ako?

‘Yung tipong mas pipiliin pang mag-soundtrip kesa manood ng TV? K’se lately, pahinga muna mga mata ko sa TV. Ganun rin lang naman k’se, sa sobrang pagod sa buong araw na trabaho, makakatulugan mo na lang na bukas ang TV at hindi ka na naman updated sa sinusubaybayan mong teleserye. Yung tipong “La Luna Sangre” pa pinapanood mo tapos pag dilat mo ng mga mata, “Umagang Kay Ganda” na pala. Kaya buti pa, soundtrippin’ na lang tayo, back to musika ng Dekada ’90. Panahon ko. 🙂

At sa hindi sinasadyang pagkakataon, pumaimbulog ang theme song niyo. Dati. Ouch.

Hindi puwedeng  wala kang maalala, o hindi mo maalala ang dati lalo na’t minahal mo siya, minahal ka niya, nagmahalan kayo. At bigla, sasabihin mo nang paulit-ulit sa sarili mo na parang sirang plaka – “Ayan ka na naman. Nag move-on na ang lahat. Ikaw na lang ang hindi?”, tapos parang sira-ulong matatawa. Haha.

Para sa akin k’se, yun ang basehan kung may something pa, o wala na? K’se pag wala na, as in WALA NA, ni sa panaginip hindi mo na maaalala na naging theme song niyo pala ang kantang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston; “My Love Will See You Through” ni Marco Sison; “The Day You Said Goodnight” ng Hale. Tatlong kanta. Ibig sabihin, tatlong EX – na minahal mo at kahit nawala na ang pagmamahal na ‘yun, parte pa rin sila ng buhay mo. Parang “pag-iibigan” vs “pagkakaibigan” – mawala na yung nauna. Pero yung huli, mananatili.

Pero, may pero. Yun ay kung in good faith ang inyong paghihiwalay. Walang bangayang nangyari. Walang sulian ng gamit o regalo. Sa madaling salita – malinis. Walang anumang bahid ng “kasalanan” o “pagkakamali”. Higit sa lahat, walang “third party” na malimit na dahilan ng hiwalayan. Ako k’se ang tipong pag ginago mo, e “kwits” na rin tayo. Hindi ko ugaling magmakaawa, 0 magsumamo sa taong binabalewala ang “halaga” mo. We know how much we are worth. At lagi kung sinasabi, “You’re worth more than the hurt love itself could give.”

Image credit: Pinterest

“Ang taong nagmamahal sa atin nang totoo, as in wagas, hindi natin dapat pinapalampas.”

Ilang theme songs pa ba ang magpapaalala sa ‘yo kung bakit hindi naging kayo?, O kung bakit  hindi kayo umabot sa “forever” o, simply “growing old together”? “Eh, sino rin naman k’se ang nagpauso ng theme song, theme song na yan?” harapang tanong sa’kin?

Para sa ‘kin, wala naman talagang nagpauso. Siguro ‘yung kanta ang “uso” at “sikat” sa panahong naging kayo, kaya ‘yung kanta na ‘yun ang kadalasan nagiging theme song. At kahit pinakalumang theme song na ang pinakikinggan mo, kung ang pagmamahal mo sa taong ‘yun ay buo, hindi ka maninibago. Yung tipong parang kahapon lang? At lahat ng saya, tamis, lungkot at pait nang pinagsalohan ninyo sa kahapong ‘yun, manunumbalik.

“Parang kahapon lang, sabay kayong nakinig at kinilig sa paborito ninyong kanta. Sabay ninyong inawit habang tinginan ninyo’y malagkit.  Tapos magyayakapan nang mahigpit. Mata’y ipipikit…”

“…I hope life treats you kind
And I hope you have all you’ve dreamed of
And I wish you joy and happiness
But above all this I wish you love…”

How can you wish love for someone you refused to have?”

Sana man lang naitanong ko sa ‘yo…?

Baka sakaling maibsan ‘tong kirot na dala ng kanta natin.

Kantang akala ko’y naibaon ko na sa limot.

Pero  dumating ang sandaling ‘to na walang pahintulot.

At wala akong lakas para tanggihan ang kahapong lumipas,

kung saan ang kanta ko, ay kanta mo, kanta natin.

 

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!