Kaming mga Nars. Bow!

(Photo Credit: vectorclipart)

“Hoy! Gising na. Alas 7 na!”, sabi ng kapatid ko sa akin habang tinatapik ako.

(Photo Credit:     vectorclipart)
(Photo Credit: vectorclipart)

Bigla akong bumangon. “Alas 7 na??”. Pakiramdam ko nun, kapipikit ko lang. Magduduty na naman ako ng alas otso ng gabi.

“Ang hirap naman ng ganitong propesyon. Kung bakit kasi ito ang pinakuha sa akin na kurso”, nasambit ko na lang sabay buntong-hininga.

Nag pra-private nursing ako sa ngayon. 12 hours in a day. And at this very moment, nandito na ako sa tabi ng kama ng pasyente ko at pinakikinggan siyang humilik. Naisip ko, ang hirap din talaga ng trabaho namin.

Kaya hindi ko maintindihan na bakit ang tingin ng mga tao sa amin ay “Doctor’s assistants”. Magkaiba naman kami ng trabaho. Dahil ang mga nars, bente kwatro oras na kasama ng pasyente.

Pag sinugod ang isang pasyente sa hospital, sino ang unang lalapit? Sino magbubukas ng pinto ng ER (emergency room)? Nurse db? Sino’ng unang magtatanung sa ‘yo bakit bigla ka sinugod? Nurse, ‘di ba?

Pag dadalhin ka na ng room mo, sino’ng mag-aayos ng bed? Nurse. Sino’ng magkukumot sa ‘yo pag giniginaw ka? Sino’ng tatawagin mo kapag may masakit sa ‘yo? At sino’ng hahawak sa kamay mo at magsasabing, “Mamaya, mawawala na ‘yang sakit.”

Sino’ng magpapalit ng diaper mo kapag hindi mo kayang pumuntang banyo? Sino’ng maglilinis ng katawan mo? Sino magbibigay ng gamot mo? Sino’ng magpupunas sa ‘yo pag nilalagnat ka? At sino’ng ang naninigurado na komportable ka sa higaan mo?

Ang point ko lang, kaming mga nurses ang best buddies ng isang pasyente, the moment he/she is admitted in the hospital.

Ang nurse, magmamakaawa yan sa pasyente pag ayaw kumain. Samantalang kahit siya, walang oras na kumain. Kukumbinsihin kang uminum at umihi, samantalang nadedehydrate na siya dahil mula nag umpisa duty, laway lang ang nagsisilbing tubig niya. At kahit halos pumutok na ang pantog niyan, hindi ka niyan iiwan. Patutulugin ka ng maaga, samantalang bangag na bangag siya sa pagbabantay sa’yo.

Etoh pa.. Anung propesyon ang nagpapalit ng diaper ng tao, at punung-puno ng tae ang kamay, habang ngumunguya ng tsokolate? Kami yun.

Anung itsura ng hospital na walang nurse? Imagine na puro lang doctor. Magsusulat ng prescription para sa pasyente, at sasabihin sa’yo, “Misis, inumin mo to ah?”. O kaya, “Mister, may lagnat ka, pakipunasan na lang sarili mo para bumama temperature mo”. E kung comatose ka? Hahaha. Sige nga?

Kami ang magbabantay kung walang kapamilya na makadalaw. Try mo kaya sabihin sa doktor, “Doktor. Pakibantayan naman po tong nanay ko.” Hahaha.

Kapag, nag flat line EGC mo? Kami ang tatakbo para i-CPR ka at para subukang ibalik ang buhay mo. Kapag cancer patient ka, kami ang minu-minuto na magsasabing, “Magpakatatag po kayo. Lumaban kayo.” At ang pinakamahirap gawin sa lahat, sa mga panahong umiiyak ka sa sakit, tingin mo hindi kami naaapektuhan? Sa mga panahong umiiyak ka at gustong sumuko, tingin mo hindi kame naaawa? But we were trained not to show what we feel. Dahil kapag ginawa namin yun, unprofessional na.

Sa oras na nilisan mo na ang mundo, sino ang huling makikita mo? Kaming nurses, ‘di ba? Sino ang maglilinis ng katawan mo? Kami. Akala mo tapos na dun role namin? Hindi pa. Kelangan din namin alam kung ano ang pinakamagandang mga salita para sabihin sa pamilya mo na wala ka na. At sa oras na umiiyak na ang mga mahal mo sa buhay, kelangan din namin tumayo sa tabi nila. At kahit gusto din namin umiyak, hindi puwede. Ang hirap kaya nun.

Walang ibang makagagawa ng trabaho namin. Kami lang. Iba ang role nila. Iba rin sa amin.

Pero minsan, hindi man lang namin maramdaman na mahalaga kami sa paggaling n’yo. Pag magaling ka na at discharged ka na, kanino ka nagpapasalamat? Sa doctor, ‘di ba? Pag wala siya, sasabihin mo pa, “Nurse, pakisabi na lang kay dok, umuwi na ako. Pakisabi salamat”.  Hello?? Ako kaya nasa harap mo. Hindi ka man lang magpapasalamat? Nakaseselos naman yata yun. May naging parte din naman ako sa paggaling mo,  ‘di ba? Katunayan, malaki ang naging parte ko.

Kami ang unang makikita sa pagpasok mo sa hospital. Kami rin ang huling makikita mo sa ‘yong pag-alis.

Hindi madali ang trabaho namin. Pero, sana kahit “Salamat” man lang. Sabayan mo lang din ng kaunting ngiti. Ok na yun sa amin.

About lifeexplorer

A nurse by profession. A lawyer by frustration. A musician by passion. A business magnate by aspiration. A writer by cognition. A computer wizard by imagination. Martial arts master by illusion.   Call me fool. Dope. But i just simply call myself, IDEALIST.:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!