Kaibigang Putik, Kaibigang Plastik

fr listKaramihan sa atin ay may mga kaibigan na maituturing.  Minsan, sinasabi natin na itong taong ito ay siguradong ipagtatanggol ka hanggang kamatayan.

Minsan naman ay sinasabi natin sa sarili na marami tayong kaibigan lalo na kapag tignan ang mga Facebook friends natin.

Ang sarap ng pakiramdam na parang ang dami nating malalapitan kung sakaling tayo ay napupunta sa alanganin.

Pero kung iyong titignan nang maigi ang lahat ng “kaibigan” doon, siguro iilan lang ang maituturing nating tunay na kadamay.

Minsan ay binuksan ko ang aking lists of friends at namangha ako dahil mahigit isang libo ang aking friends at may tinanggihan pa ako.

Karamihan ay mga naging school mate o kaklase noong, elementary, high school o college. Iba pa roon yung mga dati kong kasamahan sa kumpanyang aking napasukan at mga dati kong kapitbahay, kababata at mga kamag-anak. Mayroon din mga mangilan-ngilan na kaibigan ko na artista o politiko (as if close kami).   Yung iba naman ay kaibigan ng kaibigan ko na gusto akong makasama sa friends nila.

Pero kung iyong sasalain ang bawat isa ay baka magulat ka na iilan lang doon ang totoong kaibigan mo. Biglang papasok sa isip mo kung ano ba ang inyong nakaraan. Baka naman nagbatian lang kayo sa corridor or kapareho mo lang ng opisina, pero simpleng ngiti lang ang nagawa ninyo noon. Mayroon din akong mga nakita na noong kabataan ko ay sila yung mga “bully” o mga loko-loko, tapos ngayon friends ko na.

Minsan nakatatawa dahil nag-share ka sa kanila ng isang parte ng buhay mo, pero hindi mo naman alam kung sila ba ay talagang interesado sa iyo. Lagay ka nang lagay ng kung ano-ano. Babatiin mo sila sa kaarawan nila at sasagutin ka ng thanks. Yung iba, pandagdag ka sa mga invite nila sa kanilang games na Farmville o ninja saga at katakot-takot na request ang iyong nababasa.

 Pero kung ikaw o sila ang malagay sa alanganin, tutulungan n’yo ba ang isa’t isa at talagang pupuntahan para damayan? Malamang ay hindi dahil busy ka at hindi makahanap ng oras para gawin yun. Kung ikaw ba ang nangangailangan ng pera ay kaya mo bang lumapit sa kanilang lahat at mahiraman?  Palagay ko malabong mangyari.

Dahil sa internet lang kayo naging magkaibigan at walang matibay na pundasyon kaya talagang guguho yun. Subukan mong alisin ang pangalan mo sa listahan nila, sa tingin mo ba hahanapin ka nila?

Malamang hindi.

Parang ito lang ay lumalabas na false sense of security at kaya ka nila in-add dahil baka gusto lang nilang makita kung ang isang tulad mo ay umasenso. Mas maganda pa nga yung hindi ka nila accept sa request mo dahil at least napatunayan mong hindi ka talaga turing na kaibigan.

Ikaw … ilan ang tunay na kaibigan mo sa Facebook?

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!