Jose Mari Chan season

Photo credit: Metro Manila Today
Pare 1: Tao ba to?
 Pare 2: Oo.
 P1: Matanda?
 P2: Oo!
 P1: Lumalabas pag Pasko?
 P2: Oo!!
 P1: JOSE MARI CHAN!
 “'Tis the season to be jolly.”

Mali! Hindi dapat mga kantang banyaga ang kinakanta mo. At lalong hindi mga emo o #hugot na magpapa-alala sayo ng iyong pagiging kasapi ng SMP – o Samahan ng mga Malalamig na Pasko – ang nasa jukebox mo.

Alam mo kung ano? Ang mga komposisyon lang naman ng batikang mang-aawit at manlilikha ng awit na ito lang naman ang nasa CD player mo.

Sinong mga Pilipino ba naman – maliban sa mga naririnig mo sa mga paslit pagsabit ng kada gabi sa buwan ng Disyembre – ang hindi makakaalala sa Christmas in Our Hearts? Oktubre pa nga lang ay pinapatugtog na rin ito sa radyo eh. Walang binatbat yung cheesy na All I Want For Christmas Is You ni Mariah Carey o yung paglalaslas mo sa kada naririnig mo ang Pasko Na Sinta Ko ni Gary Valenciano sa impact ng isang Ilonggo na mas kilala natin sa pangalang Jose Mari Chan.

Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit kada taon ay nagiging parte na rin ng popular na kultura ang pangalan niya.

Diyos ko, September 1 pa lang ng taon na ito – bungad ng “ber” months o Christmas season – ay ito na kaagad ang isa sa mga pangalan na bumungad sa trending list noon sa Twitter. Take note: hatinggabi pa lang yun, ha? Walang binatbat ang mga naga-a la Billie Joe Armstrong nun na Wake Me Up When September Ends sa kung gaano katindi ang emosyon nito (at least, ng kasiyahan).

Click here to continue reading.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!