Joey De Leon: Gagayahin Na Naman ‘Yan (That’s My Boy – That’s My Tomboy – That’s My Tambay)

That's My Boy (Photo Credit: www.abs-cbn.com)
That's My Boy (Photo Credit: www.abs-cbn.com)
That’s My Boy (Photo Credit: www.abs-cbn.com)

Mukhang nagulantang ang buong pamunuan ng Eat Bulaga at ang mga tagasubaybay ng nasabing noon time show nang ilabas ng Showtime ang kanilang bagong pa-contest na pinangalanang “That’s My Tomboy,” kung saan mga tomboy ang kalahok sa patimpalak. Na mula sa pagiging mga babae ay nagko-convert sila sa pagiging tomboy; magsusuot ng damit panlalaki; magpipilit na magsalita ng boses lalaki; aastang lalaki; at magpapakalalaki. At saka magpapakita ng maipagmamalaki.

Mapupuna na ang pangalan ng nasabing programa ay mula sa ideya ng  natapos na That’s My Boy ng Eat Bulaga, kung saan mga bibung batang lalaki naman ang kalahok – edad tatlo hanggang pito. Ipinakikita ng mga ito ang kanilang kakaibang talento sa pag-awit, pagsayaw, pagtula, pag-arte at kung anu-ano pang kakayahan.  Ngunit ang ideya naman ng mga kalahok sa That’s My Tomboy ay mula naman sa katatapos pa lamang din na “Super Sereyna”, kung saan mga magagandang bading naman ang kontestant, kabaliktaran lamang sa Showtime na mga tomboy. At ang paraan ng pagpapakilala ng kalahok ay paris sa katatapos pa lamang din na “Feeling Pogi at Mr. Pogi” ng Eat Bulaga, “Oh? Akala n’yo si Tom Rodriguez ‘no? Nagkakamali kayo, ako nga pala si… (saka sasabihin ang totoong pangalan, edad at tirahan).

Apat na taon nang umeere ang show ng Showtime, na nagsimula sa pagpapakitang gilas sa pagsayaw. At ngayon nga ay isa nang ganap na noon time show matapos mabuwag at palitan ang dating sikat na programa ng istas’yon. Kanina lang, habang nanunuod ako ng Eat Bulaga, muli kong narinig si Joey De Leon na nagpahaging sa kalabang programa.

“Gagayahin na naman ‘yan!” aniya. Sa tinagal-tagal ay kanina ko lamang s’ya ulit naringgan ng gano’n, marahil ay hindi na nakatiis sa pangongopya ng kabila.

Kaya inanuns’yo nila (ng Eat Bulaga) na bukas (October 31, 2013) ay magsisimula na ang bago nilang segment na pinamagatang “That’s My Tambay”, kung saan mga tambay ng Brgy. naman ang magiging kalahok. Sakop iyon ng “All For Juan, Juan For All.” At magandang oportunidad iyon para sa mga tambay na mayroon din namang natatagong talento sa katawan; malalaman din ang iba’t iba pang dahilan ng pagiging tambay ng kabataan. Iyon naman talaga ang layunin ng programa, ang magbigay-pag-asa sa sinuman.

Ngayon, may mga Nitezens na agad na tagahanga ng dalawang programa ang nagbabangayan. May mga nagsasabi na gaya-gaya ang Eat Bulaga, pero kung ibabalik natin ang panahon, Eat Bulaga naman talaga ang nauna. Maganda ang ginawang pagbawi ng eat Bulaga sa That’s My… (na titulong pinag-aagawan), dahil kung sakaling baliktarin man na ginaya ng That’s My Tambay ang That’s My Tomboy, maibabato nila (Eat Bulaga) na sa That’s My Boy naman nag-umpisa ang lahat. At totoo naman, originally from Eat Bulaga. Isang malaking hagupit ng sampal para sa Showtime kung nagkataon.

Trivia: Mapapansin na noong naging noon time show ang Showtime, marami na itong inilabas na programa na hawig o kopya ang ideya sa Eat Bulaga. Nariyan ang Kalokalike na mula sa Super Sereyna at ni Paolo Ballesteros (na ginagaya ang mukha ng mga sikat na tao); akting-akting kuno ng dos mula naman sa isa sa mga bahagi ng Mr. Pogi; ang Pinoy Henyo style ng kabila (‘di ko na tanda ang tawag); ang pagsugod din nila sa Barangay mula naman sa matagumpay na misyon ng All For Juan, Juan For All (bayanihan); jambunganga na mula sa tunog-tao, at ngayon nga, ang pinaka-fresh sa lahat ay ang That’s My Tomboy na mula sa orihinal na That’s My Boy; na ngayon ay binabawi nang muli ng Eat Bulaga bilang That’s My Tambay. Mayroon pa bang iba? Tila nauubusan na ‘ata ng ideya ang Showtime?

Pero ayon naman sa kasabihan: ikatuwa mong kinokopya ka, dahil ang ibig sabihin naman niyon ay magaling ka. Wala naman palang problema e, basta’t parehong nakapagbibigay-pag-asa. Pero sa huli kasi, ang orihinal pa rin ang tunay na kinikilala.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!