Ito ang mga pinaniniwalaan ko… at ipinaglalaban!

marcos-not-a-hero

ITO ANG MGA PINANINIWALAAN KO…. at ipinaglalaban !

 

Mag-isa akong pumunta sa EDSA People’s Power Monument noong Nov. 30, 2016 (Bonifacio Day), pero hindi ako nag-iisa… An gdaming mga millenials, madre, pari, mga seminarista, mga lola at lolo na nakatungkod na tila nirereminisce yung ginawa nilang People’s Power noong 1986, mga nanay na may karga-karga pang mga bata at may tangan na mga placards, mga estudyante ng UP, UST, La Salle, ATENEO, Lyceum, PLM, etc, at maraming mga pami-pamilyang naroroon sa EDSA.

May mga nagbibigay ng libreng sandwich at bottled water, na talagang reminiscent noong EDSA 1986.  Kung wala lang dengue ang 15 anyos kong si Spencer eh disinsana’y mag-anak kami nina Mommy Maela na nakapunta doon! ‘Ika nga, pumuslit lang ako ng tatlong oras upang maramdaman kong muli ang kalayaang ipinaglaban at ikinataas  noo ko bilang Filipino 30 taon na ang nakalilipas!

 

not-a-hero-baller

Naroroon pa rin ang marubdob na pagmamahal ko sa bansang Pilipinas.  In fact, naiyak ako nung kinakanta  nina Jim Paredes yung kantang kinatha niya “ Handog ng Pilipino sa Mundo”. Nakisabay ang marami sa pagkanta habang nakakuyom ang palad ala DU30 sign!  Pero napa-isip ako bakit mag-isa na lang si Jim Paredes ngayon, hindi niya kasama sina Boboy  Garovillo at Danny Javier ng APO?  Ano kayang nangyari, may iba na rin kaya silang pinaninindigan?

Wala na rin si Freddie Aguilar na dating kumakanta ng “Bayan Ko” sa dalawang People’s Power na nasalihan ko…   Anyare kaya?! Mabuti na lang at may isang   Paul Galang na madamdaming kumanta ng “Bayan Ko”.

 

edsa-police

 

Nakipaghuntahan ako kay dating DSWD Secretary Dinky Soliman at sinabi niya na buong pamilya niya ang naroon at nakiisa.  Hindi ko lang naitanong sa kanya kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa Yolanda Funds dahil wrong venue at baka ma-out of order ako. Hehe..

 

dinky

 

Nakatabi ko din sa umpukan ang artistang si Pen Medina na sumisigaw ng “Duterte, Tuta ni Marcos!” Ngewek.. napaisip ako. Noong mga panahon na kinakalaban ni Pres. Digong ang mga Amerikano nasabi ko na hindi na maaakusahan si DU30 na Tuta ng Kano hindi kagaya ng mga nagdaang Pangulo na laging inaakusahan ng mga aktibista na “Tuta ng Kano, Imperyalismo!”

Yun pala, ang itatawag kay Digong ay Tuta ni Marcos. Napaisip na naman ako… kung si Duterte ay Tuta ni Marcos at si Marcos ay Tuta ng Kano, therefore Duterte is Tuta ng Kano?! Ewan nakalimutan ko na ata ang Logic ko (ay oo nga pala wala ako Logic subject kasi Inhinyero Kimika at di Philosophy nga pala pinag-aralan ko…).

Nakita ko din ang artistang si Agot Isidro na sobrang binubully  sa internet. Gusto ko siyang kamustahin kung paano niya tinanggap ang ganoong panlalait subalit hi and hello lang kami sa isa’t isa….

 

millenials

Nakita ko rin ang dami ng millenials na nandun at tinanong ko ‘yung isa kung buhay na ba sila noong Martial Law at ano ang  kanilang take sa issue. Sinagot ako ng isa na alam namin ang mga issue dahil binabasa at nireresearch nila at gusto nilang makialam. Ang kanilang  munting tinig daw ay dapat na marinig ng nakararami!

 

mga-seminarista

 

Dumako pa ako sa bandang White Plains area upang i-check kung may mga bayarang rallyista.  Na-observe ko na puro may kaya at may sinasabi sa lipunan ang halos karamihan na nandun. Magaganda, mapopogi, mapuputi at mga Inglisero pa ang ibang mga nandun. May namimigay ng libreng sandwich at bottled water.  May mga basurahan at may mga millenials na may tangan na plastic at nangongolekta ng mga basura.

Sa Public Address system ay patuloy na ipinapaalala na huwag magkalat at ilagay ang basura sa tamang lagayan.  Wala rin akong nakita na mga bus o dyipni na nakapark upang humakot ng bayarang mga rallyista. So ibig sabihin kusang loob na pumunta ang mga karamihan doon!?

 

juana-change

 

Nakita ko din si Juana Change, nagkodakan kami at naitanong ko sa  assistant niyang si Liza habang iniinterbyu si Juana kung ano na ba ang paninindigan ngayon ni Juana? Nalilito na kasi ako sa mga drama niya sa social media eh….

 

Bago ako umuwi (tatlong oras lang ako namalagi doon, nakinig, nakiisa, nagmasid at nakiramdam) ay nadaanan ko ang grupo ng mga Duterte Youth na  naglalabas din ng kanilang mga saloobin sa mga isyu. Naroroon sila sa may dako ng EDSA sa gilid ng People’s Power Monument at kahilera ng mga pulis na nagpapanatilli ng kaayusan at katahimikan.  Kaso napuna ko na hindi na sila mga youth, mga edad 35 pataas na sila.  Ang youth kasi, as defined by the National Youth Commission, is 18 to 30 years old….

duterte-youth

Nakipag-usap ako sandali sa isang babae na kasama sa 12 Duterte  supporters na nandun…

Ako :  “Kumusta po kayo? Kanina pa po ba kayo dito?”

Ate kong Girl:   “Oo kanina pa kami. Kailangang ipaglaban ang katarungan at paninindigan!  Galing ka diyan sa kabilang rally?”

Ako: “Opo. Gusto ko kasing maramdaman muli  na buhay pa ang demokrasya, ang People’s Power, na Pilipino ako at ipinagmamalaki ko na Pinoy ako noong EDSA 1986.  Hindi po ako bumoto kay Pres. Digong pero sinusuportahan ko siya bilang Presidenti. Kasi iisa lang po ang Pilipinas at iisa lang ang Pangulo natin.  Kailangan nating siyang suportahan para magtagumpay ang Pillipinas!”

May nakisabat na isa.

Ususero1 : “ Tama yan. Ganyan ang tunay na Pilipino!”

Ate kong Girl:  “Sinasabi kasi nila na Diktador si Marcos at hindi Bayani. Eh nadesisyunan na nga ng Korte Suprema na dapat mailibing si Marcos sa Libingan ng Mga Bayani!”

Ako :  “Yun nga po ang dahilan kung bakit kami nandito muli dahil ayaw naming baguhin ang kasaysayan ng EDSA at  ayaw din naming makabalik sa puwesto ang mga Marcoses.”

Ate kong Girl:   “Eh sinasabi nila na patalsikin si President DU30!”

Ako :  “Wala po  akong narinig na ganoon kundi  “DU30 Tuta ni Marcos” at saka “Marcos: Diktador, Hitler, Tuta!” Kasi kung may ganoong clamor na patalsikin si DU30, magdadalawang-isip din ako. Siya na ang Presidenti natin kaya dapat lang suportahan pero sana suportahan din niya tayong nakararami kasi naniniwala ako na ang Boses ng Nakararami  ay Boses ng Diyos (Vox Populi et Vox Deus).

Noong akmang makikipagdebate na si Ate Kong Girl….

Ako : “ Sige po, Ate Kong Girl,  mauna na ako.. Nasa ospital pa ‘yung anak ko na may dengue. Mabuhay po kayo at God bless po. Ingatz!”

Natakasan ko ang debate at mas mahaba pang usapan…..

 

edsa-crowd2

Sa katapusan ng tatlong oras na ipinamalagi ko sa People’s Power Monument ay ito ang mga napagtanto ko at  mga  nakalikot ko sa aking utak :

  1. Nakikipaglaban ako hindi para kay Ninoy, PNoy, Duterte o Marcos! Nakikihamok ako para sa bansang Pilipinas at sa mga susunod na Salinlahi! Mahal ko ang nag-iisang Pilipinas, ang tahanan ng ating lahi! Ang tunay na bayani ay ang mga simpleng mamamayan na mulat, aral at inaalam ang katotohanan laban sa mga uring nais yumurak sa katinuan at katiwasayang ito! #LabanPilipinas
  1. Hindi ako bumoto para kay Duterte pero sumusuporta ako kay President DU30 dahil siya ang halal na Presidente. Gusto kong magtagumpay siya bilang Pangulo at sa kanyang mga adhikain! Sa aking pagkakaunawa, ang paghahalal ng Presidente ay may basbas din ng Diyos.  Iisa lang ang Pilipinas at iisa ang Presidente na inihalal ng 16milyong Pilipino. Kailangan nating suportahan siya upang magtagumpay dahil mahal natin ang ating bansa. Pero sana maging sensitive at sensible siya, pakinggan ang hinaing ng masa at suportahan din niya ang nakararami.  #VoxPopuliVoxDei
  1. Si Pres. Marcos ay hindi bayani at hindi dapat ihanay sa mga bayaning nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Ito ay panghahamak sa mga katangi-tanging ehemplo ng mga taong nagbuwis ng buhay nila para sa bayan! #MarcosNotAHero
  1. Hindi porke’t kontra ako sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB ay isa akong dilawan o anti-Duterte. Di ba puwedeng naninindigan lang ako sa kung ano ang tama? Hindi ba puwedeng  mulat lang ako sa katotohanan, nagsasaliksik at may prinsipyo at layuning nais iparating sa mga kinauukulan? #NotAYellowtard   #NotADutertard   #NoLabel
  1. Naniniwala ako na kaya nating magkaisa para sa MAPAYAPANG PAGBABAGO – walang extra judicial killlings (EJK), wala na ang mga illegal drugs, walang kurakot at walang katiwalian, walang makakaliwa o makakanan kundi tuwid at tamang landas! Hindi na natin kailangan pa ang isang laban sa boksing ni Manny Pacquiao, o bagong Miss Universe o tamaan tayo ng isa pang Yolanda o magnitude 7.5 na lindol (huwag naman po sana!) para magkaisa, maging solido bilang iisang bansa, mahalin at irespeto ang isa’t isa kakilala man o hindi.   What we need is  Love of God which we can share to others, respect for one another and discipline ourselves na kahit walang nakatingin ay gagawin natin ang  totoong tama at hindi lang tama sa ating palagay! #OnePhilippinesOneNation  #PeacefulChangeHasCome

Ito ang mga pinaniniwalaan ko at ipaglalaban hanggang sa kadulo-duluhan!

edsa-crowd

About reachhard

Richard Gregorio Penaflor was born on September 19 to Atty. Leonides R. Penaflor, a struggling labor lawyer from Polangui. Albay and to Elizabeth G. Penaflor, a former househelp from Libertad, Antique. He is the middle child to a brood of five (5) plus seven (7) minus 3 minus 1 persevering children who transcended from poverty. He is married to Engr. Maela Katherine Dee and blessed with one loving and intelligent son, Spencer Matthew D. Penaflor. A chemical engineer and environmentalist by profession and a writer/youth volunteer by avocation. In college, he was a consistent student leader, a scholar/recipient of different scholarship programs like the YMCA of Manila, Guillermo de Vega Scholarship Grant, Prof. Mutsuhiko Miki Scholarship for Nihongo subject. He was also one (1) of the lucky Youth Ambassadors of Goodwill of the Philippines who represented the country in 1989 to ASEAN countries like Brunei, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore and Japan under the Ship for Southeast Asian Youth Program (SSEAYP ’89). God also rewarded him to be one of the board topnotchers in the 1990 Chemical Engineering Board Examination. He finished college at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila with a degree in Chemical Engineering under a scholarship and landed in good jobs and companies. Just recently, he completed his master’s study with a degree of Master in Developmental Management at Development Academy of the Philippines under a government scholarship. He worked with different prestigious companies like Manila Electric Company (MERALCO), Norkis-Yamaha Motorcycle Company, Department of Science and Technology, Ginebra San Miguel, Inc., San Miguel Corporation, Tutoring Club, ABS-CBN Foundation and most recently in the government’s Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC). Recognizing his environmental advocacies, Richard received in 2011 the prestigious Blue Falcon Award from V. Mapa High School Alumni Association. With all the professional experiences he gained in working with these various companies, he can truly say that he is really blessed by God for He allowed him to work in these different institutions to harness him more and prune him to be a better person. Richard firmly believes that sufferings, pains, and poverty are just time-bound. It is just a phase in life and not at all a permanent state. Out of these trials and tribulations, he emerged as winner and victorious!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!