Iskandalo sa Sementeryo (Part 2)

Photo credit: article.wn.com

Babala: Ang akdang ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lengwahe na hindi angkop para sa mga nakabatang mambabasa. Wastong pag-unawa at gabay ang kinakailangan. Maraming salamat po.

(Ang mga pangala, ng tao man o lugar, na ginamit sa akdang  ito ay “purely coincidental” lamang.)

Tama nga ang hinala ko. Paksyet. At may gana pa akong magsabi ng “magandang hapon po” sa malumanay na pamamaraan.

Si lalake na bigla na lang bumangon, ni hindi man lang inalis ang sariling dala sa aleng katalik ng maayos, sumugod bigla sa akin, aakmang sasapakin ako at winikang, “Sino ka? Anong ginagawa mo dito?!” Agad naman akong bumuwelta, “Kayo dapat ang tanungin ko niyan. ANO ANG GINAGAWA NIYO DITO?” Nagsimula ang mainit na pagtatalo sa aming mga mabibigat na salita, nagtitigasang mga tinig at mga ulong nagtitimpi. Isama na diyana ang akto ng turuan, talskian ng laway, at pakunutan ng noo.

Siya: Wag mo kong sagutin ng isa pang tanong.

Ako: E kung sa gusto ko e. Manigas ka!

S: Aba, tarantado ka ha!

A: Baka ikaw ang mas tarantado. Alam mo ba ang lugar na ‘to?

S: Sementeryo.

A: Yun naman pala e! Sementeryo ‘to. Libingan ng tao. Hindi mo ‘to kuwarto, o ni motel na nirentahan mo para gawin ang pakikipagtalik sa syota mo.

S: Pakialam mo? Ni bastos kang hayop ka e. Wala ka man lang pasintabi.

A: Oo, hayop ako… pero ako ang pinakamataas na lebel ng hayop. E ikaw? Ano ka, sibilisadong nilalang kuno na nag-aasal hayop sa isang pampublikong lugar?

S: Hoy, wala akong pakialam kung ano ang isasagot mo. Pero wala kang karapatan para pumunta sa lugar na ito habang busy ako nakikipagtalik sa babaeng kasama ko.

A: Ikaw ang walang karapatan, pareho kayo ng puta mong kasama. Mga idiota!

S: Idiota? Teka, kilala mo ba kung sino tong tinatawag mong “idiota?”

A: Hindi kita kilala sa pangalan o itsura, pero sa tingin ko ikaw na ang pinakamanyak na taong nakilala ko ngayon.

S: ANONG SABI MO?

A: Oo, ikaw nga ang pinakamalibog. Uultin ko ba, tarantado?

S: Anong karapatan mo kong sumbatan niyan ha?

A: Hindi pa ba sapat ang nakita ko, pati ng mga tao dun? (sabay turo sa ilang mga puntod na may mga nagkumpulang maninilip na tao) Aba, kailan pa naging parausan ang mga puntod dito, aber?

S: Porket nagparaos lang, bastos na kagad? ‘Di ba puwedeng tanga ka lang talaga?

A: Mawalang galang po. Pero sa tingin ko mas tanga ka. Kung SEX lang ang tanging basehan mo ng salitang “bastos,” ta****ka… tanga ka. Wala kang pinagkaiba sa mga taong ang aangas manghuhusga, pero tatanga-tanga naman. At wala ka bang sentido kumon, iho? Tsk. Oo, siguro kasi tanga ka nga naman, ano?

S: Hoy, hoy, hoy! Nakaka-lima ka na?

A: Ah, sige. Dadagdagan ko pa iyan! Sa tingin mo, este, tingin n’yo, (sabay turo sa ateng kapartner ng loko) Hoy, damay ka dito, hija-de-puta ka! Sino ba namang mga tanga ang gagawa ng iskandalo sa isang pampublikong lugar tulad nitong sementeryo?

S: Aba, gago talaga ‘to ha?

A: Manahimik ka d’yan, inutil na barbaro. May karapatan akong sitahin at paalisin kayo dito!

S: Ang yabang ng mokong na ‘to, payatot naman. Sino ka ba para paalisin kami dito?

A: Ako lang naman ang apo at pamangkin ng may-ari ng puntod na ginagawa n’yong lugar ng lampungan dito. Kung hindi ba naman kayo tarantado, ano?

S: Ahh… Kaya pala ang sarap dito ano?

A: Talaga? Bakit siya? Naasiwa sa ginawa ninyo? Pustahan, mas masarap yan kung ako ang kasama niya at hindi ikaw. Hmph! Di ba, miss?

Sabay namutla ang babae, tila nahiya sa kanilang ginawa. Napalitan ang kanyang matalim na tingin na akmang gusto akong patayin. Humirit pa ako ng isang mapang-asar na “Miss, magkano binayad nito sa ‘yo?” sabay nguso sa mukha ng pangit. Nanggalaiti naman ang gago sa pagka-asar. Aakmang susuntukin niya ako nang may sumigaw. “Mond! Saan ka na?” sila na siguro yun, malamang.

Ako naman, hiniritan ko ang nahuling siga na mama, “O, asan na yung suntok mo?”

Wika naman niya, “ginagalit mo talaga ako, ha?”

“Hindi, mas galit nga ako sa iyo e. Hindi lang halata.” Sabay nagpakita ng mala-demonyong ngiti. Agad naman siya uminda ng suntok, bagay naman na sinalag ko. Nagulat siya sa ipinakita kong pagdepensa.

Pero ang dalawang bystander, biglang nagpakita. “Boy, umalis ka na dito o masasaktan ka lang talaga.”

“Bakit ako aalis? E teritoryo ko ang puntod na ito?”

“Ah, ganun? Sige, idagdag ka na namin dito.” Sabay sumugod ang dalawa at hinawakan ako. Agad ko naman pinalagan, pero sumugod na rin ang mamang nahuli ko sa akto at agad akong sinikmuraan. Ilang beses din yun ha, at may dugo’t pasa na rin ang katawan ko. Pero sa panglimang pagkakataon, siniko ko na ang dalawang extra at sabay pinagheadbutt ko silang tatlo.

Sabay nakita na ako ng mga kasamahan ko at sumigaw si Jenny, “Kuya!” napalingon ako nang hindi ko namalayan na tinulak ako ng mayabang na mama at ang natumba sa katabing puntod ng kapatid ng ermat ko. Nagbadyang lumapit ang aking mga kasamahan, nang naglabas ang mokong na ito ng baril. “Tignan natin kung sino ang susunod na gagawin naming kama dito sa sementeryong ito, Ha! Ha! Ha! Ngayon mo matitikman ang bangis ni Mindo!”

(itutuloy)

see part 1: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/29/iskandalo-sa-sementeryo-part-1/

10/30/2012, 07:31 p.m.

see full version of the story at theslickmastersfiles.blogspot.com soon.

(c) 2012 september twenty-eight productions

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!