Isang liham para sayo ALDUB(papa Alden and Yayadub)

photo credit to yayadubmainemendoza/photos

Di ko malilimutan ng unang araw na nagsimula ang ‘di sinasadyang pagtingin mo kay papa Alden.. yaya Dub!

‘Yon na rin ang simula ng pagkabago ng buhay naming  pamilya… ang irit na may kasamang kilig ang bumalabog sa aming tahanan nang makita kong ikaw ay naapektuhan sa mga tingin ni papa Alden at iyon din ang dahilan kung bakit naglapitan sila sa aking kinauupuan… at iyon na ang umpisa ng pagsasalo namin sa pananghalian habang pinanunuod ang Juan for all.. all for one.. at nang  lumaon buong Eat Bulaga na hanggang 24 oras ikaw ay aming inaabangan.. bukod pa sa youtube at mga aldub pages.. ang mga walang Twitter at Instagram account ay nagkakaroon maging follower mo lang at updated sa Aldub.

photo credit to yayadubmainemendoza/photos
photo credit to yayadubmainemendoza/photos

Dahil sa inyo nagkaroon kami panahon na makapagrelax sa loob ng aming tahanan.. Kapag pumatak na ang 12:00 ng tanghali sinisigurado naming lahat ng dapat gawin ay amin ng nagawa para mapanood lang namin ang kalye serye…

Sa inyo ay nawawala ang aming mga dalahin sa buhay.. nagiging masaya ang lahat, mapabata man o matanda. nagkakaroon ng time na magkapagpahinga at ‘di puro trabaho na lamang.. binali n’yo ang aming prinsipyong kayod marino dahil sa oras na magtelecast ang eatbulaga… handa na ang upuan, nakaupo na buong mag-aanak at nagkakaisa sa panunuorin! Saan man sila abutin kapag eat bulaga na titigil at maghahanap ng panunuoran, masilayan lamang ang muli n’yong pagkikita kahit sa monitor lamang… kailan kaya ang tamang panahon!

At kapag araw naman ng Linggo pagkatapos sumimba..dahil walang aldub ang buong pamilya ay sa videoke ang kantahan ng Thingking out load at God gave me you! ( ‘yon ba ang title nun???) at sa kanta pa lang na yang naaalala namin ang mga kilig moments n’yo, aldub! ang mga ‘di marunong kumanta sa aming lahi ay pilit na pinagtitiyagaan ng videoke makanta lamang ang theme song n’yo….

Nakakaalis kayo ng stress sa aming mga manunuod… natutong ngumiti ang mga taong madamot sa ngiti.. feeling teenager ulit ang mga oldones, ang mga walang dimple, nagkakaroon, dahil sa sobrang tawa sa mga pakulo n’yo… natatamaan ang mga easy to get sa mga payo ni lola Nidora.

Hay! Aldub! Papa Alden and yaya Dub, sa daming sumikat na loveteam, sa inyo pa lang ako nagkaganito!…. at nagkaganito ang maraming pilipino! Siguro dahil sa taglay n’yong karisma! na bawat isa sa amin nakakarelate sa bawat character ng kaleserye! ‘yong totoo! TOTOO LANG LAHAT ANG PINAPAKITA N’YONG WALANG HALONG ARTE… thank you, pinasasaya n’yo lagi ang sambayang Pilipino!

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!