Isang kuwento ng Pagtataksil na mas Nagpatibay pa sa Pamilya

(Photo Credit: therelationshipinstitute.org)
(Photo Credit:  therelationshipinstitute.org)
(Photo Credit: therelationshipinstitute.org)

Ako si Makoy, padre de pamilya na nagtrabaho sa isang call center sa Libis. Ako ay may asawang napakabait at maganda at may anak na lalak na masayahin at ubod nang sigla. Sila ang nagpapaikot sa mundo ko, at sila ang dahilan kung bakit ako laging ganadong magtrabaho.

Isang araw bandang alas 7 ng umaga, habang pasakay ako ng jeep papasok sa trabaho, ako ay may naka sabay na isang babae na ubod nang ganda. Morena, matangos ang ilong, may kakapalan ang labi at magandang hubog ng katawan. Tila ba kamukha niya si Angelina Jolie na may kutis Lovi Poe at parang kay Shamcey Supsup ang aura. Parehas kami ng jeep na sasakyan ngunit nung siya na ang uupo, wala nang bakanteng upuan at tanging mga kalalakihan na lang ang makakasakay sa paraan ng sabit. Bilang isang maginoo na siyang pinagmamalake ko
bilang tunay na lalakeng Pilipino, agad akong tumayo upang siya ang paupo-in sa puwesto ko.

Pagdating ko sa opisina, hindi ko akalain na katrabaho ko pala siya at sa parehong “team” pa kami na assign ng aming boss. Nang Makita niya ako, agad siyang nagpasalamat at nag akilala. Siya nga pala si Clareese, matagal na pala siya sa opisinang pinagtarabahuan. Dati siyang sa gabi na-assign, ngunit nalipat sa pang-umaga dahil pagdating ng hapon ay nag-aaral siya.

Agad napalagay ang loob ko kay Clareese, minsan sabay kaming kumakain hanggang sa naging madalas na, naging kabiru-an, kakulitan, at hingahan ko ng problema sa tuwing ako ay nalulungkot o pag may problema sa bahay. Agad ko siyang naging takbuhan at ganoon din siya sa akin. Habang lumilipas ang mga araw, hindi ko namamalayan na na huhulog na ang loob ko sa kanya, nung una pinipigilan ko ito dahil ayokong mawala sa akin ang pamilya ko ngunit ayoko din namang mapalayo sa kanya.

Araw-araw kaming magkasama at sa palagi naming pagsasama, tila ba sabik na sabik ako sa kanya. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko, magtatapat ba ako o pipigilan ko ito alang-alang sa mag-ina ko?

Alam ko na kapag nagtapat ako sa kanya baka iwasan niya ako at hindi ko yun makakaya. Alam din niya na pamilyado na ako at kung sakaling parehas kami ng nararamdaman sa isa’t isa ay hindi rin puwede. Ngunit hindi na ako nakatiis.

Isang gabi ng aming Christmas Party, tuluyan akong nagtapat sa kanya. Bigla ko siyang binigyan ng bulaklak at sabay sabing nahuhulog na yata ako sa kanya. Nabigla siya sa ginawa ko at hindi nakapagsalita, umalis na lamang siyang bigla na wala man lang sinsasabi sa akin.

Mula noon hindi na kami nagpansinan, tila ba iniiwasan na niya ako at mas napatunayan ko iyon nang magpalipat siya sa panggabi dahil sa umaga naman daw ang klase niya. Inaaamin kong oo, nasaktan ako, at sinisisi ko din ang sarili ko. Kung hindi ako nagtapat sa kanya nang ganun ganun na lang, hindi niya sana ako lalayuan.

Ngunit sa kabilang banda, napagtanto ko na tama lang din na iniiwasan niya ako. Mas naging malapit ako sa asawa ko at mas nagkaroon ako ng oras para sa anak ko. Masasabi nating ako ay mas nagging responsableng ama.

Dumating ang araw na may nag-alok sa akin ng mas magandang pagkakataon at mas malaking suweldo sa ibang kumpanya. Nung una, nagdadalawang-isip ako na lumipat dahil mas naging komportable na ako sa trabaho ko at mas napalapit na ako sa mga kasama ko. Ngunit biglang dumampi sa isipan ko si Clareese.

Nasabi ko sa sarili ko na ayos lang din na umalis ako dito, hindi na siya maiilang at mas magiging kumportable na rin siyang magtrabaho dahil wala na ako. Dahil kahit pang gabi siya, may mga pagkakataong nagkakasabay at nagkikita pa rin kami sa trabaho kapag ako ay nag-oovertime na madalas ko ring gawin. At naisip ko rin na para ito sa pamilya ko. Pag umalis ako, mas malaki ang kita ko at mas malaki ang pagkakataon na mas umasenso pa ako. At sa tuwing nandiyan siya, natutukso ako na maaaring ikasira ng pamilya ko.

Tuluyan ko nang nilisan ang kumpanyang aking pinapasukan upang tanggapin ang alok sa akin sa kabilang kumpanya na nakabase saOrtigas. Ngunit hindi pa rin siya mawala sa isip ko, halos araw-araw pag nagbubukas ako ng kompyuter eh sa Facebook niya ako nakatingin.

Mahal ko ba talaga siya o may pagnanasa lang talaga ako sa kanya?

Isang malaking katanungan na naglalaro sa isip ko.

Isang taon ang lumipas, biglang tumawag sa akin ang dati kong katrabaho na si Alex na mag-inom daw kami. Agad ko namang pinaunlakan ang kanyang imbitasyon at tinungo ko ang lokasyon kung saan niya sinabing gaganapin ang inuman.

Laking gulat ko nang makita ko doon si Clareese, tila gumanda pa siyang lalo. Binati ko siya at ganun din sya sa akin. Medyo hindi na kami ilang sa isa’t isa nang panahon na iyon a medyo limot ko na din ang nararamdaman ko para sa kanya. Tuloy ang inuman, kantahan at tawanan hanggang sa kaming lahat ay lasing na.

Nabigyan kami ng pagkakataong makapag-usap, dahil nga nahaluan na ang sistema ko ng alcohol medyo natanggal ang hiya ko sa kanya. Humingi ako ng paumanhin sa nagawa ko sa kanya noong nagtapat ako, ngunit laking gulat ko nang sabihin niyang masaya at nagulat daw siya nung nagtapat ako sa kanya dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin.

Nahulog na rin daw ang loob niya at gusto niya akong yakapin nung mga oras na yun. Nagdalawang-isip lang daw siya dahil sa kabila ng kaligayahan niya, baka ‘yun pa ang maging dahilan na makasira siya ng isang masayang pamilya. Mapagkaitan niya ang isang masayahing bata na mapalapit sa kanyang ama at makadurog siya ng puso ng isang babaeng tapat at nagmamahal sa kanyang asawa.

Ngunit nagpapasalamat din daw siya at dumating ako sa buhay niya, kung binata lang daw ako hindi na niya ako pakakawalan pa, ngunit mas naisip niya pa rin na huwag makasira ng isang masayang pamilya nang dahil lamang sa kanyang pansariling kaligayahan.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko ng mga oras na yun, ngunit alam ko sa sarili ko na natauhan ako sa mga sinabi niya. Naglaro sa isip ko na kung may kakayahan lang akong ibalik ang oras, hindi ko na babalikan pa ang asawa ko at tuluyan ko na siyang iniwan nang mag-away kami nung mga panahon na magnobya pa lang kami, para kami ang magkatuluyan ni Clareese sa kasalukuyan.

Ngunit sa kabilang dako, nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. Dahil sa kanya ay natutunan kong mas mahalin pa lalo ang asawa ko, dahil sa mga sinabi niya mas naging matibay ang pamilya ko.

Bakit?

Kas ayokong ma konsensya siya habambuhay dahil nakasira siya ng isang masayang pamilya dahil sa pansarili lamang niyang kaligayahan. Oo, siguro nga mahal ko siya, at dahil sa pagmamahal kong iyon ay natutunan kong magparaya upang makaiwas na makasakit ng iba.

Ako si Makoy at oo, inaamin, naging taksil ako. Ngunit dahil sa pag tataksil kong iyon, naging mas matibay at masaya ang pamilya ko.

About mboi0710

I am Marc J., a Cebuano born in Quezon City which grew up in Antipolo City but definitely a Filipino. I am an undergraduate of BS Computer Engineering in AMA Computer College and currently works in a Software Developer Company. I love, photography, travel, technical stuff, troubleshooting, cars, and most especially, MOTORCYCLES! I love traveling while riding my bike and taking pictures (A good combination for me hehe). This is the first time I am trying to do blogging and hoping that you might help me out. 🙂
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!