Inlababo vs. Ampalaya

Inlababo. Ito ang kadalasang tukso sa’yo kapag bigla-bigla ka na lamang natatahimik at natutulala, kasabay pa ng pangiti-ngiting tila kinikilig. Nagsimula na ring maging cheesy ang mga litanya at status sa mga social network accounts mo.

Pa’no nga ba masasabi na inlab ka?

‘Pag masaya ka? Kapag blooming? Kapag di mo na mabitawan yung cellfone mo kakatitig sa wallpaper mo at kakahintay ng text niya? Kapag may ka-“i love you”-han ka? Kapag hindi one-sided love ang nararamdaman mo?

Eh kapag nag-aantay ka na mahalin ng gusto mo? Kapag umaasa ka na babalik pa rin yung nang-iwan sa’yo? Inlab ka pa rin ba ‘nun?

Paano naman kapag puro kasawian at kapaitan na ang pinapairal mo? Kapag nagsimula nang bansagan kang ampalaya? Kapag ba bitter ka, automatic, out of love na agad?

“Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin. Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sa akin. Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.”

“Naks. Inlababo”

“Inlab ba yan? Di nga e. Niloko lang ako. :(“

“Ay, ampalaya. Haha”

Hindi ba kasama sa pagiging in love ang masaktan? Kailangan ba laging masaya?

Kapag ba broken hearted ka dahil iniwan ka ng syota mo, o nalaman mong may syota na yung gusto mo o di pala ikaw yung gusto niya, o di ka sinagot ng nililigawan mo, hindi ka na in love?

Kahit pa ilang beses kang sumigaw na “di na kita mahal” at “nakapag-move-on na ko”, di mo makakaila sa sarili mo na ang gusto mo talagang sabihin ay “sana ako na lang, sana ikaw pa rin, sana tayo na lang ulit”. Gamitin mo man lahat ng defense mechanisms na alam mo, masakit pa rin.

Kaya ka nga nasasaktan e. Kasi nagmamahal ka.

Malalaman mo lang na ‘di ka na nagmamahal kapag totoong wala na yung sakit. Pero wala na rin yung saya. Di mo na namimiss si past. Pero wala pa naman si present. Di mo rin sigurado kung darating pa ba si future.

Wala ka ng nararamdaman. As in, empty. Wala e. Wala na talaga.

Photo credit: vi.sualize.us

About WithLoveAriane

I am 24 years of age and a nurse by profession. Weblog has been my outlet for self-expression. I started way back in 2007. It is not the minutiae of my everyday life. Rather, a portal that opens up my thoughts and feelings to my trusty friends - my multiply contacts. It gives me voice to things I am not prepared to say to someone's face. And for years of blogging, I realized that 95% of my entries were written in English. So I thought of this - making a public blog account - a hundred times. I am not sure the world would probably want to hear what I’ve got to say. But I really do love expressing myself through writing and I believe I still have a lot to say - in my native language. With Love, Ariane
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!