“Inday Luwag”

tatlong doesnang anti-hugot quotes from #indayluwag.

Hindi naman lahat sa atin ay nakaluluwag sa buhay. Mas lamang pa rin ang mahihirap sa atin. Isa na ako roon. Hindi kasiguraduhan na kapag nakatapos ka ng kolehiyo, matatapos na rin ang kahirapan mo.

Sa liit ng suweldo at sa dami ng binabayaran at gastusin mo: upa ng bahay, tubig, kuryente, pamasahe, pagkain, groceries, daily medications, etc., ay suwerte na lang kung may matitira pa.

Gayunpaman, likas sa ating mga Pinoy na kahit gaano man kadami ang problema, kahit pasan-pasan pa natin ang mundo sa ating balikat, ay nakukuha pa rin nating tumawa. Mas pinipili pa rin nating harapin ang ating buhay nang may ngiti sa labi. Kaya sa araw na ‘to, inahahandog ko sa inyo ang tatlong dosenang “pampalubag-loob” quotes galing kay #indayluwag – the anti-hugot mascot na nilikha ko, or should  I say, she’s the funny, bubbly, light side of me.

Sana mapangiti ko kayo.

  • Bakit ako tatalon sa balong malalim (hugot) kung puwede naman akong magtampisaw sa tubig na mababaw?
  • Miyembro ka ba ng ANNOYING? Kung ano annoying sinasabi, hindi naman totoo.
  • Bianca of The Better Half and Arnaldo of Wildflower have two things in common: Obsessed and possessed”.
  • Annhin ko ang isang daang tula? Hindi mo nga makuhang basahin mata ko, tula ko pa kaya?
  • Dati minahal ka niya ng sobra. Ngayon sobra pa rin – Sobra sa isa!
  • Hindi lang write-up kina-copy paste ngayon. Pati pagkain, copy-taste na rin!
  • Ang hirap nung pangit na ang mukha, pangit pa ang ugali. Hindi ka pa NapaPANGITi.
  • Sa labas, ang laki-laki ng buwan. Sa isip ko, sus, mas malaki pa diyan binabayaran ko BUWAN BUWAN!
  • 20/20 vision niya, pero hindi ka pa rin nakikita? Ang tawag doon, may paningin, pero walang pagtingin.
  • Kung ang lahat ay di sapat, ang tawag doon, kulang. Kaya bakit mo ibibigay LAHAT kung KuKULANGin rin lang?
  • Kung sinaktan ang puso mo, huwag magtampo. Tumakbo palayo. Lumipad papuntang Paris, maghanap ng kaparis!
  • Sa katangahan, hindi mo kailangang maging alila para tawaging dakila. Sapat na’ng kung saan siya masaya, doon ka.
  • Hindi na baleng walang ikaw sa MUNDO ko kung BiBILOGin mo rin lang ang ulo ko.
  • I didn’t see it coming. I didn’t see when we were in Kindergarten, that in the future, we’ll only be facebooking.
  • Ano bad aw ang opinion ko sa trending na HERMES collection ng isang Vice Mayor? “Well, it’s HER MESS not mine.”
  • Yung pork BBQ na masyadong manipis. Hindi mo alam kung ano ang kikitkitin mo? Yung pork BBQ? O yung BBQ stick?
  • “In KOREAN, my name is SI NAK TAN.
    And you are?”
    —-> “BO LE RO?”
    —-> “BA KA KON?”
    —-> “BAD LO NGON?”
    —-> “A TI KON?”

May man nun u SAG PA ON.

  • Sino mahilig manood ng “A Love To Last?” Alam n’yo ba bakit naging Andeng ang nick ni Andrea? PaRRRa di na mahiRRRapan si Anton sa AndRRRea.
  • “Ang KARNE, mahal.
    Ang ISDA, mahal.

…Mao na dyud cguro ron ilang giingong ‘It’s more PAN in da Pilipins!’, mag PAN (bread) na lang ta         ani!”

  • It’s more fun in PH daw.
    Palagay ko, there’s more guns in PH!
  • Yung close na close kayo pero sa isa’t isa hindi nag-oopen.
  • Mao ni ang tinood:

Sa uyab pa – ihatag ang kasing kasing.

Sa minyo na – ihatag ang singka singka!

  • On Death Penalty: Kung madayun, naay 3 methods of Execution. 1)Hanging; 2)Lethal Injection and 3) Firing Squad. Unya ang mga gi-TOKHANG? Wala diay to gi firing? Nagpalupad ra BALA. Ang tamaan wag magalit.
  • Ang labanan ngayon: Bato vs BATO. Ano ba’to! Lol.
  • Knock, knock.
    Who’s there?
    PANIC.
    Panic who?
    I don’t watch the TV news. It’s not PANIC anymore.
  • Hindi lahat nang hindi nakarating sa paroroonan ay hindi lumingon sa pinanggalingan, yung iba, stiff neck lang ang dahilan.
  • News update: Kulang daw ang facility sa mga rehab centers kulang ang kama; kulang ang banyo; kulang ang mga doctors…..resulta sini KULANG KULANG!
  • Wala ba daw akong knock, knock…?
    Cge na nga…I have one for Vice GANDA.Me: “Knock. Knock.”
    Vice Ganda: “Who’s there…?”
    Me: “FUNNY.”
    Vice Ganda: “FUNNY who…?”
    Me: “FUNNY you…”
    Vice Ganda: “Me FUNNY? GANDA ko kayah”
    Me: “Yun ngah! FUNNYwalang FUNNYwala ka naman!”Haha!
  • Sa mga bana diha…
    “Unsa-on man ninyo pato-o kung pirmi mo mag wala-wala: WALA signal, WALA load, WALA pay tog, WALA relibo, inshort WALA klaro!”
  • “KNOCK…KNOCK…?”
    “Who’s there?”
    “IPHONE.”
    “IPHONE who?!”
    “IPHONEung puno na ako sa pambababae moh!”
  • “Knock. Knock.”
    “Who’s there?”
    “VOWEL.”
    “VOWEL who???”
    “VOWEL ka bang mahalin….?”
    “a, e…, i…OU!”
  • Don’t push me. I am not a door.
  • Kanang nag order ta ug lumpia unya inig kaon nimo nagpangita ka asa ang sud? Makaingon man sad ta lumpiang LUMPIA WRAPPER ni???
  • Alam mo kung ano ang pinakamasarap na kape?Yung KAPE-ling ka.
  • Mahirap pumagitna sa MALI.
    Ikaw ang taTAMAan!
  • Sinaktan ka na, huhugot ka pa? Ay, doon na ako sa luwag, sa loob may pampalubag.

 Isang maLUWAG na ngiti naman diyan. 😉

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!