“Inday Luwag”

 

Doon sa mga nagtatanong kung nasaan na si Inday Luwag? ‘Eto pa rin siya. Palakad-lakad sa kalye. Sasakay ng dyipni. Aabutan mo ng pamasahe at sa ‘yo’y ngingiti. Tapos bababa sa may kanto. Maglalakad pauwi kasabay ng galang aso.

Kapag nasa trabaho naman, trabaho lang, walang personalan. 8 to 12 hours a day. Minsan nakakapagod na. Pero minsan ‘di ko naisip magreklamo. K’se paano ka pa magrereklamo kung lahat ng pasensya mo, ubos na. Walang nang itinira. Kaya doon sa mga nagtatanong kung “kaya pa?” “Oo naman. Kaya pa – kayamukat.” Haha.

Pero, hindi. Hangga’t nakukuha ko pang tumawa at magpatawa, kaya pa. 😀

Nakaka-miss tumawa. Kahit pinagsakluban tayo ng problema, at nalunod tayo sa sariling mga luha, gugustuhin pa rin nating tumawa. Hahanap-hanapin pa rin ng ating mga tenga ang dagundong ng ating mga halakhak! K’se ‘yun tayo eh. Dugong Pinoy. Likas na masayahin. Kaya sa mga panahong bagsak ako, nakukuha ko pa ring mag-dyok. Hindi lang ‘to bahagi ng aking bala’t buto. Nasa kaibuturan na ‘to ng aking puso.

Kaya dito sa sandosenang katatawanan galing kay #indayluwag, sana  kahit papa’no, mapasaya ko kayo, sa pang-apat na pagkakataon.

  • Asa na daw si Inday Luwag wala na daw nag-BLOG. Ang2x hadlok ko sa Senado ipatawag! Wala ako Mochang ihaharap! Haha.
  • “What’s on your mind?…Buti pa ang FB, concerned kung unsa naa sa ako huna-huna. Ang uban wa dyuy paki.
  • Buti pa sila…”white” ang Krismas. Kita ani “way” Krismas!
  • Ano ang bagong Pambansang prutas ng Pilipinas? PEACH. Mahilig k’se tayo sa impeachment!
  • Gimingaw ko sa Bantayan Island. Lahi ra didto mawa imong problema. Diri? Ikaw mawa sa problema! Haha.
  • Maraming kababayan natin ang pasado sa exam ng PRC. Pero bagsak, as in, zero sa GMRC.
  • Sa worldwide web, for security purposes, we are asked if we are human –> “Are you human?”. Bakit? May hayop bang online? Oo nga pala, buwaya. Yung mga ayaw umalis sa puwesto. Lalo na sa internetan na hulog-piso! Ayun, Dota ng DOTA. Kita ani, NGANGA! 😀
  • Loyal bitaw ko. Sa trabaho. Sa amigo. Sa amiga. Pero duna pa mas labing loyal sa akoa – Problema! Masabitan na nako ni siya ug medalya!
  • Tayong mga Pinoy, one-day Millionaire pagdating ng sueldo. Pero pagdating ng “tingbitay” (“tingbits”); one day pud – “one day, one eat!”
  • Unsaon man nako ang Iphone kung nag sud-an ra’g hipon? Adto na lang ko sa Nokia 5110; nag sud-an pa ug bakten!
  • Ang uban kuno diha mayra ug barog, pero ang tiyan ga-kurog!
  • May kasabihan tayo, “matalino man daw ang matsing, napaglalamangan din”. Sa totoo lang, hindi ko alam na matalino ang matsing? Eh ang laman ng utak nun puro saging! 😀

Ayan. Nakakabitin naman ang sandosena lang, noh? Pero sa kahit isang dyok dito ay tumawa kayo, sapat na yun.

😀

(Photo credit:Symbols & Emoticons/Pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!