I’m so Sorry (Part II)

hopeAng pagpagpatuloy….

“Bro, kumusta ka naman? Kanina pa kita kinakausap, pero parang hindi mo ako naririnig?”.. -sabay tapik sa balikat ni Joel kay Mark.

“Sorry, Bro!.. ano?,  napagod kasi ako ngayon.   Kailan ba papasok si Bob?” –maang nitong sagot kay joel

“Baka sa isang araw pa, Bro…ano ba’ng iniisip mo? Bakit parang wala ka sa sarili?, kilala kita, Mark..” sambit nito habang nakatitig kay Mark na pinsan niya.

“Wala, pagod lang talaga ako, mauna na akong umuwi sa ‘yo ha,”   matamlay nitong tugon nito, sabay talikod kay Joel.  Nagsenyas na lang siya sa pagkaway ng kamay.

Bakit bumalik pa siya? Tama ba ang ginawa ko?”… mainam na yun marahil, para wala nang gulo pa.. pag mumuni-muni ni Mark habang naglalakad patungo sa kanyang bahay.

————- 🙁

“Lina, nagkita kami ni Josie kanina sa Resto..”- biglang sambit ko sa aking misis; noon ay nakahiga na kami upang magpahinga.  Hindi mapanatag ang aking kalooban kung  itatago ko sa kanya ang tagpong iyon.

“Ha?!.. Ano’ng sabi niya?  Ano’ng sabi mo sa kanya? “–bigla ang reaksyon ni Lina na halos ikalundag niya sa kama.

“Wala naman siyang sinabi; halata na namumutla siya at gulat na gulat.  Siguro, hindi niya akalain na buhay pa ako, hindi tulad ng kanyang nalaman sampung taon na ang nakaraan.” – paliwanag ko habang inaalala ko ang nakaraan.

Halos ikamatay ko nang ibangga ko ang sinasakyan kong motor, ngunit sa awa ng Dios ay nakaligtas ako.  Akala ko noon ay wala nang halaga ang buhay ko, dahil sa pinagtapat ni Josie na may iba na siya.  Minahal ko siya, ngunit ano ang kanyang ginawa?  Akala ko noon, siya na ang babae na makakasama ko.  Umasa ako, ngunit nauwi  sa wala!  Ang pag-ibig dati ay napunan ng lungkot at galit…

“Hon?!!!”….-pagyugyog sa akin ni Lina na noon ay parang bumalik ang pait ng puso ko sa nakaraan.

“Bakit? –maang kong tugon

“Hon, ano’ng sinabi mo sa kanya? Binati mo ba siya?  Sinabi mo bang ‘ Uy! Josie, long time no see!   Buhay pa ako?”..– pang-uuyam nito sa akin sabay ngiti nang makahulugan.

“Wala, dedma lang! Tulog na tayo..tama na yang mga tanong mo” –sabay hila ko sa aking asawa at niyakap ko siya nang mahigpit.

“KJ mo naman!…ioopen mo, tapos suspense?!   Pero salamat at sinabi mo sa akin.. I’m so Flattered,  hon, kasi hindi mo ito itinago sa akin…”- masuyong  sambit ng asawa ko habang yakap namin ang isat-isa.

Si Lina ang bestfriend namin ni Josie, simula’t sapol pa noon.  Nagkakilala kami noon sa isang samahan sa kapilya;  lagi kaming tatlo ang magkakasama.  Magkakasama pa rin kami hanggang magtrabaho kami dito sa Manila.  Si lina ang matiyagang nag-alaga sa akin habang nasa ospital ako.   Habang nagpapagaling ako ng aking mga sugat; sugat ng puso na noon ay patuloy ang pagdurugo dahil sa sakit na dinulot ng isang pag-asa ngunit…. ramdam  ko ang mainit na daloy ng aking mga luha. Hindi ngunit porke’t isa akong lalake ay hindi na maaaring umiyak. Tao lang din ako, marunong masaktan, at ang sakit na ‘yun ay nagbibigay ng matinding kalungkutan..

——————- 🙁

“Tulala sa isang tabi, at nagmumuni-muni sa ating nakaraan”……

“Tumigil ka nga diyan , Lesly” – pagalit kong sambit.

“Asussssss!!!!!……Emoterang palaka!, tumigil ka – sabay kumpas ng kanyang kamay na aktong ferry godmother.

“JOSIE! JOSIE! JOSIE!…nakokonsensya ka, ‘di ba?. According sa ‘yo, sa loob ng sampung taon na hiwalayan blues, yellow and red ninyo ay ikaw ang may sala, sapagkat ikaw ay nagtaksil sa inyong matamis na sumpaan noon ngunit….. –pinasakan ko ng monay ang bibig niya sa susunod pa niyang sasabihin, tila isang imbestigador si Lesly na nangungutya sa sa aking tagiliran.. 😀

“Ang alam ko patay na siya!, sampung taon Lesly!, dinala ko ang pag durusa dahil sa nagawa kong pakikipag hiwaly sa kanya, hindi man lang ako nakahingi ng sorry, tapos ngayon..- maktol ko sa aking kaibigan.

“Cheh!!..bakit kasi  idinahilan mo na may iba ka? Tapos ngayon,?!.. hmff…- pasupladang tugon nito sa akin.

“Kung kausapin ko siya baka sakaling makabawi ako sa ginawa ko!..- masigla kong tugon na mababakasan ng  pag-asa.

“Paano kung may iba na siya? –seryosong tanong ni Lesly habang nakatitig sa akin.

Malalim na buntong-hininga  lang ang naisagot ko kay Lesly, dahil sa puso ko, hindi ko alam kung ano ang maaaring sagot nito.

——————–:(

Makulimlim ang buong paligid; ikasampu na ng umaga, tila bubuhos ang malakas na ulan dahil sa maitim na kalangitan, nasa tapat ako ng Resto, kung saan nag tatrabaho si Mark.

“Good Morning! Welcome to restaurant! – isang magiliw na bati mula sa waitress na noon ay nakatayo malapit sa pintuan.

“Good morning!  Nandiyan ba si Mark. Miss? –maagap kong  tanong sa kanya.

“Si Chef Mark po ba? –alanganing sagot nito sa akin.

“Chef?  Siguro siya nga, pakisabi kung puwede siyang makausap?..-alangan kong tugon sa reaksyon ng waitress.

“Saglit lang po at tatawagin ko siya..- sabay talikod nito sa akin.

Ilang minuto lang ay lumabas na si Mark mula sa kanilang store room. Nagkasalubong ang aming mga mata, at tulad ng una ko siyang nakita, may parang yelo na bumabalot sa aking buong katawan at ang malatambol na kaba, na halos gusto ko nang matunaw sa aking kinatatayuan.

“Hello, Ma’am, hinahanap daw po mo ako? –magiliw nitong tanong sa akin.

Hi?.. puwede ka bang makausap nang ilang minuto lang?..-nginig kong sambit sa kanya na hindi ako makatingin sa kanyang mukha.

Nag-uusap na  po tayo, ma’am!..-pabirong tugon nito.

“I mean, nang tayo lang, puwedeng maupo muna tayo doon? –pakiusap ko sa kanya, sabay turo ko sa bakanteng mesa na nasa sulok.

Ma’am, puwede ko po bang malaman ang pangalan mo?  Sorry po kasi sa dami ng nagiging babae ko,,ay Este, Customer po pala, hindi ko po matandaan ang mga pangalan… -pabiro nito na matiim ang pagtitig nito sa akin.

Napayuko ako nang makita ko ang kanyang  mga mata na tila nag-aapoy sa  galit.

 

Itutuloy…

Part 1:  http://definitelyfilipino.com/blog/2013/01/26/im-so-sorry/

About ariel23

trying hard magsulat....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!