Ibalik si Goku sa hapon

Hindi na maaalis sa kultura ng pilipino ang mga teleserye. Pagkatapos ng mga noontime show mapapanuod mo ang mga iba’t ibang teleserye na pang hapon. At sa gabi naman pagkatapos ng balita mga sunod sunod na drama. Araw-araw na ganito ang kalakaran na mapapanuod mo sa telebisyon, maliban nga lang tuwing sabado at linggo naiiba ang palabas. Iba’t ibang kwento at karakter pero karamihan magkakaparehas lang na konsepto at tema. Paulit ulit na lang.

Sa isang teleserye hindi mawawala ang tema ng pag-ibig. Kapag may bidang lalaki dapat may kaparehas na babae at kapag bida naman ang babae dapat may kaparehas din na lalaki. Bibihira lang na walang tambalan sa isang drama at ang malupit pa dito ang paulit ulit na tema na may kathird-party, kaagaw, kabit o kontrabida sa pagmamahalan nila. Kabit kabit na relasyon pero ang ending sila parin hanggang huli sa dinami daming nangyari sa palabas sila parin hanggang huli hindi ko alam kung bakit pero siguro laging ganon ang ikot ng istorya para patunayan na may FOREVER pero kung tutuusin sa totoong buhay minsan nananalo ang KABIT kaysa sa original. Sampalan, suntukan, iyakan, trayduran. May aapihin, mang-aapi, mauuto ng nang-aapi, katulong ng nang-aapi, may tutulong sa naapi at sa hinaba haba ng kwento ang ending SILA PARIN HANGGANG HULI!

Hindi rin mawawala ang konsepto na may kakambal yung bida, may mababaliw, may papatayin, may papatay, may nagpapatay, may mamamatay at yung mamamatay muling mabubuhay kasi nadaplisan lang ng bala tapos gumulong sa damuhan kaya kala nila patay na.

May gagahasain, maghihiganti, tutulong sa maghihiganti, may mahirap na bida at mayaman na kaparehas, tapos yung mahirap na bida magiging mayaman at yung kaparehas nya magiging mahirap.

Matapobre na madrasta, uto-utong biyanan, may magsasampa ng kaso, pero yung abugado/judge ay babayaran para ipanalo ang kaso o ibasura ang kaso.

May mabubuntis, makukunan dahil sa pang-aalipusta ng kontrabida, may mawawalan ng anak, mamamatayan ng anak, pero pagnagtagal malalaman nilang buhay at happy happy ang anak nila na tinago o napunta lang sa ibang pamilya.

Sa ending may barilan na mangyayari, matataman yung bida pero dahil aktingan nga lang hindi siya mamamatay, makakabangon pa at makikipagbuno dun sa kontrabida at mag-aagawan ng baril hanggang sa pumutok yung baril at magtititigan sila kung sino tinamaan ng bala. Aarte yung bida na kunwari siya ang tinamaan pero dahan dahang hihiga yung kontrabida dahil siya pala talaga yung nabaril. Pagpatay na yung kontrabida lalapit yung kapartner ng bida at magyayakapan at maghahalikan at dun na magpapakita ang pulis! Nasa dinami daming eksena at nangyayari kung kailan patay na yung kontrabida tsaka sila magpapakita.

Paulit-ulit na lang na ganyan ang tema at konsepto ng mga telenobela at teleserye sa bansa. Hindi naman sa pinakikialaman ang mga writer at direktor sa mga drama pero nakakasawa na. Buti na lang yung ibang istasyon nagpapalabas ng mga movie. Kaya kapag nauumay na may mapapanuod pang iba. Ito ang mga mamanahin ng mga susunod na henerasyon sa larangan ng pag-arte. Mga kwentong iniba lang ang karakter at gaganap sa mga tauhan pero magkakaparehas na konsepto at tema. Ayos na sana kung sa gabi lang ang mga ganitong palabas pero pati sa hapon nadamay na din, mas masaya pa noon na may ANIME at cartoons pa sa hapon. Hindi lang nila alam pero minsan mas may moral lesson ang mga anime kaysa sa mga teleserye. Kaya ibalik si goku sa hapon! Kasi kahit tanungin mo sila kung may natutunan sa pinanuod nilang drama wala silang masasagot. Pero ako! ito lang ang masasabi ko; “laging huli ang batas maging sa drama o sa tunay na buhay pa yan.” at hindi laging may FOREVER!

About Torio

Geh!