“Huwag Kang Uwak”

Kelan ka magbabago? Pagputi ng uwak?

“Huwag kang uwak, puso mo’y ‘di busilak. Grabe ka kung makaapak. Si Satanas lang naman ang pumapalakpak!

(Photo credit: 0wner/Weheartit)

 

Pak, pak! Huwag kang kwak-kwak! Pak, pak! Huwag kang uwak!

Huwag maging sino! Akala mo kung sinong pa-SINO! Na walang sinasanto!? Huwag maging banal, dahil isa kang hangal! Petmalu ka pa sa sinaunang kawal! Kawal – ng kawalanghiyaan! Kawalang amor sa mga taong tingin mo’y bopols! Bopols pero may PUSO! Di gaya ng sa ’yo matigas pa sa BATO! Puro utos, walang humpay na utos! Hindi naman kita Boss! Boss ba kita? BOSSit kamo! Dahil ang Boss ko, ‘andun sa taas! Nakatingin sa ’yo sa lahat ng angulo! Mula ulo hanggang paa! Mula paa hanggang ulo! Hanggang sa dulo ng buto’t balat mo! Alam Niya ang tunay mong pagkatao! Kaya please lang ikaw ay MAGBAGO! Huwag i-career ang pagiging abusado! Dahil hindi masaya! Hindi nakakatawa! Pumupuno ka lang sa problemang “uwaka ka!”. Humayo! Ika’y lumayo! Doon ka maghasik ng lagim sa mga nangangapa sa dilim! Doon sa maiitim ang budhi! Sa iyong mga kagaya at kauri! Huwag dito! K’se dito wala kang mauuto! Hindi kami sinto-SINTO! Kami’y mga simpleng tao! Simple pa sa ordinaryo! Walang itinatagong baho! Walang umaalingasaw dahil di namin trip sumawsaw! Pobre lang kami pero ‘di mababaw!

Pak, pak! Huwag kang kwak-kwak! Pak, pak! Huwag kang uwak!

Huwag mo kaming pandidilatan ng mata! Dahil wala ka namang nakikita! Bulag ka sa katotohanan! Manhid pa at walang maramdaman! Nakakapang-gigil ang tulad mo sa kalamnan! Wala nang pag-asa ang tulad mo! Ni ‘di mo ma-detect sarili mong bagyo! Huwag mo k’seng kainin sarili mong hangin! ‘Yan sa’yo ang nakaka-praning! Buti pa sumayaw ka na lang ng ‘Despacito!” O, kumain ng maraming “lemonsito!” Panglunas sa utak mong malasado!

Pak, pak! Huwag kang kwak-kwak! Pak, pak! Huwag kang uwak!

Tayong minamaliit! Huwag mainip! Buti pa ‘kain na lang tayo ng pancit! ‘Di lang para humaba ang buhay! Para magsitaasan din ang kanilang mga kilay! Dahil tayo, nagpapaka-TOTOO! Sila?! Ipokrita’t ipokrito! Iba ang sinasabi sa ginagawa! Hindi magkatugma! Mula Aparri hanggang Jolo ang layo! Pag sobrang layo – malabo! Pag malabo, vision ay hindi 20/20! Pero bisyo, masamang bisyo, you can guarantee! One hundred one percent! Pero pag nasakote, doon ka na lang magpaliwanag sa precinct!

Uwak, kelan ka magbabago? Kung magunaw na ang mundo? O, kung pumuti na ang balat mo?”

. . . Pak! Ang hirap palang magflip-top. Hindi ako sanay sa ganitong istilo. Pero si #indayluwag ay hinamon ng isang kaibigan, kaya ‘eto nakipagsapalaran sa ratsadang “rap”. Bakit “uwak”? K’se may malalim na ibig sabihin. Pag nakakakita tayo ng “uwak”, iba sa pakiramdam. May dalang takot at kaba – parang may mawawala? Pero para ring may darating na hindi mo alam, feeling mo it’s gonna be exciting? Pero para sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito – “malaking pagbabago…”– para sa sarili mo. ‘Di po ba, pag may nagawa tayong kasalanan, ganitong linya palagi ang ating naririnig galing kay Nanay, Tatay, ate, kuya, o ‘yung mga taong sinauna – “Kelan ka magbabago? Pagputi ng uwak?”

‘Di po ba parang napaka-imposible? Pero meron bang imposible kung iyong gugustuhin? Kung hindi mo susukuan ang sarili mo na magbago na talaga?

“One day, isang araw, ika’y tumingala.
Maaliwalas ang mukha. Masaya.
At nakita mo ang iyong sarili.
Puti na ang uwak, naging kalapati!”

(Photo credit: 0wner/Weheartit)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!