Huling Sulat ni Pikon para kay Ate

Dear Ate,

Hindi ko na naman paano ko sisimulan ang sulat na ito. Bahala na naman si Batman. Nyahaha. Bilis ng panahon anoh? Mag-aapat na buwan na pala tayong magkakilala. Dalawang buwan tayong nagkulitan at naglambingan. Nyahahaha.

Akalain mo? Sa unang sulat ko, sabi ko pa sayo na hindi ako yung taong mahilig sa Daysary, Weeksary, Monthsary or ano pang ka-eklatan na yan. Naks naman! Binago mo na naman ako. Ginawa mo akong mas #MaisConKorny as EVER!

Oh dba? May mga Cloud 9, Mamon, Flat tops pa akong nalalaman? Nyahahaha. Tas nung kelan lang, naalala ko wala ka sa mood, sabi mo sa phone sana may magbigay sayo ng “Yellow” na flower. Tas pag-gising mo, may Picture na. Nyahahah. Picture lang muna kasi ang layo mo eh. Mahal magpa-deliver. Nyahahahah! Pero atleast nag-effort ang Pikon.

Gulat nga friends ko. That time kasi nasa SnR kami. Having dinner. “Catching up”. Alam mo na naman ang nangyari kung bakit kailangan ng “Catching up”.

Ang ganda ng pinag-uusapan nila tas bigla akong sumingit;

“May flower shop ba sa loob ng SnR?” Oh dba tanga lang? Nyahaha.

“May flower dun oh! Yung Poinsettia (Nag-google pa ako sa tamang spelling bwahaha)” sagot ni Jay yung pinaka-Ate ng barkada namin.

Tas doon na nagsimula ang tuksuhan na sobrang #MaisConKorny ko na raw. Pati nga raw mga posts ko sa FB eh. Nyahahah..

Pero bakit ganun? Bakit halos lahat ng effort na ginawa ko, balewala sayo? Parang hindi na kagaya ng dati. Ang daming nagbago.

Nawala na yung “Sweet mowning”. Yung pagiging makulit mo. Lalo na yung pagiging sweet mo. Anyare te? Nagsawa na ba? Nyahahaha. May iba na? O may bumalik ba? Nyahahahaha.

I can’t blame you. Siguro nga hindi ako deserving na ipaglaban. I became unsure. Unsure if you really have feelings for me. Unsure of everything.

I thought you’ll hold my hand the moment I loose my grip. I thought you would never let go. But you did. 🙁

You easily let go of my hand. 🙁

I wish I had time machine. So we can go back from the start. Dun sa panahong masaya tayo. Masaya tayong nag-aasaran. Tom and Jerry phase ng love story natin.

Kung kelan kahit simpleng papel ko sinusulat ang pangalan mo, kinikilig ka. Nung panahong ginigising mo ko ng sigaw mo, “Honeeeeeeeeeey!” 🙁

I have no choice. I still wanna hold on but you told me not to.

So I guess this is it. This is the end of Ate and Pikon.

I will still be here for you. I will still be the same person you fell in love with. The person who makes #MaisConKorny Jokes out of nothingness.

PS:

Ikaw pa rin ang pinaka-magandang Reyna ng Planet Uterus. nyahahaha.

PIKON

Signing off 🙁

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: