Huling Paalam

huling paalamBAWAT isa’y nagdadalamhati, nananangis at puso’y humihikbi.

Sa inyong paglisan dahil sariling buhay ay ibinuwis, doon sa engkuwentrong laban din ng bawat sambayanang Pilipino

Tunay na kayo’y bayaning maituturing, na sa mata ng lahat ay dapat lamang na ipagmalaki
Na kahit buhay ninyo’y hindi na kailanman maibabalik,
magiging malaking bahagi na kayo ng ating kasaysayan.

Mga bayaning puno ng tapang,
dedikasyon at pagmamahal sa bansa
At mga bayaning kahit sa huling hininga’y hindi nag-alinlangan, natakot o nagpamalas ng karuwagan
Na dapat lamang na maging magandang ihemplo o halimbawa sa ating lahat
Kayo ang tunay na dugong Pilipino
Paalam, aming mga tunay na bayani!
Salamat sa inyong kadakakilaan at pagmamahal sa ating bayan
Salamat sa inyong kagitingan at walang pag-aalinlangang pagtatanggol sa sambayanan
At salamat dahil kahit buhay ninyo’y naibuwis, nakaukit na sa kamalayan ng bawat salinlahi ang inyong kontribusyon sa ating Inang bayan

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!