Huli Kayo, Balbon!

5/5/2014 8:30:42 AM
http://newsinfo.inquirer.net/

So may bagong balita na raw sa kanila, ano? Nahuli na raw si Cedric Lee, pati yung isa sa nga kasama nilang si Zimmer Raz noong isang lingo habang patakas kuno sa Samar.

At ilang araw matapos ang “nagbabagang balita” na yun, ay sumuko naman sa Camp Crame si Deniece Cornejo.

Eh kaso, ano naman ngayon?

Ano na ang mangyayari sa atin? Magiging national item na naman ba ito, kasabay ng mga balita ukol ay Kris Aquino, ang panukalang gawing state witness si Janet Lim-Napoles (eh?), ang pagbisita ni President Obama ng Estados Unidos sa ating bansa, at ng kung anu-ano pa.

Oo, ultimo ang The World Tonight, ang isa sa mga pinakapremyadong newscast na kilala dati sa pagtukoy sa mga lehitimong “national issue,” nagging top story ‘to eh.  Pambihira naman oh.

Nahuli na si Cedric Lee, eh ano ngayon? Mapipilitan na bang sumuko ang dating chicks na si Deniece Cornejo nito, bagay na pinapanawagan ng kanyang lolo? Oo, itsura pa lang, chicks nga. Yun nga lang, dahil sa nangyaring iskandalo na kinabibilangan talaga niya, ni Lee at ng actor na si Vhong Navarro, samahan mo pa ng trial publicity, eh talaga namang nagbago na ang tingin ng mundo sa kanya.

Pero, alam mo, sa panahon na inupdate ko ang post na ito ay nahuli na rin sila eh. At gumugulong na ang kanilang teleserye sa hukuman. Taray, baka daig n’yo pa ag programa ni Atty. Jose Sison nyan ah? Pero t****na naman. Ano naman ngayon?!

Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Aamin ba ang gago? Asa. Nakangiti pa yata nung humarap sa camera eh. At kung ano ang kliyente, ganun din ang abugadang datingan ah. Naalala ko kahit na sobrang urat ko sa isyung ‘to, basta pag si Howard Calleja ang nagsasalita, eh di mapigilang mag-init ang tao (malamang, nababasa ko pa rin sa Facebook posts ‘to eh. Mabuti sana kung kayang i-filter muna ang mga pst na may kinalaman sa isyung ‘to bago i-hide).

Click here to continue reading the entire article.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!