How Do I Unlove You?

unlove2

 Sabi sa tagline ng isang movie, “How do I undo the past? How do I unlove you?”

Well, may mga bagay na kapag nagawa na, hindi na pwedeng bawiin. Once a decision is made and an action has been done, things are set in to motion. Minsan, things get out of our control. Tipong kahit pa anong gawin natin, hindi na natin kaya pang pigilan ang mga susunod pang mangyayari. Kung may “pause” at “rewind” button lang ang life, sigurado na napudpod na ‘yun sa kakagamit ko.

Madalas, naiisip ko kung paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito. Sa simula pa lang naman naging malinaw na ang lahat, di ba? No expectations. No strings attached. Puro limitations at boundaries. What we are and what we can be are confined to the strict definition of “friendship”. Pero naging traydor ang puso ko. Kahit pa gaano ako hinahatak ng isip ko na wag maattach sayo, mas nanaig pa din ang ginusto ng puso ko.

Kung papapiliin ako ngayon, irerewind ko ang lahat lahat hanggang sa makabalik ako sa araw na nakilala kita. At kung may pwede man akong baguhin, hindi ko sasagutin ung unang PM mo sa akin. After all, dun naman nagsimula ang lahat, di ba? Sa isang simpleng “Hi” at “Hello”. And then, gradually, we became close. Naging taga absorb ka ng lahat ng frustrations ko pagdating sa lovelife, and I became your confidante on how unfair life treated you. Naging sandalan natin ang isa’t isa. Hanggang sa dumating ‘yung time na nasira ang lahat.

Aminado naman ako. It was my fault. Bakit ba kasi nadevelop pa ako sayo? Bakit ba sa kabila ng mga paalala ko sa sarili ko na off limits ka, minahal pa rin kita? Maybe it was the fact that you led me on. Pinaramdam mo sa akin na special ako sayo. At ako namang si tanga, nag assume na there was something more. Pero di ba, ilang beses naman kitang tinanong kung ano ako sayo. Kasi kung simpleng kaibigan mo lang ako, bakit nagagalit ka sa tuwing napaguusapan ang ex ko? Bakit nagtatampo ka kapag nalalaman mo na may nakilala akong bago? Am I right to think that you are doing things beyond the lines of friendship? Maybe it was unintentional. Siguro hindi mo nalang din napapansin na ginagawa mo yun or na ganun ang magiging epekyo sa akin nun. But the fact still remains, you led me on. You made me fall for you, unintentional man yun or hindi, wala ng balikan. Andito na ako eh.

And now, I am paying the price of losing reigns of my emotions. Sabi ko nga di ba, no matter what I do, or how close the two of us can become, nothing will ever change the fact that your heart still beats for someone else.

May nabasa ako dati, sabi dun, “Hindi lahat ng taong pumapasok sa buhay mo ay mga bida. Minsan, sila lang ung mga ekstra para matupad ang nakatadhanang istorya.” Sa pagkakataong ito, kayo ng taong mahal mo ang mga bida, at ako ang nagsilbing ekstra sa love story nyo. Di ba, dumadating sa punto ng isang love story na magkakaroon na ng happy ending ang mga bida, samantalang ang mga ekstra, kailangan ng mawala sa eksena. And I guess, ito na yung time na yun para sa akin. I have to let you go, kahit pa hindi ka naman tuluyang naging sa akin.

So, how do I unlove you, nga ba? May mga steps ba na kailangang sundin? Meron bang dummy guide? May spell ba na kailangang bigkasin? At this point, gagawin ko ang lahat, mawala lang yung sakit na nararamdaman ko. I constantly yearn the company of others, dahil yung ingay na nagagawa ng outside world ang nagsisilbing shield ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ng dahil sa’yo. I think the easiest part is at night, kapag pipilitin ko ng matulog. Dahil alam ko na sa pagtulog ko lang pwedeng matakasan ng tuluyan ang anino mo. The hardest part is that moment when I finally open up my eyes. Kasi sa moment na ‘yun bumabalik ang lahat ng pain na nakalimutan ko sa loob ng konting oras ng pagtulog.

I know that this is just a phase. Alam ko din na dadating ang araw na tuluyan kitang makakalimutan. Na tipong kapag naalala kita, what I will remember most are those moments when you made me laugh and when you made me feel loved and special. At alam ko din na pag dumating na ‘yung time na kaya ko ng balikan ang lahat ng walang nararamdamang kahit ano, dun ko lang masisiguro na nagsucceed ako in unloving you.

About hashie

I am a woman, a nurse, and a mother who loves to read and to write. I hope that someday, my literary pieces will be enough to make a difference - no matter how small it will be - in a world that is struggling to live in a peaceful way. Please visit and like my page https://www.facebook.com/pages/Hashie/276925455677468?ref=hl
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!