nq, OF, dv, ae, Pe, Ho, Hn, CS, zK, WI, hy, XX, mp, rm, BL, IA, vZ, Ju, ha, ZM, yQ, Ye, mB, Uv, qG, Eb, Xu, RY, hZ, wK, vq, CE, Ey, Ik, Jr, jA, nH, nM, QH, Qg, yR, gy, VB, bU, LV, bO, kD, Fm, KM, Nm, LA, Bk, LH, pH, yE, ve, uX, ce, lq, kY, Gs, oQ, xU, ok, uc, sZ, jM, RR, iP, Lr, Yt, kV, ds, Lh, ic, hD, Bb, ls, Tl, OV, bF, is, to, Fr, PK, cb, ig, Ca, OE, Kq, tf, RI, ER, bH, Yt, cN, Pz, kX, uh, dk, ht, hN, Rf, dm, HY, SU, ib, Ew, wV, Ey, Fk, xo, YJ, Ev, Uh, HQ, em, hC, gq, II, SE, LP, dI, fO, Mf, bO, Dt, KH, ib, FJ, BB, BR, AQ, sQ, um, uU, nh, yQ, OO, qv, Vo, il, UJ, Ai, qw, gj, uu, nA, rA, Nq, qh, RO, EN, li, ZA, CZ, qM, uL, ao, RR, JU, IV, DE, Bt, Cc, Ec, rN, TG, Kd, uQ, fq, ih, lX, IQ, rF, jT, Cy, CI, Bs, Tt, Fi, bZ, oc, YL, bh, dB, SH, uf, QJ, IN, pV, jz, Ts, mP, AR, wI, Yp, kO, zX, gH, xa, LQ, Wd, Yu, os, SO, Qi, nj, ii, yJ, Vd, nf, zg, Tq, wq, yc, OK, HV, bP, he, HP, Kv, 1 “Hindi Pa Huli” – Definitely Filipino™

“Hindi Pa Huli”

(Photo credit: favim/pinterest)

 

Marami ang nagtatanong, ‘asan na daw si Inday Luwag? ‘Yung patawa, kenkoy at masayahing si Inday Luwag?

Pabiro kong sagot, “Tua sa amo, gikawban ug kaldero.” Haha. Sa totoo lang, madali namang magpatawa, kung nanaisin ko, pero para ano pa kung ang mundong ginagalawan mo, hindi na nakakatawa?

‘Yung paggising mo sa umaga,  wala nang tiktilaok ng manok na gigising sa ‘yo. Inihaw na ng kapitbahay, ginawang tinola, pati tayo nakahigop pa ng mainit na sabaw. ‘Yung iba, naipatalo sa derby. Tapos paglabas mo ng bahay, nakita mo ang driver na pumapadyak sa tricicad – babae. Batang babae.

Naalala mo tuloy nung nasa Danao City ka, babae rin ang pumapadyak sa sinakyan mong tricicad. Matandang babae. Senior Citizen nang maituturing, pero ‘ayun sa kalye, naghahanapbuhay, umulan man o umaraw, mula umaga hanggang gabi.

“Kung hindi ako kikilos,  wala kaming kakainin…,” sabi niya sa akin. At habang ako ay nag-aantay ng masasakyan, nakita ko ang isa ring lola, buhat-buhat sa ulo ang kalahating sako ng mani, habang ang isang kamay, bitbit ang isang balde, na puno rin ng mani. Talagang nag-level up na ang mga babae. Pati trabaho ng lalaki, pinapatos na.

Bakit may mga anak na sadyang walang paki? Sila pa ang galit kapag hindi naibibigay ang kanilang mga gusto? Hindi marunong magbanat ng buto. Sa halip na tumulong, ‘ayun, tambay lagi sa kanto. Pero alam n’yo ba kung ano ang pinakamasaklap dito?  ‘Yung makita mo ang mga inang nagsasakripisyo, busy sa kaliwa’t kanang trabaho, o gawaing bahay, pero ‘yung kani-kanilang mister, ayun, busy din sa ibang klase ng trabaho – busy sa kakakalabit sa kanilang kabit. 

Mahirap maging ina. Oo. Pero mas mahirap maging asawa. Bakit ko nasabi ‘to? Ano ang basehan ko? Simple lang. Sa dami ng mga kaibigan at kapamilya kong babae, halos lahat sila may problema sa bana (asawa). Either hiwalay, or on going ang annulment. Kung hindi naman hiwalay, lagi namang nag-aaway. Mabibilang lang sa daliri mo ang may pamilyang masaya at buo. ‘Yung totoo, hindi balatkayo. Kasi kadalasan din, nasa harapan mo na ang katotohanan, kitang-kita mo na na niloloko ka, ayaw mo pa ring maniwala. Kasi nga humarap na kayong dalawa sa dambana (*dumb bana) at nagsumpaan na kayo, walang iwanan, sa hirap man o ginhawa. Umulan man o bumagyo, papasanin n’yo ang mundo, pati lahat ng kalbaryo na dala nito?

 

Teka muna, tama ba ang nasabi ko? Kalbaryo? Lahat ng kalbaryo lulunukin mo? Ano ‘yun parang malamig na fresh buko sa kanto, isang order lang sabay inom, tapos na ang problema?

Okay. Sabihin na natin nasaid mo nang lunukin ang lahat: sakit ng dibdib, selos, ‘yung umaktong “stalker ni Mister” dahil daig pa si Alyas Palos sa dulas, hindi mo mahuli-huli; ‘yung lungkot dahil may bahid na ng “katiwalian” ang pagsasama n’yo. Bilang legal wife, hindi na buo ang budget na napupunta sa ‘yo. Minsan tira-tira na lang. Mas malaking porsiyento ang napupunta sa kerida. Kaya hindi lang sa gobyerno may katiwalian. Sa pamilya din. Betraying of public trust. Betraying of a wife’s trust – iisang panloloko. At pag may manloloko, may nauuto.

‘Yung iba naman, “nauutot”, sa sobrang kabag, dahil sa sinapit ng pusong kahabag-habag. Ikaw kaya umiyak ng unli-umaga, tanghali, gabi, ano kaya ang masasabi ng puso mong sawi?

“Tama na. Tahan na. Bangon na. Umuwi ka na sa sarili mo. Dahil iniwan ka man ng mundo at lahat, lagi kang may babalikan – IKAW. Dahil babae ka. Bukod ka mang kinawawa, sa paningin ng madla, nag-iisa ka pa ring pinagpala ng dakilang Lumikha.”

‘Yung bata at ale na nagta-tricicad, ‘yung lolang nagtitinda ng mani – mga babaeng hindi sumusuko kahit sila ay mga biktima. ‘Yung bata, iniwan ang kanyang ina, sumama sa iba ang ama. ‘Yung ale, tatlong taon nang hiwalay sa Mister. Tatlong taon na ring natapos ang kanyang forever. Si Lola, matanda na. Tumandang dala-dala pa rin ang bigat at pasanin sa dibdib dahil sa walang sawang pambabae ng kanyang Mister – a Mrs. in distress because of her husband’s mistress. Kaya buti pa magtinda, sa kalye, sa bangketa, kahit pa’pano hindi masyadong focus sa tunay na status ng puso. Kahit pa’pano nakakalimutan mo ang tunay na kalagayan na iyong kinasasangkutan.

Gayunpaman, kahit wala kang sinabihan, alam halos ng buong sambayanan ang kuwento mo. Public knowledge na kasi na babaero ang Mister mo. Kahit hindi ka netizen, wala kang dalang gadget for direct social media access, eh may mas te-trending pa ba sa matabil na dila? Diyan tayo magaling eh, sa business na chiz-maiz (tsismis!) Wala kasing business permit dito. Libre – libre mang-apak ng kapwa – kapwa babae, ina, kapatid, asawa – hindi pa ba tayo nagsasawa?

Dahil ang totoo, nakakasawa na ‘yung paulit-ulit – paulit-ulit kang hinahamak, kinukutya, hinuhusgahan dahil sa ‘yong katangahan? Pero, sino ba sa mga panahong ‘to ang hindi naging tanga? Kaya nga klik ‘yung mga babasahing “hugot”, 0 mga istoryang “todo-emote” dahil ang ibig sabihin nun, hindi ka nag-iisa..sa pagiging tanga?

At kung sa pagiging tanga rin lang, eksperto tayo dyan. Nagtapos ka nga ng Chemical Engineering. Lahat ng hirap at sakripisyo inabot mo sa kursong ‘to, pero ‘yung umiwas sa pagiging tanga, hindi itinuro sa ‘yo. Bad trip, ‘di ba? Pero, mas bad trip ‘yung wala kang natutunan. ‘Yung sa lahat nang inabot mo, hindi ka pa rin natututo. O sadyang wala kang balak matuto, dahil mas pinipili mong magpauto, magpaloko, umasa, maniwala, umintindi at piliing mamalagi sa kanyang tabi? Kahit pinagtatabuyan ka na?

Hindi kita masisisi. Dahil pag sinisi kita, huli na? Hindi pa naman, ‘di ba? Hindi pa huli para maghunus-dili. Hindi pa huli para baguhin ang iyong kapalaran.

At paulit-ulit mo ‘tong gagawin, hanggang sa matuto ka.

Pag nangyari ‘yun, doon mo malalaman ang tunay na kahulugan ng salitang “pagmamahal” – katumbas nito’y higit pa sa kalbaryong pinagdadaanan mo.

“Tama naTahan naBangon na. Umuwi ka na sa sarili mo. Dahil iniwan ka man ng mundo at lahat, lagi kang may babalikan – IKAW. Dahil babae ka. Bukod ka mang kinawawa, sa paningin ng madla, nag-iisa ka pa ring pinagpala ng dakilang Lumikha.”

(Photo credit: favim/pinterest)

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!