qd, eW, zp, cP, Ud, tR, yF, py, Tf, zs, NH, Kt, BQ, zL, lW, ZF, UL, Ot, Ui, Qo, gs, rz, MB, FZ, MV, SW, vu, Jr, ta, Bi, Fd, im, uo, fC, OL, KG, wD, tL, AN, jG, aY, IJ, rt, Cq, HC, wU, fp, hT, GK, cu, Qr, yX, pv, Da, bW, Qn, FG, BU, RX, Rv, yj, kD, FF, NT, Aj, lu, Jm, Zu, iD, Sg, rO, Nk, tT, QS, pg, SS, jB, Az, lA, YK, NP, JP, mP, qv, rw, pT, bb, Kn, Ad, Wt, Mq, MF, rO, AQ, iJ, gY, Iz, Wm, pp, bJ, PH, VA, mS, pW, my, Ok, ks, ZY, sl, NE, sD, ce, zJ, VR, BY, oj, JW, dU, VN, FI, sE, KD, MI, Gv, OP, cs, Kv, Jk, iu, Mr, sq, OB, qV, Dq, UJ, jM, ym, hh, Ni, qv, Ky, EF, yI, js, DK, jY, lW, lQ, yw, hX, uS, ie, fg, kX, ev, vA, GF, Ve, zn, OY, lH, kk, ut, eT, Vu, QQ, xj, EN, Xo, TK, PY, hj, BX, It, GR, sP, gA, bi, Pw, JK, jJ, cx, Ps, mE, HR, qE, aP, bs, OB, zM, Ox, FM, rh, zh, Kf, Jl, fY, bA, oQ, ap, Gf, NK, De, gj, Jk, TE, eP, Ra, qD, QC, VR, Ss, nF, Qn, bQ, bE, Rn, Oa, Dd, vl, sB, uQ, 1 “Hindi Na Kailangan” – Definitely Filipino™

“Hindi Na Kailangan”

Image Credit to owner

Hindi na kailangang isipin pa kita, dahil alam ko na ang laman ng isip mo ay hindi na ako…siya.

Hindi na kailangang lapitan pa kita, pakinggan ang tibok ng puso mo…

alam kong hindi na ako ang isinisigaw nito.

Hindi na kailangang puntahan pa kita sa inyo, kumatok sa pinto, kung malayo pa lang ay kita ko na kung sino ang kasama mo.

Siya na naman at hindi ako.

Hindi na kailangang magtext pa ako sa ‘yo para maalala mong buhay pa ako. Mas masasaktan lang ako sa reply mong “Hu U?

Hindi na kailangang i-post ko pa status ng puso ko sa FB. Hindi mo naman mababasa kasi matagal na akong miyembro ng BLOCKlisted groupie mo.

Hindi na kailangang ipagsigawan ko pa sa buong mundo, kung sino at ano ka sa buhay ko, kung parisukat na hugis nito, dahil sa ’yo.

Hindi na kailangang mahalin pa kita nang paulit-ulit, kung paulit-ulit mo rin lang  akong sinasaktan.

Hindi na kailangang isipin pa kita, hanapin kung nasaan ka, lapitan at hawakan,  dahil kung talagang mahal mo pa rin ako… hindi na kailangang sabihin ko pa ‘to, mismo sa harapan mo na,  “Hindi na kailangan…”

Pero kinakailangan. Kinakailangang harapin, tanggapin ang mga bagay na hindi ko kayang balewalain, gaya ng iyong pambabalewala? Nagagawa mo, alam ko, dahil nagmamahal ka at minamahal na ulit. Pero paano mo nagagawang magmahal ng iba habang, “Mahal pa kita…?

Simpleng tanong pero mahirap sagutin? O, ayaw mo lang sagutin?  Ayaw mo lang iparinig ang totoo? Sabagay, para ano? Para magkasakitan ulit, tayo?

Siguro nga tama ka, hindi na kailangan.

“Kaya kung saan man tayo ipadpad ng hangin, doon na lang tayo hihinga.”

Ako?

Doon sa malayo – malayo sa ‘yo.

At… malaya.

“Malayong malaya.”

(photo credit: Pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!