Hinaing ng isang lalaki!

(Photo credit : ipaustralia.com.au)
13-feminist-men-130812
(Photo Credit: boldsky.com)

Lalaki? Superyor, makapangyarihan, malakas, positibo…

Ganyan ilarawan ng karamihan ang mga kalalakihan, nakaka-proud nga naman. Ngunit sa isang banda, ang ganitong klaseng mga pananaw ay nagbibigay ng pressure sa aming mga lalaki. Halimbawa na lamang, kailangan naming magtrabaho sa araw-araw para sa aming mga minamahal sa buhay.

Simulan natin sa pagiging bata para malinaw. Kapag ika’y ipinanganak na lalaki maraming mga bagay sa iyo na inaasahan na gagawin mo ang iyong mga magulang. Ikaw ang magdadala ng apelyido ng tatay mo, kung sa akala ng iilan na madaling dalhin ang apelyido ng kanilang ama, ay pwes, nagkakamali kayo.

Isa itong mabigat na responsibilidad sapagkat kailangan mong makilala ang buong angkan na pinanggalingan mo, ikaw ang magiging representative kumbaga ng iyong ama sa pamilya ninyo. Bukod sa responsabilidad sa mga kapatid at mga magulang kapag sila’y tumanda na ang dagdag na pasakit sa mga gawain; hindi lamang sa loob ng bahay kundi sa lipunan.

I’m a college student, ibang sitwasyon naman ang ibibigay ko… papasok ka sa isang unibersidad at ‘di naman maiiwasan ang paglilinis at paggagawa ng mga aktibidad. Ganito ang scenario, ang mga lalaki ang tagadala ng mga gamit kapag may mga activity, ikaw ang sa technical side at ang mga babae ang sa programs, ikaw ang tagalinis sa venue at sila ay tagatingin lamang.

Sa ibang cases, mas malala.. Pikutan! Minsan nasasangkot kami sa mga rape cases na ‘di naman namin ginawa. Sa malilibog na babae, hoy! Hindi lahat ng lalaki ay makukuha n’yo sa hubog ng inyong katawan at ganda ng inyong mukha! Hindi porke lalaki, kapag babae unang gumawa ng moves at mangmolestiya ay okay lang sa aming kalalakihan. Hindi lamang po mga babae ang nangangailan ng respeto; kami rin po.

‘Yung mga violence against sa mga lalaki ay ‘di gaanong napagtutuuan ng pansin ng lipunan at pamahalaan. Bagamat bihira mangyari ay ‘di naman yata patas na ipagwalang-bahala na lang. Hindi lang mga babae ang nahihirapan, kami rin naman. Hindi nga lahat pero meron.

Ang sinasabi kong MAHIRAP ay hindi ang mga responsibillidad na naiatang sa mga LALAKI kundi ang ‘di pantay na pagtingin na ang mga babae lamang ang mayroon.

(Photo credit :  ipaustralia.com.au)
(Photo credit : ipaustralia.com.au)

 

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.