Higanti at Sumbat

http://www.kidpower.org/
7/21/2013 1:55:09 PM Sunday

Babala: Ang mga mababasa sa post na ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Naglalaman rin ito ng maseselan na lengguwahe na hindi angkop sa mga supot ang utak. Pero huwag rin masyadong seryosohin, baka mabaliw ka r’yan sa kinauupuan mo. Patnubay ng mga matured na kaisipan ang kinakailangan.

Mga hindi ko na minamahal na kaibigan… (Tama, “hindi ko nga kayo minamahal.” May angal pa?)

Maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako mag-aangas nang ganito. Hindi ako bibira na parang ako’y nabiktima ng bullying sa eskwelahan o sa internet. Hindi ako aasta na akala mo’y matapobreng nilalang o sinumang kontrabida sa inyong paboritong telenovela. Wala lang, gusto ko lang ang ganitong pagtrato sa inyo. Sinasalita ko lang ang lengwahe n’yo. Kaya wala kayong karapatan na umangal na parang “nakalalalake ka na ha?” o “umalis ka lang saglit, lumaki na ‘yang ulo mo ha?” Dahil tatandaan n’yo, hindi ako naging ganito kung hindi dahil sa inyo!

Teka lang, baka nakalimot yata ako ah. Sino nga ba ulit ako sa inyo? At sino na nga ba rin kayo sa aking paningin ngayon? Ano, mga “kaibigan” ko? Mga U***! Kaibiganin n’yo ‘yang mga mukha n’yo!

‘Yan ba ang tinuturing kong kaibigan? Noong nasa eskwelahan tayo, ako ang pinagbubuntungan ng mga asar at prangka? Sa panahong nadapa ako sa kalye at muntik nang masagasaan, ni hindi n’yo nga ko tinulungan at bagkus ay pinagtawanan pa? Inalok n’yo ko ng inuman tapos may betsin pa palang nakapaloob sa alak? Pag tumawag ang kaanak sa cellphone, magboboses babae kayo na akala n’yo ay nakikipag-sex tayo?

May gana pa kayong lagyan ang bag ko ng bato? Kaya pala ako nakulong dahil sa kasong “illegal possession?” Tapos palihim na nilagyan ng alak ang mga labada ko kaya ako ‘di makapasok-pasok dahil sa nilasing n’yo ang mga damit ko? Pati underwear ko’y damay. Kaya nga wala nang pumatol na tsikas sa akin dahil daig pa ng champoy ang nangyari sa manoy ko!

Ngayon, may gana pa kayong magalit porke’t hindi na ako sumasama sa inyo? Bakit, may reunion na ba tayo e iilang taon pa lang mula noong grumadweyt tayo? Lakas makatampo ng mga ‘to samantang ang kakapal naman ng mukha kung alipustahin ako pag kasama n’yo ako?

OO. Tinatakwil ko ang mga p******* n’yo! Nang dahil sa inyo, naging tatanga-tanga ako sa mata ng tao! Ngayon, huwag n’yong sasabihin na ako pa mismo ang may kasalanan. Dahil kayo na nga dapat ang umaalalay sa akin, kayo lang nakaaalam ng mapait na kahapon, kayo na rin ang nakaaalam ng kuwento ng buhay ko, tapos sinisinira n’yo pa?

G””o, huwag kayong magtampo kung bakit sa t’wing nagja-jamming kayo kasama ang mga halaman, o para madaplisan ng alcohol ang inyong mga halang na bituka, ay wala na ako. Nagbagong-buhay ako. Obvious naman,‘di ba, kaya lumayo na ako sa inyo?

Click here to read more (and uncensored version) of the article “Higanti at Sumbat.”

For comments and suggestions, feel free to drop a line on any of slickmaster‘s social networking sites.  Follow him on Twitter at https://twitter.com/slickmasterph; on Tumblr at http://theslickmaster28.tumblr.com; and like his Facebook page at http://www.facebook.com/theslickmaster28.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!