Hardcore Terroristas VS Juan Dela Cruz

header-fotog-terorista3

Ginulantang dati ang buong mundo nang pinulbos ng mga terorista ang twin tower sa Amerika.Habang abala ang lahat sa pangyayaring yun,naging usap-usapan naman dito sa Pilipinas ang tungkol sa mga hula ni Nostradamus at katapusan ng mundo.Bunsod niyan,tumaas ang presyo ng gasolina at sardinas.Naging mabenta ang mga survival kit pati t-shirt na may tatak na “doomsday” tapos may superman na logo.Kumalat din yung mga pirated dvd  tungkol sa Mayans at sex scandal ni Mang Kanor. Lumakas din yung kita ng mga tindera sa Quiapo na nagbebenta ng anting-anting at naka-full red alert ang ating militar para sa posibleng banta ng terorismo sa bansa.Natakot ang lahat.Parang isang bangungot sa mga kano na mahirap paniwalaan.Ang pinaka-makapangyarihang bansa,sa isang iglap,nabalot ng usok at pangamba.

Takdang Aralin:Alamin kung gaano kaasim ang kili-kili ng bombay
                                              Takdang Aralin:Alamin kung gaano kaasim ang kili-kili ng bombay

Matapos ang kahindik-hindik na 9/11 attack,medyu nag mellow ang  operasyon ng Al-Qaeda group.Nakaka-stress din naman talaga yung papatay ka ng libo-libong inosenting tao diba.Relaks-relaks din pag may time.Kamakailan lang, naganap ang Benghazi,Libya incident kung saan namatay ang apat na katao kabilang ang isang US ambassador.At itong latest eh yung Boston Marathon bombing.Habang pinapanood ko sa tv yang mga ganyang pag-atake ng mga terorista,parang biglang naglalaro sa isip ko yung mga adventures ni astro boy,yung masikip na spandex na suot ni spiderman,yung batmobile,yung espada ni panday,si lotlot and friends at yung boobies ni darna.Minsan maiisip mo na rin na sana totoo nalang yang mga yan eh.Imaginin mo nalang na nasa speed dial mo si batman o di kaya kumpare mo sa binyag si spiderman.Ang cool eh!

si spiderman,kuha sa isang giyera sa germany...
                                                        Yung tipong tatawag ka sa 911 tapos si spidey ang sasagot sau!

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging delikado ang pagtira sa earth crust.Lumalala ang terorista,giyera at alitan ng magkakatabing bansa.Kung maari lang sigurong manirahan sa ibang planeta matagal na natin itong ginawa. Hindi mo na alam tuloy kung saang singit ka ng mundo ngayon magtatago.Bukod sa north pole at antartica,eh wala na halos masyadong ligtas na lugar ngayon.Pero kung matino kang tao,hindi mo maiisip na magtago sa mga lugar na yan.Unless naiintindihan mo ang lenguwahe ng mga penguins eh ibang usapan na yun.Huwag na tayong lumayo pa,kung safest place lang ang pag-uusapan,Pilipinas ang nangunguna diyan.

 Bakit Pilipinas ang pinaka-safe na bansa sa buong mundo?

1.)Kakampi natin si Uncle Sam.Maiihi sa takot at magdadalawang isip ang mga terorista na puntiryahin tayo dahil ally natin ang Amerika.Malamang nagbabasa din yang mga terorista ng history ng Pilipinas.So definitely alam nila na simula pa dati nung sakupin tayo ng espanya hanggang sa pagsakop ng mga  sakang na hapon,to the rescue lagi ang mga kano sa atin.Naging spoiled-brat tuloy tayo sa paningin ng ibang bansa.

2.) Walang alitan ang bansa natin sa Ruso.Bukod kasi sa mga babae nilang pang-victorias secret model ang datingan,kilala din ang bansang Russia sa pag gawa ng weapon of mass destruction tulad ng nuclear bomb at iba pang advance arsenal para sa digmaan.Kasama nadin diyan ang mga pangalan nilang tunog chemical weapon tulad ng Tatiana Kovylina,Masha Novoselova,Sasha Pivovarova at LA Lopez (yung kumanta ng “Eh kasi Bata”,deym sumpain nawa yang LA Lopez na yan!Chos!)

3.)Regular tayong kumukuha ng supply ng langis sa mga middle-eastern countries.Pag ikaw yung lider ng Al-Qaeda,mag-iisip ka na “Shit,baka mabawasan yung share ko sa langis pag binomba ko ang Pinas,taasan nalang natin ang presyo per barrel!”…Kaya magtataka ka pa ba kung bakit halos linggo-linggo nalang tumataas ang presyo ng gasolina.Mamili ka,bomba or taas gasolina?Tama nga ang sabi ng ilang matatanda,na halos lahat daw ng bagay sa Pinas ngayon ay tumataas na,panty nalang ng babae ang binababa.

4.) Wala tayong mataas na building na katulad ng sa World Trade Center.  Mahihirapan ang mga terorista na targetin ang mga building sa Makati.  Dahil bago makarating ang na-high jack na plane dun, sasabit muna sila sa mga naglalakihang billboards sa Edsa at Guadalupe.  Sasabit din sila sa mga kawad ng kuryente at telepono na magulo pa sa bulbol ko tingnan.  Isama mo na rin diyan yung mga bahay sa Manila na tadtad ng sampayan sa bubungan.  Ang possible lang nilang matira mula sa itaas ay yung higanteng rebulto ni Lapu-Lapu sa Luneta.  Pero ayos lang na yun pasabugin nila, huwag lang sana tatiming na day-off nila Inday at Dudong.

5.) Malabo pa sa regla ng lola mo na maisip nilang gumamit ng plane para atakehin tayo.Bakit kamo?Laging delayed yung flights ng mga eroplano natin.Tsaka matatakot silang sumakay dahil sa tanda ng makina,kala mo kakapitan ng talaba at lumot.Bulilyaso yun dahil pagnagkataon, bago pa makarating sa target tanggal na yung kaliwang pakpak or biglang mag mamalfunction yung auto pilot.Sayang yung effort eh!

Paano mo malalaman na may terorista sa airport??...
                                                          Pag baka o di kaya kalabaw ang naka park diyan,pinoy yun!

6.)Magiging safe pa din tayo kahit taniman pa nila ng bomba yung ilang gusali ng ahensiya ng Gobyerno.Kung ini-schedule nila pasabugin ito ng 8:35am,walang mamamatay.Tanging mga ipis lang at daga ang paglalamayan sa araw na yun. Lagi naman kasing late pumasok sa trabaho yung mga empleyado tuwing umaga eh.Kahit gawin pa nilang 11:00am yun,sa haba ng breaktime ng mga gov’t employees,mababa pa din ang magiging bilang ng mortality rate.

7.) Bukod sa pang-export quality ng mga saging natin (dahil mahaba,masarap at matigas),bigtime supplier din tayo ng mga entertainers sa Japan.Samakatuwid,magiging kaaway na ng bansang Japan ang lahat ng katabing bansa neto pero hindi ang Pilipinas.Kung ikaw ba naman lider ng yakuza,matutuwa ka ba na makakita ng babaing sakang na umi-isplit habang nagkakandirit sa harap mo?Ang awkward eh!Unlike  sa mga pinay,very versatile at flexible.Tipong buwis buhay ang performance.

8.)May dugong pinay si Jessica Sanchez.Hindi ko lang sure kung alam niya yun or tanggap niya sa sarili niya.Dahil kung titingnan mo naman talaga siya mula nguso este ulo hanggang paa,hindi niya maitatanggi sa mundo na mas malakas ang dugong pinay na nananalaytay sa katawan niya kesa sa dugong mexicana.Saklap diba!

9.)Matindi ang trapik sa Pilipinas.Kaya kung halimbawang maiisip nilang pasabugin ang malacanang tapos gagamit sila ng kotse na may suicide bomber,walang mangyayari,dahil sa haba ng trapik,sa expressway palang sasabog na yun eh.

terror school
                                                                     antataba talaga ng utakels ng mga mokong na to hihihi

10.)Hindi pa natutuloy ang mega fight ni Pacman kontra kay Floyd Gayweather.Aminin man natin o hindi,kahit yung mga international terrorist na yan,nag-susubscribe din sa paper view tuwing may laban si Pacquiao(habang ngumangata ng nagaraya at kumukutkot ng corn beef).

11.) Friends pa din natin ang bansang Korea.Mula sa walang kamatayang koreanobela,K-Pop,Psy fever,Ryan Bang fanatics,boobs ni Sandara Park (?) hanggang sa gupit ng buhok,lahat yan gusto  at tinitilian ng Pinoy.Parang isang imported chocolates na gusto nating dila-dilaan ng paulit-ulit.

12.)Malakas tayo mag-angkat ng mga produkto na gawa sa China.Mahilig tayo tumangkilik sa mga japeks na sapatos,bags,shirts,cellphone,charger at ilang bagay na “Class A” daw pero kung susumahin eh peke pa din yun.Medyu maganda lang  sabihin dahil sa salitang “Class” at parang musika sa pandinig dahil sa salitang “A”.Pero jologs pa din bords,yun lang yun.

13.) Madaming holdaper  at masasamang loob sa Manila.Posibleng cellphone ang gamitin ng mga terorista bilang triggering device pero bago pa man yun,mahoholdap na sila o di kaya manenenok na ng kapitbahay nila.Posible ding mamolestiya na sila ng maraming beses dito.

14.)Mahilig sa chizmiz ang pinoy.So malamang,habang nagpa-plano palang sila kung paano bobombahin ang lahat ng buildings sa may Ayala Avenue, maba-blind item na sila ni Boy Abunda.Tipong.. “the who itong mga gwash boylets na terorista na bet na bet pasabugin ang buong Makati?Clue:Pag sinaytsung mo,dakota harrison ang kanilang mga notes at ma-hairora boulevard ang peslak at dibdib.Betsung kong i-givenchy sila sa mga tambay para ipa-boogie wonderland….yun na!”

15.)Kung mahigit sa isang taon na dito naninirahan ang mga terorista,malamang tinamaan na yun ng dengue,malaria,alipunga sa mukha,cholera,korekong sa puwet,galis aso,ulcer,food poison,gonorrhea,diarrhea,hallucinations,schizophrenia,vertigo,paglalagas ng buhok sa kuyokot,buni sa kili-kili,heat stroke,stretch marks at pasma.Susuko na yun at malamang mas gugustuhin pa nilang targetin nalang ulit ang pentagon o yung white house.Sasabihin nalang nila na (in tagalized version) “Fuck bro, hindi natin kaya ang mga pinoy,masyadong prepared ang bansa nila kontra sa mga kagaya natin…..anung oras ba nagbubukas yung alitaptap KTV bar and Disco na yan?”..

Ang terorismo ay laganap sa buong mundo.Kahit saan ka man magtago,meron at merong mga taong sasalungat sa pananaw at sistema ng gobyerno ng isang bansa.Hindi naman talaga ako takot sa Al-Qaeda eh.At mali din yatang isipin na matakot tayo sa bansang Pilipinas.Hindi ba dapat na ang Pilipinas ang mas matakot sa atin?Dahil tayo din ang gumagawa ng sarili nating multo,tayo din ang lumilikha ng bangungot sa kapwa natin Pilipino at tayo din pala ang nagiging hardcore terorista sa sarili nating mundo.

———————————————–RIP————————————————————-

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/