Hardcore Evidence

Evidence in computer (Photo Credit: aceonlineschools)
Evidence in computer (Photo Credit: aceonlineschools)

Ako ‘y isang tipikal na Pilipino. ‘Di man nakapagtapos, kahit papaano’y may alam ako sa karapatan ko. At alam ko rin kung kailan ko dapat ipaglaban ang isang bagay, at kung kailan dapat sumuko na lang

Evidence in computer	 (Photo Credit: aceonlineschools)
Evidence in computer (Photo Credit: aceonlineschools)

Kaya’t ganun na lamang ang panginginig ng laman ko noong matuklasan kong may kinakalantaring iba ang mister ko na naka-destino sa kanilang probinsiya. Hindi ako nagsayang ng oras at pumunta ako doon. Sa una’y ang pakay ko ay maayos pa sana ang pagsasama namin, ngunit napunta rin ito sa wala sa kadahilanang wala rin namang ginagawang hakbang si mister (hopefully ex husband in the near future!) para makabawi sa aming mag-ina.

Eto na, noong kusang loob na ibinigay niya sa akin ang password sa kanyang e-mail ay hindi ko iyon pinansin noong una. Paano ba naman kasi,  naisip ko na alangan namang isuko niya sa akin ‘yon kung may makikita akong ikakasira niya. Aba’y akalain mo nga naman! Napakaraming palitan ng e-mail mula sa kanya at sa kanyang kabit! Halos gumuho ang mundo ko noon. Hindi ako makakain at makatulog. Magdamag akong umiiyak na kahit nakikita na ng anak ko ay parang walang epekto sa akin. Nandoon ang impormasyong kinatatakutan ko – na akala noong babae ay nagdadalantao na siya, na tinawag niyang ASAWA ang AKING ASAWA.

Bilang babae at legal na asawa ay hindi ko maiwasang isumpa ang buong pagkatao ng babaeng pumatol sa asawa ko. Kahit alam na alam sa pinagtatrabahuhan nilang ospital na pamilyadong tao si lalaki. Ang sabi ko sa sarili ko, anung klaseng babae ang papatol sa lalaking may asawa at hahayaan pang may mangyari sa kanila at walang pakialam kung may mabuo sa imoral at makasalanan nilang pagsasama?

Naisip kong basahin ang iba pang nilalaman ng e-mail niya, at higit akong nagimbal sa aking nabasa. Ipinakilala niya si babae sa kayang mga kamag-anak. May sasakit pa ba sa hapdi na nararamdaman ng isang babae na pinatulungang pagtaksilan ng kanyang asawa at ng pamilya nito? Hindi ba nila naisip na mayroon silang apo na magdurusa sa pagpili nila na kunsintihin si lalaki? Sa ngayon, wala na akong nararamdaman na pagmamahal sa dati kong asawa, at magmula ng matuklasan ko at mabasa ang ebidensiya na siya mismo ang kusang loob na nagbigay sa akin ay wala na akong hinangad kundi ang makawala sa kanya sa pamamaraang legal.

Hindi ko alam kung sadyang bobo ba siya sa pagbibigay sa akin ng password ng e-mail niya sa pag aakalang hindi ko bubusisiin ‘yon? O sadyang ginawa niya iyon para ako na mismo ang sumuko at maunang magyaya ng annulment?

author: charl 13

p.e./kf

About charl13

i'm a twenty-something mother of a little girl, who is addicted to action movies, and surprisingly stays away from romantic movies. check out my personal blog at http://myshortymemory.blogspot.com/ thanks!