Hard to Let Go and Forget

Image by Englund (Pixabay)

Uuwi na naman ako mag-isa ngayon na tulala at wala sa sarili.

Bakit ganun? Ang sakit sakit sobra. Ang hirap mag-pretend na okay ka lang.

Sabi mo sa akin, hindi ka na masaya, na mas masaya ka pa kasama ang ibang tao, sawang-sawa ka na sa relasyon na ito, ayaw mo na dahil pagod na pagod ka na. Napipilitan ka na lang kamo dahil pinipilit na lang kita sa relasyon na ito, na umabot pa sa hiniling mo sa akin na huwag muna tayo mag-usap at magkita.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo kundi sige, hahayaan na lang kita. Pero hindi mo alam, pagod na rin ako pero pinipilit ko sa sarili ko na kayanin lahat ito dahil sa iyo.

Habang pinapanood kita na lumalakad palayo sa akin, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Alam ko marami din akong kasalanan sa iyo, pero ganun yata talaga pag mahalaga sa iyo. Ang pagkakamali ko sa sobra pagmamahal ko sa iyo nasakal ka hanggang sa naramdaman mong hindi ka na masaya.

Pababayaan kita sa ngayon, hahayaan kong gawin mo lahat ng gusto mo, hahayaan kong mas maging masaya ka na wala ako sa tabi mo, hahayaan kong masanay ka na wala ako sa tabi mo kahit sa kabila ng lahat ng ito ay masaktan ako. Titiisin kong makita kang tumatawa kasama ng iba, hahayaan kong lampas-lampasan mo lang ako na parang hindi mo nakikita.

Sa totoo lang, miss na miss ko na ‘yung merong tayo noon, pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko na maibabalik lahat ng nakaraan.

Asan ka na kaya ngayon? Sino na kaya ang kasama mo? Masaya ka kaya?

Hindi ko alam kung paano at saan ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa iyo na okay lang ako, na masaya rin ako. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko, kung paano ko sasanayin ang sarili ko ngayon na mag-isa. Paano na tayo? Ang sakit … sobra..

Image by Englund (Pixabay)

About Lonely Girl

Knows how to love but don't know how to be loved!!!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!