#Happy Lang

I was diagnosed with AVM of the brain (Arteriovenous Malformation) at the age of 21, suffered two major strokes in August 2013, had two major operations in the year 2013 – an open-skull surgery on Sept 2013 and reconstruction of my trachea on Dec 2013; and Gamma knife Radiosurgery on Feb. 2015.

Ang sumusunod ay nilalaman ng aklat na naisulat ko sa gitna ng pagkakasakit, paghihintay, at pagkabagot:

Nanatili ako sa ospital sa loob ng limangpung (50) araw ng buwan ng Agosto at Setyembre, anim (6) na araw noong Nobyembre at labing-isa (11) araw naman noong Disyembre taong 2013. Sa loob ng maaatagaaal kong pananatili sa ospital at sa aking paglalakbay patungo sa aking complete recovery, mahirap man marami parin kaming funny moments.

1. Sa kabila ng aking kalagayan, nagtatanong ako kung ‘di kaya natatawa sa’kin ang mga bumibisita dahil naka-shades ako na malaki. Iniisip ko na kung ako makakakita sa sarili: nakahiga sa hospital bed at naka-malaking shades- hindi mukhang may sakit.

2. Kapag tinataas ng ate ko ang upper part ng hospital bed habang nakahiga ako, sinasabayan niya ng pagkanta ng “bayang magiliw perlas ng silanganan…”

3. Binuhat ako ng isang lalaking nurse para maiayos ako sa bed. Pag-angat niya, *proooot*. “Aay. Soo-ri. Ay soo-rii.” Sabi ko agad.

4. Habang pinapalitan ako ng diaper dahil nadumi ako, nagsuka ako. “Ang baho.” Sabi ko. Hindi tumigil ang suka ko, hangga’t hindi nailalabas ang diaper. Tawa ng tawa si ate.

5. Nung nasa ICU pa ko, may lalaki sa tapat ng kwarto. Nakatingin siya. Tinawag ko. Kinawayan ko siya na lumapit. Lumapit siya. Hindi pala namin kilala. Buti na lang, GWAPO.

6. Ayaw ako pansinin ng nurse sa I.C.U. Kaya nag-iyak-iyakan ako na parang bata. Tumakbo siya sa’kin. “Ayos”. Magandang technique.

7. Nautot ako habang nasa rehabilitation center at nilalakad. May nakaalalay sa harap, gilid at syempre sa likuran. Ang baho. Nakakahiya.

8. Nagrebleed ako matapos kong sabihin ang tongue twister na ‘to: “palakang kabkab kumakalabukab, kakalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.” Na-pressure yata.

9. Kumakanta ako kahit parang bata ang boses ko at parang lasing. Minsan, yakap ako ng aking kapatid at kumakanta ako. Bigla siyang sumubsob sa tiyan ko. Hindi na niya kinaya. Natawa na siya. May “natural vibrato” kasi ang boses ko.

10. Hindi ko makakalimutan ng pinunasan at pinalitan ako ng dress ng nurse na lalaki. Nasa I.C.U ako noon at naka-intubate kaya hindi makapagsalita. Umiiling ako at nag-sasign na “wag”. Tinanggal niya na yung dress. Wala na akong nagawa.

11. Isang umaga. Nagising ako sa drive-thru ng mcdo. Nakahiga ako sa hospital bed. Nakaparada sa gilid. “Bakit naman iniwan ako nila mama dito? Pinabayaan nila ‘ko na dalin dito?!” Mainit. Dama ko ang init ng lugar at naririnig ang mga busina ng mga malapit na sasakyan. Lumabas ang isang crew, “Hi ma’am! Good morning!” Nagtaklob ako ng kumot. “ano pong order nyo? Isang spaghetti?” Inilabas ko ang aking kamay at nag-sign ng no.1. “Wait lang po mam.” Ayos ‘to ah. Alam agad oorderin ko. Pumasok siya sa loob para kunin ang order ko. Ibinaba ko ang taklob na kumot sa mukha. Narinig ko ang “beep” ng mga aparato. Nasa ICU na ko. Wow. Nagteleport ako.

12. “Shine bright like a diamond. Shine bright like a diamond…” – ‘yan ang tugtog ng mga nurse at doctor bago ako operahan sa lalamunan.

13. Mag-a-undergo ulit ako sa Dilation. Disyembre 2013. Inupo ako sa operating room bed. Saka nila inayos at ipinaikot o pinaligid sa’kin ang mga tables na may matatalas na instrumento. Isa-isang tiningnan ni doktor ito. Pinapanood ko siya. ‘YAN NA. TOTORTURE-IN NA ‘KO. Sana pinatulog muna ‘ko bago nila inayos.

14. Nagpunta kami sa Sta. Lucia Mall. Iniwan nila ako saglit sa tapat ng isang window display habang nakaupo sa wheelchair. May lumapit sa’kin na bata. Tiningnan niya ako. Matagal. Nakatitig siya sa’kin. Tumingin din ako sa kanya. Nag-killer eye ako sa kanya at sinabing “BAKIT?!?” Tumakbo siya.

15. Nasa mall kami. Tumitingin kami ng wedges at doll shoes. Isinusukat sa’kin ni ate. Nakatingin ang mga saleslady at mga nagdadaan. “Bakit ba? Hindi ba pwedeng mag-wedge ang naka-wheelchair?”

16. “Sino’ng crush mo sa eskwela?” -‘yan ang madalas itanong sa’kin ni Kuya Roger, isa sa mga physical therapists na tumutulong sa pag-assist sa akin noon. Gusto kong sumagot na, “Hindi na po ko nag-EESKWELA. Matanda na po ‘ko.” Sa maraming pagkakataon, Napagkamalan na naman akong bata.

17. “Gusto ko ng (pause) maging (pause) normal.” -‘Yan ang favorite line ko noon. Siguro sampung beses sa isang araw o higit pa kong sinasabi ito. Noong una, naiiyak pa diyan ang ate ko, pero nung sobrang dalas na, alam na niya kung kailan at kung paano ko iyon sinasabi kaya sinasabayan na nya ako, at sabay na kaming tatawa.

18. Sinubuan ako ng ate ko ng isang piraso ng mani. “Bakit ako sinubuan? Alam naman niya na bawal pa ko ng matitigas na pagkain.” Nginuya ko ng mabuti. Mabuting-mabuti. Dumilat ako. Panaginip lang pala pero talagang ngumunguya ako. Parang totoo.

19. Dahil halos dalawang buwan ako naka-NGT, gatas (ensure gold-sosyal) lamang ang laman ng tiyan ko. Puro pagkain napapanaginipan ko tulad ng inihaw na bangus, buko, cake, manok ng Mang inasal, sinigang, sushi, at mani.

20. Nang hindi nakatingin si mama at ate sakin (nung nasa St. Luke’s), sinubukan kong bumangon. Oy kaya! Pagkakataon to. Umupo ako sa gilid ng hospital bed. Umuuga ang ulo ko. Lumingon sila. Nang makita ako’y tumakbo. Kinabahan sila. “Subok lang.” Kaya naman sila natakot ay bigla na lang silang nakakita ng babaeng nakaupo sa gilid ng kama, at ako ‘yon.

21. Nung nasa ICU ako sa St. Luke’s, kahit naka-intubate ako, tinatanong ko kila ate kung sinu-sino yung mga batang kasama nila. Malilikot sila at labas-pasok sa loob ng kwarto. Nag-sign ako sa kanila ng number 3 at nagdemonstrate sa kamay ng mga bata. Tinatanong ko sila. Nung na-gets na nila ang tinatanong ko, nagtinginan sila ate at yung nurse. Bawal pala ang bata sa ICU at sa kanila’y walang may kasamang bata.

22. Sa Lung Center of the Philippines, parang nasa horror movie ako tuwing gabi. Tinutulak ka habang nakasakay sa hospital bed sa napakahaba, madilim at walang tao na hallway.

23. Dahil manhid ang left side ng katawan ko, hindi ko alam kung masakit, naiinitan o nalalamigan ang parte na ito. Minsan sa Lung Center of the Philippines, nakaupo kami ni mama sa gilid ng kama. Nasa likuran niya ang kaliwang kamay ko dahil sa suero. Hindi namin namalayan na natanggal ang suero o ang karayom! Matagal na pala itong natanggal, kaya basang basa na sa dugo ang kama. Lumingon ako, “ay! Ang dami!” “Wag mo na tingnan” sabi ni papa habang nagmamadaling tawagin ang nurse. Kaya ako ngayon ay isang SUPERHUMAN. Pagdating ng nurse at nakita ang dami ng dugo, “Ah ‘yan lang pala.” sabi niya. Okay.

24. Kakatapos lang ng operasyon ko noon sa ulo, nasa ICU na ulit ako. Kakamutin ko sana ang mukha ko. Itinali ng nurse ang mga kamay at paa ko sa hospital bed. Ang hirap naman, magkakamot lang. ‘Di ko naman hahawakan yung tahi. Inaway tuloy ni ate yung nurse.

25. Nagalit ako nung hindi ko naramdaman na ipinainom (idinaan sa NGT) sa’kin ng nurse yung Paracetamol. ‘Pag sinasaksak kasi ‘yon sa suero, gustong-gusto ko ang feeling. Para akong adik. Weird ko.

26. ICU DAYS. Di ako nakakapagsalita dahil sa tubo sa bibig ko. Hindi rin ako nakagagalaw ng maayos dahil maraming nakakabit sa’king katawan. Nagsusulat ako habang nakahiga para ma-relay ko ang gusto kong sabihin. Nagdo-drawing pa ako minsan. “Wow. Ang ganda ng sulat ni ma’am” sabi ng nurse. Pagkalabas ko sa hospital, ipinakita ni mama ang mga sinusulat ko noon. Naiinis pa ako ‘pag di nila maintindihan sulat ko. Yun pala, puro guhit, scribbles at bundok-bundok lang pala nasusulat ko. Salbaheng nurse yun.

27. Dati, Dahil sa ugat na pumutok sa aking utak, hindi ko alam, pero SOBRANG hirap na akong makatulog. Kailangan pa kong i-massage, painumin ng sleeping pills, at ihele na parang bata para mahimbing. Hindi naman ako nabubuhat gaya ng pagpapatulog sa isang sanggol pero lagi kong ni-rerequest sa mama, kapatid o sa tita ko na kantahan nila ako. “Huni ka” -‘yan ang term ko sa pag-hum. Isang gabi, si ate ang nasa tabi ko bago matulog. Sabi ko sa kanya, “ate, huni ka…” “o sige.” (Silence) “tweet, tweet, tweet.”

28. Bago ako operahan sa ulo (crainiotomy), hinihintay ko ang pagbisita ng neurosurgeon ko dahil marami akong katanungan. Nang dumating na siya, umiiyak ako habang ipinapaliwanag ang gagawin. In-interrupt ko siya habang nagpapaliwanag sya, (pagkakataon ko ng itanong ang pinaka-concern ko) “Doc, kakalbuhin ba ‘ko? Ok lang po sa’kin 2×3.” Itinanong ko ito habang umiiyak.

29. Nang una akong itinakbo sa ospital, noong nasa Medical City pa, in-interview ang mga family members ko tungkol sa medical history ko. Nagtanong daw ang resident doctor, “High blood po ba siya?” Biglang sagot ng isa kong kapatid, “ay opo. Madali po siyang magalit at masungit.”

30. Nung naka-admit ako sa Lung Center, ang nagbabantay sa’kin noon ay ang mama ko at ang kanyang kapatid (tito ko na tawag namin ay tatay). Nung nagpapahinga na ‘ko, nagising ako dahil sa MALAKAS na paghilik ni tatay. “Ma, ang lakas ng hilik ni tatay.” Nilapitan ni mama ang tito ko at sinabi “tatay, ang ingay mo.” Sumagot siya “Ang ingay? ‘Di pa nga natutulog yung tao.” Tumawa kami ni mama.

Kaya kung nakakalakad ka naman, malakas at malusog o may mga kaibigan at pamilya, tapos lulungkot lungkot ka dyan…MAGTIGIL KA DYAN. Lipat ko ‘tong sakit ko sa iyo eh. Sinasabi ko sa ‘yo, marami ka mang problema, mas masarap harapin ito nang malakas ang katawan.

Jan 2015

About loidabauto

Christian Hedonist. Interior Designer. Claiming AVM survivor. Nature lover.Cineaste. I am the 2007th interior designer in the Philippines. 🙂