Happy Anniversary sa DFBI

DFBI-familyDalawang taon na pala simula nang mabuo ang DFBI (Definitely Filipino Bloggers International).

Isang samahan, wait, let me correct that; isang PAMILYA ng mga writers na nagsimula dito sa DF blogs.

Nagsimula ito na iilan lamang ang miyembro, at sa pangunguna ni Mommy Joyce ay dumami pa kami nang dumami.

Isa na nga ako sa mga pinalad na mapabilang sa grupong ito.

Time for me to take a trip down memory lane.

Napasali ako a few months after na nabuo ang DFBI, October 2012 nang una kong nakilala ang mga naunang bloggers na kasapi ng grupo.

Ate “Dhors” sent me a messsage. Sinabi niya na kung gusto ko raw bang sumali sa DFBI dahil nagustuhan daw nila ang mga blogs ko.

Naks! Akalain mong na-appreciate nila ang mga blogs ko. Siyempre, feeling ko ay napaka-lucky ko.

Dati kasi ay nakikita ko lang ang “DFBI” sa mga “tags” sa mga blogs ng ibang bloggers. Tapos all of a sudden ay mapapasali na ako sa grupong ni hindi ko akalain na mapapabilang ako.

And that started it all.

When I started to meet the people behind the “pen names”, when I began to know their stories, when they welcomed me warmly as a new addition to the family, I felt like I was  really blessed.

Ang mga bloggers na dating hindi ko alam ang personalidad sa likod ng kani-kanilang mga akda, naging mga kapatid ko na. May mga OFW (kagaya ko), mga simpleng maybahay, may mga estudyante, may mga award-winnning individuals and hosts. United Colors of Benetton ang labas namin dahil sobrang halo-halo na.

We’ve been united by our passion to write; bonus na sa amin ang makapagbigay ng inspirasyon sa mga readers.

Siyempre, gaya ng mga normal na pamilya, nagkakatapuhan din paminsan-minsan. Maraming dramang nangyayari sa loob ng aming “munting kahon”.

Basta kapag “present” na ang mga ampon ni Mommy Joyce, for sure, RIOT na ang kasunod. Kaya most of the time ay napapalo ang mga pasaway na bata.

Nakakatuwa. Nakaka-miss.

At hindi lamang kami nakulong sa aming munting kahon. Ang iba sa amin ay nagkita-kita na at nagkakilala na nang personal.

dfbi3

The first time I met some of them, parang hindi nga first time eh. Parang matagal ko na silang nakilala at nakasama. Hanep, ‘di ba?

Being a part of DFBI had really changed my life and opened the door for new opportunities. DFBI gave me something irreplaceable. Naging bahagi rin ako ng advocacies na kahit magkakalayo kami ay puwede palang mangyari. Ang DFBI projects: A Thread of Hope, The Blanket project, The Happy Students … kakaibang samahan talaga.

Napaka-blesssed ko dahil isa ako sa mga naging ampon ni Mommy Joyce, na walang sawang suporta ang binibigay sa aming mga anak-anakan niya. Napaka-blessed ko dahil nagkaroon ako ng mga kuya na nakasundo ko sa mga kalokohan; mga ate na to the rescue kapag kailangan ng girl-talk at mga nakababatang kapatid na puwedeng ‘i-bully.’

At siyempre, isa sa the best na nangyari sa buhay ko because of DFBI ay ‘yung nakilala ko si “the boy who writes” 😉

Kaya para sa aking DFBI family, HAPPY SECOND YEAR ANNIVERSARY sa ating lahat.

Sana ay mas tumatag pa ang ating samahan. Sana ay mas maraming tao pa tayong ma-inspire.

Marami pa sana sa atin ang makapag-publish ng sariling libro. Marami pa sana ang mapanalunang awards.

Mahal ko kayong lahat at habang-buhay kong ipagpapasalamat na naging bahagi ako ng pamilyang ito.

 

-april 13 ng DFBI-

 

 

About april13

Nurse na nakastuck sa Disyerto. Writer na naglalakbay sa iba't ibang mundo ( hangga't kayang marating ng utak ko).
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!