Happily Ever After

love-by-cuddlesaur-on-deviantart-2tz7pa6aMay kaibigan ako na nagsabi dati na hindi siya nanonood ng mga romantic movies. Nung tinanong ko kung bakit, sabi niya, hindi naman daw nangyayari ang mga kwentong yun sa totoong buhay. For a hopeless romantic such as myself, sinabihan ko sya na baka nagpapaka bitter lang sya. At that time, we just laughed it off, pero it got me thinking.

Ang isang romatic movie, madalas, common na ang daloy ng istorya. Boy meets girl, they both fall in love, dadating si ex, mgkakaroon ng conflict, pero in the end, magkakatuluyan pa din ang mga bida. Pwede din na boy and girl start as best friends, may dadating na girl #2, maiin love si boy kay girl #2, tapos may dadating din na boy #2 na magkakagusto sa bidang girl, at pag naging sila na, dun marerealize ni bidang boy na si bidang girl talaga ang love nya, at ang ending, magkakatuluyan sina bidang girl at bidang boy habang makikita na maglelet go sina girl #2 at boy #2.

At kahit pa mukhang narerecycle na ang theme ng mga romantic movies, madalas box office hit pa din sila lalo na kung sikat na love team ang gaganap dito.

Since almost all of us have fallen in love, masasabi natin na nakakarelate tayo sa bawat romantic movie na napapanood natin. But unlike these movies, not everyone can have their happy endings. Ganun naman talaga ang life di ba, yung akala natin na happily ever after, laging nadudugtungan ng panibagong chapters na may mga panibagong characters. Ang pagkakaiba lang natin sa movies, walang kasiguruhan kung makukuha natin ang ending na gusto natin. Walang director na pwedeng magsabi ng “cut!” at walang mga eksena na pwedeng burahin at ulitin ang take kung hindi nagustuhan ang kinalabasan.

But I still believe that each of us has a chance to our own “happily ever after”. We may make mistakes – which are inevitable – and we can do ways to make up for those mistakes. We can ask for second chances and prove that we deserve them. Maraming ways para makuha ang ending na gusto natin, but we must also learn when to let go and how to accept if things didn’t work out the way that we wanted them to.

Naniniwala ako na sadyang may nakalaan na “happy ending” para sa bawat isa sa atin. We may find it within ourselves, or we may find it by being with someone else. Either way, the choice is up to us. We may be hurt countless times, but we must never lose hope.

After all, the beauty of loving and being in love will be worth every pain, sacrifice and heartache that we have given and endured along the way.

Loading...

About hashie

I am a woman, a nurse, and a mother who loves to read and to write. I hope that someday, my literary pieces will be enough to make a difference - no matter how small it will be - in a world that is struggling to live in a peaceful way. Please visit and like my page https://www.facebook.com/pages/Hashie/276925455677468?ref=hl
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!