“Halo-halo”

Uwian na. Mabigat ang iyong mga hakbang pababa nang hagdanan. Hindi biro ang walong oras ng kaliwa’t kanang pagtatrabaho. Nakapapagod. Kung noon, pakiramdam mo inakyat mo ang Mt. Pinatubo, ngayon naman, parang tumakbo ka mula Aparri hanggang Jolo, tapos wala man lang libreng tubig. Ay, hindi lang nakakauhaw. Dehydrated ka na.

Habang tinatahak mo ang daan papunta sa inuupahan mong bahay, marami din sa ‘yo ang nakikisabay. Kotse. Bisikleta. Tricycle. Truck na ten wheeler. Taong grasa. Aso… Halo-halo. Halo-halong sakit ng ulo, dala nang alikabok na pinapakain sa’yo. Pero, teka muna, bakit mas pipiliin mong mainis at magpadala sa halo-halong sakit ng ulo, kung meron namang naghihintay na halo-halong sarap, with iba’t ibang sangkap, doon sa kabilang kanto?

Mabilis pa sa alas kuatro. Kaharap mo na. Ang paborito mo, paborito ko, paborito ng lahat.

Halo-halo.

Kung ga’no ka kabilis nakarating,  ganun din ang iyong nararamdaman.

Nararamdamang udyok ng damdamin nang isang korning makata. (Na naman?)

“Sa kaong na pula, ikaw ay napatawa.

Sa preskong mangga, kahit walang ‘ipin, mapapanganga.

Sa hibla ng bukong puti, ikaw ay mapapangiti.

Sa sangkap na ube, ramdam mo ang iyong pagpupursige.

Sa langka at saging na minatamis, lahat ay iyong matitiis.

Sa gulaman na katakam-takam, problema’y malilimutan.

Sa sagong bilog na bilog, kahit buwan sa langit, mahuhulog!

Pero ang halo-halo ay hindi kumpleto kung walang “crushed” na yelo.

Pampapawi sa init at sa mga tinginang malalagkit.

Pero ‘yung mga tingin na ‘yun ay hindi mo masusuklian.

Kung hindi mo pa nakikita ang matamis na “leche flan…?

Ayun! Nakita mo rin! Katabi ng isang scoop na “ice cream”.

Sa wakas, makahingi nga ng dagdag gatas?

Pero bigla, may sumingit sa eksena ng hindi mo inaakala.

‘Miss, halo-halo mo…’, sabay nguso.

“Tunaw na.”

(Photo credit:pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!