Halloween Na! E Ano Ngayon?

10/27/2013 4:26:59 PM
Halloween!!
Halloween!! (Photo credit: cafeconlecheporfavor

“Ang buhay ay parang HOLIDAY. Pag in-love ka, VALENTINES DAY. Pag marami kang pera PASKO. Pero ‘pag tumingin ka sa salamin… Halloween na!” (At sa totoo lang, duda ako sa mga naglabasang post na sinasabing UNDAS ‘yun.)

Papatak na naman sa kalendaryo ang katapusan ng Oktubre. Bago mag-Todos Los Santos, may holiday pang ipinagdiriwang ang karamihan. Tama, malapit na naman kasi ang Halloween. At dahiul Halloween nga, horror na naman ang peg ng paligid. Tatakutin na naman ang sari-sarili sa mga horror movies at zombies at ultimo ang mga napapanahong jokes. Siguro mas papatok ang mga sinehan kung ipapalabas sa panahong ito ang Insidious 2 (bagamat may mga review akong nabasa at ayon na rin sa feedback ng mga tropa ko ay hindi naman siya nakakatakot e. Nakakagulat lang, o lamang lang ng drum na paligo sa mga tulad ng World War Z.)

Okay. Ang tanong: Halloween na nga, eh ano naman ngayon?

Teka, nagdiriwang ba ang Pilipinas ng Halloween in the first place? Siguro, kung ikaw ay taga-urbanidad. Kung ikaw ay elitista. Madalas ko kasing makita ang mga ‘yan pag sosyalin ang subdibisyon o village. Wala ka naman makikita masyado sa mga lugar ng maralita na nagde-decorate ng mga palamuting pang-Halloween.  Mga parol na may kinalaman sa Pasko, pwede pa.

Halloween na nga, e ano naman ngayon? Three words: TRICK or TREAT. Parang yung mga Halloween-episode ng mga banyagang palabas lang. Naalala ko lang nung minsan akong gumala sa Eastwood last year, mga bata nakiki-trick or treat sa mall nun.

At huwag ka, pare: Bongga pa ang costume nila. Talbog ang mga suot na pang-prom, Wikang Pambansa, summer (weh? Meron ba dun?!), at United Nations. May superhero pa nga e. Kaya siguro malaking event ‘to dahil kahit nakakatakot ang tema ng araw, ginagawa nilang katatawanan. Pero kung katatawanan lang ang usapan, e tumingin ka na lang sa salamin  (oo, tulad na lamang ng pinakaunang statement ng artikulong ito)!

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Enhanced by Zemanta