Gusto mo pa bang maging Pinoy?

I was browsing my profile on Facebook when I found out that my first blogsite five years ago was written in my profile. I’m glad I did! Below was my first published article online wayback June 2010.

Rajah Guban of the kingdom of Takarunga (Tacloban)
Early Filipino’s life

 Sa timog-silangang Asya, Sa bansang Pilipinas isinilang ang lahing Pilipino, Kinilala sa buong mundo sa pagiging magiliw nito lalo na sa ibang tao, lahing masayahin, malapit sa pamilya may respeto sa mga nakatatanda at marami pang magagandang katangian na tunay namang naiiba sa mga lahi sa mundo.

Masyadong malayo ang ating lalakbayin kung tayo’y magbabalik tanaw sa kasaysayan ng ating lahi. Ngunit tulad ng ibang sibilisasyon. Sa ilog at payak na pamumuhay nagsimula ang lahat, Hanggang dumating sa ating bansa ang mga Kastila na naging dahilan ng mga reporma at rebolusyon, na sinundan ng pagdating ng mga Amerikano na ang hatid ay kolonyalisayon, hangat sa pagdating ng mga hapones at pagsapit ng digmaang pandaigdig. Ilang taon pa ang binilang ipinanganak ang ikatlong republika, daan taon pa ang hinintay heto na tayo sa modernong panahon.

Sa kabila ng malalim, mahaba at minsa’y naging madugong kasaysayan ng Pilipinas,tila wala paring naging pagbabago. Niluma talaga natin ang kasabihang “Experience is a great teacher” masyado ng mahaba ang ating pinagdaanan ngunit ganoon padin, tila hindi padin tayo natututo. Marami ng nanungkulan at umupo sa gobyerno at patuloy na nangangako ng Pagbabago at pagunlad pero ano. heto! mahirap padin tyo.

images (1)
Hindi basehan ang mga nagtataasang gusali upang masabing may pagunlad.

Sa pagtungtong ko ng 18 taong gulang lalo akong namulat sa tunay na kalagayan ng ating bansa. kung ikukumpara nga naman sa mga karatig bansa na naghirap din noon sa panahon ng digmaaan ay totoong naunahan at napagiwanan na nila tayo tulad nalang ng bansang Hapon at Vietnam. Marami paring problema ang walanag agarang solusyon. Gutom, krimen. kawalan ng trabaho, korapsyon, giyera, droga, marumi at hindi disiplinadong lipunan. Kung tutuusin ilan lang yan sa sanga ng puno ng problem na ang ugat ay KAHIRAPAN ,Nakakalungkot talagang isipin na mahirap parin ang Pilipinas sa kabilang sagana tayo sa biyaya ng maylalang.

 

Manila31
Life in Manila

 

 

Hindi na natin kinakailangang magsisihan at magturuan kung bakit ganito ang sinapit ng ating bansa. Isang bagay ang tiyak na sigurado na ako, ikaw, tayo, sila, tayong lahat, tayong mga Pilipino ang dahilan sa patuloy na pagbagsak ng ating bansa. Aminin na nating may sakit ang ating pamahalaan. Sakit na kung tawagin nati’y KORAPSYON. Hindi na kailangan ng mga pagpapatunay at pag-aaral dahil lantaran at malala na ang sakit na ito. Simula sa pinakamataas patungo sa pinaka mababang antas ng pamahalaan ay may katiwalian.

Ang resulta lalong nababaon sa utang ang bansa, mga proyektong hindi matapos, proyektong sobra sa halaga, proyektong hindi masimulan o di kaya’y wala talagang proyekto ang gobyerno. Ang epekto gutom ang mamamayan hindi mapakain ang kumakalam na sikmura ng sambayanan dahil sa marami ang walang trabaho, pipiliin ng iba na kumapit na lang sa patalim at pasukin ang ibat-ibang uri ng krimen, sa ganitong sitwasyon natututo ang maraming kababayan nating mag droga at dahil sa bumababang moral ng lipunan bumababa din ang kalidad ng edukasyon, dahil dito bumababa ang disiplina ng tao dahilan upang sumuway sa batas, pati ang simpleng paglilinis at tamang pagtatapon ng basura ay hindi na magawa, ang resulta madumi at mabahong kapaligiran ang epekto ay mataas na bilang ng mga maysakit ang isa pang problema ay walang maayos na sistema sa mga pampublikong ospital o di kaya ay wala talagang ospital, kulang sa kagamitan at mga taong magsisilbi dito ang resulta marami ang hindi makatarungang pagkamatay. Ang epekto lilipad ang mga kaanak upang magpakaalila sa ibang bansa iiwan ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit na yunit ng lipunan, pundasyon ng kabutihan at pagmamahalan ang ugat ng lahat ng ito ay KAHIRAPAN.

pooy
Poor Kids in the Philippines

 

Sinong tao ang gustong maging Pilipino na sa hinaba haba ng panahon ng kanyang pagsisikap ay hindi sya makaramdam ng pag-unlad? Sinong tao ang gustong maging Pilipino kung ang digmaan ay parte ng pangaraw-araw na pamumuhay? Sinong tao ang gustong maging Pilipino kung ang iilan ay nagpapakasarap ang buhay gayong maraming naghihirap? Sinong gustong maging Pilipino kung ramdam mong bulok ang sistema ng iyong pamahalaan? Sinong gustong maging Pilipino kung ang bansa mo’y ginagawang basurahan? Sinong gustong maging Pilipino sa bansang may mababang disiplina ang mga tao?

economicchain-gma-news

Minsan na tayong bumagsak, minsan ng nasira ang pangalan at diginidad ng ating lahi. Hahayaan pa ba nating mahuli na ang lahat at umabot sa puntong puro negatibo nalang ang pagkakilalan ng iba sa atin?

Sa kabila ng lahat ilan lamang ito sa mga problemang kinakaharap ng ating bayan, malayo pa ang lakbayin tungo sa tunay na pag-unlad, mahaba pa ang gamutan sa sakit ng ating bansa. Hindi maikukubli ng mga nagtataasan at naggagandahang gusali ang tunay na kalagayan ng ating bayan at hindi ito batayan upang masabing may tunay na pag-unlad.

Philippines-Feature-494x196
Ang kabataan ang PAG-ASA ng Bayan!

 

Sa huli ay may magagawa tayo upang baguhin ang lahat. Tulad mo nais ko rin ng pagbabago. Kaya dapat simulan natin ito sa ating sarili at sa ating komunidad hanga’t hindi pa huli ang lahat. Hindi ko man maabutang maunlad na ang aking bansa naniniwala akong magaganap at magaganap ito hangat may mga tao pading gustong maging Pilipino.

download
Never Lose Hope

 

 

Ikaw, Gusto mo pa bang maging Pinoy?

About Travelosyo

Cai Dominguez is the blogger behind travelosyo.wordpress.com and the Secretary-General of Project #BackpackerTeacher. He is an ambitious travel blogger whose goal is to travel 100 places in Philippines before he reach the age of 30. A fulltime Human Resource Specialist and a part time backpacker who loves to do solo wandering. He is a highly patriotic guy who keep his faith that in his own way of blogging about the Philippines he will be able to promote and invite both local and foreign to discover more about his country. He travels with a purpose and brought up issues to the local and national government whenever he encountered opportunities for improvement during his travel.