Gusto Mo Bang Magbalik-Tanaw sa 80’s at 90’s?

free download

Bilang pasasalamat sa mga ka-dekads na walang-sawang tumatambay sa DF at NoBenta, iniaalay ko sa inyo ang mga unang volumes ng mga sanaysay ng aking mga karanasan noong Dekada NoBenta at Noong Ako ay Bata Pa. Maaari niyo nang balik-balikan ang mga alaala gamit ang inyong mga gadgets kahit na walang internet.

NoBenta Front CoverDOWNLOAD LINK

Dekada NoBenta.

Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost.”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong Nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.

Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng “beeper message” sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraserheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong “kisses” kapag inalagaan mo ito nang mabuti?

Sa isang Batang 90’s na tulad ko, ang mga “pagbabalik-tanaw” ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga katulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayang “NoBenta – Reminiscing the 90’s”.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. ‘Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 Earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng “Macarena” na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.

Habang binabasa mo ang e-book na ito, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang “Time space warp, ngayon din!“.

NAABPDOWNLOAD LINK

Madalas sabihin ng mga matatanda na minsan lang tayo daraan sa pagiging bata.

Ang lahat ng mga panahong iyon, kahit na may mga pagkakataong hindi naging masaya, ay napakasaya pa ring balik-balikan. Nakaukit ang mga matatamis na alaala at ito’y mahirap burahin.

Ngayong may edad ka na at may sariling responsibilidad na dapat gampanan, minsan ay sumasagi sa iyong isipan na noon, ang problema mo lang sa buhay ay ang paglalaro sa labas ng bahay kasama ang iyong mga kaibigan. Ngayong alam mo na ang tama at mali, minsan ay naiisip mong sana ay nanatili ka nalang inosente.

Sa tuwing napapahinto ka at naaalala ang nakaraan, bigla mong nasasabi sa iyong sarili ang “..napakasarap talaga maging bata!“. Mabuti nalang at hindi tayo ang “King of Pop” dahil si Michael Jackson lang ang sinasabing walang kabataan.

Ang mga kwentong walang kwentang inyong mababasa sa librong ito ay koleksyon ng mga alaala mula sa isang Batang 90’s na ipinanganak noong 1978 at namuhay din sa mga panahong nauso ang istilo ng pananamit ng mga Bagets, lalaki pa si Ricky Martin ng tinitiliang Menudo, inaabangan ng lahat ang teleseryeng “Mga Batang Yagit”, at nagsisimula pa lang magpatawa si Jimmy Santos.

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Quanzhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.