Gusto Mo Bang Kumita ng Pera?

May alam ako. Magpe-“pay-in” ka, maghihntay ka ng ilang araw, linggo o buwan kung saan ang perang ipinasok mo ay tutubo ng ilang porsyento, madodoble, magiging triple o mas malaki pa, depende sa inilatag na “complan” ng founder at admin.

Ito ang pinakauso ngayon – Online Paluwagan. Wow. Easy money, ‘di ba? Mag-i-“invest” ka lang tapos “Promote” ng isa o dalawang beses para may “invite” at makakakuha ka na ng “return”. Voila! May instant cash ka na. Ayos!

Teka, ‘di pa tapos. Kailangan mo pang mag-“re-invest” kung ayaw mong kumalat ang picture mo sa Facebook na may caption na “earn and runner” at ma-“ban” o ma-“kick” sa ibang paluwagan.

At diyan nagsisimula ang pagbagsak ng mga online paluwagan. Siguro 30-40% lang naman ng mga itinayo sa pagnanasa ng founders at admins na mang-“scam”. 60-70% dyan, “legit”and “trusted” – ginawa kasi gustong kumita ng pera, habang tumutulong sa iba.

Pero karamihan, okey lang ng ilang araw o linggo, tapos wala na. Suwerte na pag umabot ng buwan o higit pa. Tapos magdedeclare na si founder na lugi, wala nang fund. Bakit? Wala nang nag-iinvest e. Kung 100% ng payout mo e kukunin sa pay-in ng ibang tao, waley na. Darating talaga sa punto na wala nang mag-pe-payout kung wala na ring nagpe-pay-in.

Ang isang online paluwagan para maging successful, tuloy-tuloy dapat ang pay-ins. Kaya ‘di lang sa founder at admins ang sisi ha? Kung gusto mo talagang kumita ng pera, alamin mo muna kung ano ang sasalihan mo para alam mo din responsibilidad mo bilang miyembro.

At para safe, ang hanapin mong grupo ay ‘yung may pagkukunang fund maliban sa pay-ins. Yung may back-up na business na nakakaintindi sa mga online paluwagan para kahit walang pay-ins, may payouts.

Maraming paraan para kumita ng pera. Pero kung itong online paluwagan ang napili mo – mag-ingat ka. Pwedeng yung kakaunting pera na naitabi mo himbis na dumami ay mabawasan pa. O mawala.. na parang isang bula.

pera lipad
(Photo Credit: shutterstock.com)

About WithLoveAriane

I am 24 years of age and a nurse by profession. Weblog has been my outlet for self-expression. I started way back in 2007. It is not the minutiae of my everyday life. Rather, a portal that opens up my thoughts and feelings to my trusty friends - my multiply contacts. It gives me voice to things I am not prepared to say to someone's face. And for years of blogging, I realized that 95% of my entries were written in English. So I thought of this - making a public blog account - a hundred times. I am not sure the world would probably want to hear what I’ve got to say. But I really do love expressing myself through writing and I believe I still have a lot to say - in my native language. With Love, Ariane