GUMUHONG PANGARAP

shoulder-to-cry riIkaw, ako, tayong lahat layunin iisa, kaya naisipan mangibang bayan na. Hikayat ng dolyar, taginting ng pera ang tanging dahilan wala ng iba. Subalit ng marating bayan ng Abu Dhabi mithiing pangarap dagliang naparam laging nagbababad sa mga diskuhan, inuman, barkada at minsa’y sugalan. Sa mga kasayahan laging inuumaga kay tamis ng ngiti dilag na kasama, sa saliw ng tugtog kudyapi’t banda malimit puyat, minsan lasing pa. Pangarap na taglay biglang naglaho muog na kay tibay biglang gumuho sa mga iniwan dulot ay siphayo pagkat kasama ngayon isang kalaguyo.

Sa kabanata ng buhay, ito’y isang yugto ang lisyang gawain dapat mong matanto, bulok ng kahapon kahit anong tago pilit na sisingaw dahil ito’y mabaho. Yugto ng ‘yong buhay dapat mong suriin, pag-aralang maigi bukal na layunin, huwag magpadala sa bugso ng damdamin baka maging bunga walang amang supling.

Sa aking paggala aking nakilala, mapanghalinang dilag karikta’y kay ganda, mabangong bulaklak ang kanyang kapara, talisuyo at tagahanga siya’y sinasamba. Sa kabilang taglay na alindog at kariktan, katangiang hanap di matagpuan ano pa’t kay saklap ng naging kapalaran mga talisuyo pilit siyang nilayuan.

Sa tabsing ng dagat tubig na kay linaw naglahong pangarap pilit inaninaw, pusong windang pilit humihiyaw sulyap ng kahapon tilang balaraw. “Mahabaging langit ituro po ninyo wastong landas na tatahakin ko sa dinaranas na mga siphayo, dalangin ko sana’y maibsan ito.”

Diwang pagal, mata’y luhaan, humihikbi, buhay ibig kitlan, tinahak pusod ng karagatan sawing buhay nais wakasan. Ano’t nang siya’y nasa laot na diwang tuliro nagliwanag baga, tilang naulinigan Angel de la guardia at ang sabi, “Anak ano ba’ng problema?”

Kagyat natauhan ang sawing babae dagliang umahon sumakay ng taksi bahay narating maghahating gabi siya’y nagulantang ilaw nakasindi. Laking mangha ng silid buksan lumayong kasuyo siya’y binalikan, kapwang luhaan sila’y nagyakapan, di na maghihiwalay magpakailan pa man. “Salamat, salamat Panginoon ko, taimtim kong dasal dininig Ninyo, talisuyong lumayo ngayo’y naririto sa kanyang pagbalik maligaya ako.”

Sa may problema ang maipayo ko, huwag daanin sa init ng ulo bawat balakid may kalutasan ito, lumapit sa Kanya at Siya’y sasaklolo.

About wilson d. dionio

About Wilson (Willie) D. Dionio – a retired OFW. Writing poems becomes an outlet to overcome homesickness. Email address: [email protected]
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!