Graded Recitation!

reciteNadale na naman ako sa graded recitation.

Kung bakit kasi naiisipan ko pang pumayag na magsulat ng pangalan sa class card, seatplan o kaya class record. Eh di sana wala akong problema ngayon di ba?

Naniniwala ako sa instintcs: yung pakiramdam na alam mo kung ikaw na yung matatawag o hindi. Potek nga sa pakiramdam eh. Para kang may inaaasahang magyari pero hindi ka sigurado kung mangyayari nga ba talaga. Mabilis yung tibok ng puso mo sa kaba at feeling mo may lalabas sa’yong hindi mo maexplain kung ano. Madalas mang gumagana minsan pumapalya.

heto ang epic familiar scene:

Yung pakiramdam na magtatanong yung instructor niyo, saka titingin sa seatplan etc. para maghanap ng pangalan. Sa mga panahong yun ang tahimik, maririnig mo lahat miski ang pag-aadjust mo sa upuan mo o kahit ang pagbuklat mo ng notebook mo, lahat ng studyante nakayuko. Epektib sana pero hindi palagi. Pwede ring titigan mo yung teacher para matakot sa’yo at hindi ka tawagin o kaya naman kapag ayaw mo talaga nung tanong pwede ka ring gumawa ng ibang excuse: ihulog mo yung ballpen mo, mag CR ka o kaya maghalungkat ka ng some thing sa bag. Pero syempre gasgas na rin ang mga yan. mag improvise ka naman ng bago baka sakaling gumana ang palusot mo.

Siguraduhin mong pagbalik mo sa mundo ng kaba, tapos na at hindi ikaw ang hinihintay nila.

Yun nga lang yung pinakaworst na pakiramdam eh kapag pangalan mo yung narinig mo.

Sa una denial state ka muna, baka nagkamali lang si ma’am o kaya naman guniguni mo lang. minsan nga ituturo mo pa ang sarili mo sabay tanong ng “ako?”. Pag nakatingin na sa’yo lahat ng kaklase mo ikaw nga, wag ka ng magmaangan!

Ang susunod niyan ay ilang segundo mong makakalimutan yung tanong, yung panahon sanang nagiisip ka na inaalala mo palang yung mga salitang narinig mo bago ang pangalan mo.

Heto pa bunos, yung tunog ng buntong hininga ng mga kakalase mo dahil hindi sila natawag. haaaaaaaaayyy! (ganun talaga yun at sabay sabay pa sila!)

Heto na. sagot na.

Titingin ka sa mga kaklase mo para humingi ng tulong pero wala din silang maiibibigay.

Wala ka ng magagawa!

Tingin kay ma’am o kay sir,

sabay ngiti ^_____^V

ngiti ng nakikiusap.

ngiti ng humuhingi ng tawad.

Pwede mong hilingin na sana naging kabute ka na lang sa mga panahong yun o kaya sana nanaginip ka lang at magigising ka rin. Pwede ka rin naman manghula ng pweding maging sagot, obserbahan mo lang kung gaano na kalala ang pagiimbento mo base sa facial expression ng teacher mo. Matakot ka na kapag nakakunot na ang nuo niya o nangingiti-ngiti siya. Either alam niyang hindi mo alam ang sinasabi mo o mas lalo ka niyang puputaktihin ng follow up questions. Ligtas ka pag nakita mo tumatango tango siya.

Pero suko ka nalang pag talagang wala na. Ubos na ang pag-asa!

Pwede kang manghula, mangimbento o sabihin ang totoo

“no idea ma’am”-ang pinakadakilang sagot pangiwas sa mas malala pang kahihiyan!

Wag mo ng tignan kung ano reaction ng teacher mo.

Umupo ka nalang ng tahimik kasama ng natitira mong dignidad.

Wag ka nang mag-alala. Tapos ka na sa araw na yun sa subject na yun.

Hingang malalim.

Then back to notes-taking.

oh? hi notebook?oh kumusta ka naman?

About julie simaurio

"bata" ang madalas nilang itawag sa akin, kung bakit, well, sekreto yun pero tingin ko alam mo na. kung sino man ako, depende yun sa sitwasyun ...at sa mood ko kaya siguro ikaw na bahala. . . generally, i sleep. i walk. i eat. i laugh. i go to school. i cry. i smile. i got lots of moods a day. i talk. i value my friends. i'm lazy. i love to read. i love to write. i'm a good listener. i love music and books and movies and having fun I'M A COACH. I'M A PLAYER. i am who i am. i'd like to know you. i still think i'm normal but i have ABNORMALITY ATTACKS:))
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!