Gender Formula – Boy or Girl (Tagalog version)

He or She? (Photo Credit : Pregnancy)
He or She? (Photo Credit : Pregnancy)
He  or  She?  (Photo Credit :  Pregnancy)
He or She? (Photo Credit : Pregnancy)

Gumawa ako ng english article na ang title ay, “Gender Formula: Boy or Girl” dito sa ating DF Blogs. Ito’y tungkol sa GENDER FORMULA kung saan ay sinasabing puwedeng hulaan ang gender ng anak.
Upang  maintindihan ng karamihan sa atin, sinikap kong isalin ang paliwanag ko sa wikang Pilipino at Taglish.

Very simple lang ang FORMULA. Dalawang numero lang ang gagamitin sa formula:

(1) EDAD NG MOTHER ng mabu-o ang baby (AGE of mother during conception of the baby).
(2) NUMERO NG BUWAN ng kapanakan ng baby (BIRTH-MONTH NUMBER of the baby).

Hindi naman siguro mahirap na malaman ang edad ng mother nang mabuo ang baby sa tiyan niya.
Ito ay tinatanong ng doctor o pediatrician para malaman ang birth-month, hindi ba? Halimbawa, tatanungin ng doctor ang petsa ng pagtigil ng kanyang regla o menstrual cycle. Sa ganitong paraan, malalaman ang buwan ng paglabas ng baby, na pang siyam (9) na buwan. Ang numero ng buwan ay 1 para sa Enero, 2 para sa Pebrero, 3 para sa Marso, at iba pa. . . hanggang sa 12 para sa Disyembre.

Yung dalawng numero: EDAD NG MOTHER at NUMERO NG BUWAN ay pagsasamahin. Please add them together,            AGE + MONTH NUMBER = a new TOTAL. Halimbawa, ang edad ng mother nang mabuntis siya ay 25 at ang baby ay iapapangank ng Marso or 3rd month. Ang TOTAL ay 25 + 3 = 28.

Huwag kayong magkamali na gamitin ang EDAD ng mother nang MANGANAK SIYA. Mali yun. Gamitin ninyo ang EDAD ng mother nang MABU-O ang baby sa tiyan. (AGE AT CONCEPTION).

Madaling malaman ito, sapagkat ito ay siyam (9) na buwan bago ipanganak ang baby. Medyo, gagamit kayo ng konting arithmetic, addition at subtraction.

Pag nakuha na ang TOTAL, ang susunod na paraan ay pag-aralan ninyo ang tinatawag na ARITHMETICAL PROGRESSION SUM (sorry, hindi ko alam ang tagalog nito). Very simple lang ito. Bilangin ninyo ang total ng bawat grupo ng mga numero.

Ang una ay 1. Ang susunod ay 1+2= 3. . .Next ay 1+2+3= 6. . .
Next ay 1+2+3+4=10. . .Next ay 1+2+3+4+5=15. . .Next ay 1+2+3+4+5+6=21. . .Next ay 1+2+3+4+5+6+7=28. .

Next ay 1+2+3+4+5+6+7+8=36. . .Next ay 1+2+3+4+5+6+7+8+9=45. . .
Next ay 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10=55. . .(Walang katapusan ito, pero hindi naman ninyo magagamit ang malaking numero).

Sa halimbawa natin na TOTAL = 28, maghanap kayo ng sumusunod na ARITHMETICAL SUMna mas malaki sa 28. Madali lang hanapin ang SUM. Ito ay 36 sa calculations natin sa itaas.

Ang gender ng baby ay: GENDER = 36 minus 28 = 8 (EVEN NUMBER). Pag ang result ay EVEN NUMBER, it’s a BOY. Pag ang result ay ODD NUMBER, it’s a GIRL.

Gamitin ninyo ang formula doon sa mga buhay na tao na matagal nang naipanganak. Pabaliktad lang ang itatanong ninyo tungkol sa birthday, edad ng mother, birth-month ng tao, at iba pa.
Subukin ninyo.

Mga ilang pahiwatig:

1) Noong bata pa ako, ang tatay ko ay kino-konsulta ng mga bagong kasal, mga dati ng kasal at sinomang married couples na interesado. Na-diskubre ng tatay ko ang isang mathematical formula na puwedeng hulaan ang gender o sex ng kanilang anak. Ako ngayon ang promoter ng Gender Formula, na binigay ko nang libre kahit kanino.

2) Maaaring gamitin ang formula sa mga buntis na gusto nilang malaman ang gender ng kanilang baby.

3) Subalit mayroon na ngayong medical procedure na tinatawg na “sonogram” na puwedeng tingnan o panoorin ng doctor at ng couple sa monitor o screen and hitsura ng baby at sex o gender nito. Sa ikatlo o ikaapat na buwan ng pagbunbuntis, puwede nang makita sa sonogram ang genitals ng baby. Mayroon din daw na mali ang result ng sonogram, pero karamihan ay tama.

4) Hindi maaaring magkamali ang sonogram. Pero maaaring magkamali ang gender formula. Ang mathematical formula ay hindi 100% correct, sapagkat ito ay hango lang sa Indian legend. Mayroong isang Indian national na nakatira sa Manila na kaibigan ng aking ama na siyang nagbigay ng formula. Sabi ng taga-India na ito, ang formula daw ay centuries-old at ginagamit sa India ng ilang sector ng lipunan.

6) Ang formula ay sadyang mainam sa mga babaeng hindi pa buntis. Puedeng planohin ng babae at kanyang asawa kung papaano sila magkakaroon ng sanggol na lalake o babae. Iyan ang kagandahan ng formula na ito. Hindi puwede dito ang sonogram sapagkat hindi naman buntis and babae. Sa pamamagitan ng formula, puwedeng mag-concentrate ang mag-asawa kung sa aling buwan mabubuo ang baby, o kailan mag-uumpisa ang pagbubuntis ng ina. Hindi naman siguro masama na planuhin ng mag-asawa and pagkakaroon ng baby boy o girl na gusto nila.

7) Para malaman na ang formula ay accurate, gamitin ninyo ang formula sa kanino mang pamilya sapagkat kailangan mo lang ang birthdays, buwan, petsa at taon. Kailangan mo rin ang birthday ng nanay, buwan, petsa at taon, para ma-calculate mo ang edad niya nang siya ay nabuntis (9) months before birthday of the child. Pag mali ang resulta ng gender, ang ibig sabihin nito ay hindi accurate ang formula sa kanyang pamilya. Maraming halimbawa and dapat gawin na calculations sa miyembro ng pamilya para malaman ang percentage of accuracy. Pag karamihan ay mali, maliit lang ang chance na ito ay applicable sa pamilyang ito o mga anak nito.

8) Ang gender formula ay magandang gamitin na parlor games o katuwaan sa party o meeting. Mag-eenjoy ang mga sasali dito sapagkat puwedeng hulaan ang gender ng isang tao, kahit hindi sabihin ang gender nito during the game session. Birthday lang ng anak at birthday ng nanay ang dapat malaman. Pero, kailangang mag-analyze kung papaano gagamitin ang birthdates sa formula.

9) Hindi naman ang purpose nito ay maging serious kayo. Katuwaan laman ito. Hindi nito nilalabanan ang religion ng sinuman. Hindi nito nilalabag ang kautusan ng ano mang religion.

 

 

 

About tatay jobo

I am 78 in 2012 and senior citizen Pinoy in NY. I am a self-publisher of books as favorite hobby. I publish for free. Just search tatay jobo elizes at amazon to browse thru my published books. In my younger years, I was an engineer/businessman in Manila.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!