Friendship Over?

Ayan, aalis na naman ang isa. Parang kelan lang nung may unang umalis na sinundan nila at ng marami pang iba. Ilan pa ba ang aalis? Ilan pa ba ang mawawala?

Andami ng nagbago sa loob ng maikling panahon. Wala na ang mga pangako ng pagkakaibigan. Lahat nagbago na, lahat may kanya-kanya ng buhay. Siguro ganun lang talaga. Sabi nga nila, “Wala namang permanente sa mundo, maliban sa pagbabago”.

Pero naisip mo bang possible pa rin namang may iilang nananatili pa ring tulad ng dati? Siguro hindi mo na sila palaging kakwentuhan, kainuman, katext o kasama sa lahat ng oras. Pero nangangahulugan ba yung hindi ka na mahalaga sa kanila? At dahil dun, nakalimutan mo na rin atang minsan din silang naging malaking parte ng buhay mo at ipinaramdam na mahalaga pa rin sila sa’yo hanggang ngayon.

Ang sabi mo, wala naman ng aasahan sa kanila eh, wala naman na sila kapag kailangan mo ng makakasama. Ang ibig sabihin ba nun, dahil wala na silang silbi sa buhay mo eh wala na ring dahilan para sila naman ang samahan mo?

Bakit mo pa nga ba sila iintindihin eh ikaw na may problema, parang hindi naman na nila iniintindi. Kaso, nasubukan mo na bang tanungin sila kung may problema ba sila? Hindi naman siguro dapat laging ikaw na lang ang dadamayan sa tuwing kailangan mo. Lahat ng tao may problema, posible ngang mas malala pa ‘yung sa iba kesa sa dinadala mo, ayaw lang nilang ipakita.

Sa bagay, aanhin mo pa ang luma kung meron ka naman ng bago na mas may silbi na sa paningin mo? Wala namang masama sa pagkakaroon ng bago eh, kung sana hindi mo naipaparamdam dun sa luma na na mas masaya ka na sa bago mo at may panahon ka lang para sa kanila kapag wala na ulit yung bago.

Kung sa tingin mo nagbago na siya, sila, at ang lahat ng bagay sa pagitan ninyong lahat, mag-isip ka ulit. Baka naman ikaw na pala ang nagbago.

Kung sarado pa yang isip mo, mas mabuting wag mo na munang isipin kung ano ang tunay na dahilan ng lahat ng pagbabagong ito. Dahil aminin mo man o hindi, hindi mo pa rin maiintindihan ang nais nilang iparating. Magagalit ka lang kasi pakiramdam mo pinagtutulungan ka, na wala ni isa sa mga “luma” mong kaibigan ang nakakaintindi at makakaintindi pa sa’yo.

Kung naiintindihan mo naman na noon pa ang mga bagay na ‘to, bakit hindi ka gumagawa ng paraan para maayos? Dahil ba pagod ka na?

At kung pagod ka na sa pamimilit ng mga taong tinatawag mong stir, ibig sabihin ba nagsasawa ka na ring tawagin silang kaibigan?

Photo credit: www2.emmagem.com

About WithLoveAriane

I am 24 years of age and a nurse by profession. Weblog has been my outlet for self-expression. I started way back in 2007. It is not the minutiae of my everyday life. Rather, a portal that opens up my thoughts and feelings to my trusty friends - my multiply contacts. It gives me voice to things I am not prepared to say to someone's face. And for years of blogging, I realized that 95% of my entries were written in English. So I thought of this - making a public blog account - a hundred times. I am not sure the world would probably want to hear what I’ve got to say. But I really do love expressing myself through writing and I believe I still have a lot to say - in my native language. With Love, Ariane
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!