Friday the 13th of November 2015

(Photo Credit: bbs.powerapple.com)

1422285949_183266 (1)

Isang araw ng makabagbag-damdaming pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo ang gumulantang sa buong sangkatauhan.

Maraming naniniwala sa mga pamahiin na sinisimbolo ng Friday the 13th.

Sa kabila ng pagiging moderno ng mundo ay milyon-milyong tao pa rin ang mga naniniwala sa mga pamahiing wala namang pinagbabasehang siyentipikong paliwanag. Bagamat ‘di malinaw kung saang kultura nga ba sa mga Kanluraning bansa nagsimula ang paniniwalang ito ay parang buhanging ikinalat ang takot na dinadala nito sa mga taong naniniwala na ang Biyernes na natapat sa petsang trese (13) ay isang malas na araw.

Isang magandang ika-13 ng Nobyembre, 2015 ang lumipas sa Pilipinas, ngunit malungkot at nakakabagabag ang mga pangyayari sa labas ng bansa. Naging viral ang Friday the 13th sa Facebook at maging sa Twitter; hindi dahil sa alam na ng netizens ang mga nakaambang mangyari kundi sa paniniwala nila sa pamahiin at mga katanungan tungkol dito.

Ito ang mga maiinit na pinag-uusapan sa radyo, telebisyon at maging sa internet:

#PrayForMexico

Magnitude-4.3 earthquake hits Baja California, Mexico

Source: http://abc7.com/news/magnitude-43-earthquake-hits-baja-california-mexico/1083201/

#PrayForBeirut

Beirut suicide bombings kill 43; suspect claims ISIS sent attackers

Source: http://edition.cnn.com/2015/11/12/middleeast/beirut-explosions/

#PrayForBaghdad

Suicide bomber kills at least 19 in Baghdad funeral

Source: http://english.alarabiya.net/en/News/middle-east/2015/11/13/Suicide-bomb-in-Baghdad-kills-at-least-18.html

#PrayForParis

Paris attacks: At least 153 killed in gunfire and blasts, French officials say

Source: http://edition.cnn.com/2015/11/13/world/paris-shooting/

Kasabay ng mga balita ang pagpapahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa. Nabulabog ang buong sangkatauhan sa mga nangyari. Karamihan sa mga taong may paniniwalang ang Friday the 13th ay may hatid ngang kamalasan ay mas lalo pang nakapagbigay tindi sa kanilang takot sa kanilang pag-iisip at ang iba sa mga hindi naniniwala rito ay biglaang nakumbinsi sa pamahiin.

Ang paniniwala tungkol sa mga kamalasan ay katulad din ng paniniwala sa ‘swerte’. Ito ay nakadepende na lamang sa taong naniniwala rito. Wala na tayo sa henerasyong walang alam. Tayo ang lumilikha ng mga katatakutan sa ating isipan at hindi ang ibang tao.

Tayo’y mga Pilipino at likas sa atin ang pagiging relihiyoso. Iwaksi natin sa ating isipan ang mga ganitong paniniwala. Maniwala tayo na may iisang Diyos na nakapangyayari sa lahat. Ang lahat ng nangyayari sa mundong ibabaw ay bahagi  lamang ng kanyang mga mahiwagang plano para sa mga tao. Huwag tayong panghihinaan ng loob sa mga nangyayari. Manalig tayo.

#PrayForHumanity

#WeAreTheWorld

 

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!