Fix You (Chapter 9)

“Naguu-ulan na nga nakuha niyo pang mag-outing?”

“E birthday nga ng supervisor ko yun. Pinagsama na yung birthday celebration tsaka team building.”

“San nga ulit?”

“Batangas daw o sa Zambales…”

“Ate sama ko.” singit ni Denver.

“Bawal bata dun. Bawal outsider.”

“Damot. Ayaw mo lang ako isama e.”

“Kulit mo sinabi ng bawal bata dun e.” di na siya umimik. Naka-extend na naman ang nguso.

“San sa Batangas?” tanong ulit ni mudra.

“Wala pang venue…”

“Wala pang venue? E halos dalawang linggo na lang yan a.”

“Nagi-inquire pa nga lang daw kung saan mas okey…”

“San sa Zambales?”

“Nagsasa o Anawangin daw. Sa island kami mismo matutulog.”

“Ma, sama ako kay ate.” Singit ulit ni Denver. Lalo atang nainggit sa narinig.

“Huwag ka ng makisali. Isa ka pa. Marunong ka na din maggala-gala,” sabay baling ulit sa’ken, “Anong oras alis nyo?”

“Madaling araw daw…”

“Anong oras nga?”

“E hindi ko nga po alam. Basta ang pagkakasabi e madaling-araw daw para maaga kami makarating. May sasakyan namin kami kaya mabilis lang ang biyahe.”

“Kelan ang balik nyo?”

“Kinabukasan. Overnight po…”

“Overnight? At bakit overnight? Hindi niyo ba kayang uwian?”

“Mother, parang ang lapit naman ng pupuntahan namin?”

“Naku bata ka kabago-bago mo pa lang sa trabaho mo laktwatsera ka na. Nagsabi ka na ba sa tatay mo?” medyo inis na yung boses niya. Pag ganun na ang timpla niya e mabuting manahimik na lang muna. Hanggat maaari e kalma lang dapat agn boses.

“Opo. Papayag daw siya kung papayag kayo…”

Hindi na umimik si mudra. Pinagpatuloy na lang ang pagkain. Pag ganyan na ang mood niya, ibig sabihin okey na sa kanya. Alam ko namang papayag siya dahil sunod-sunod siya magtanong. Humihindi naman siya agad pag ayaw niya. Hindi na siya nagtatanong ng details.

Kasalukuyan kaming naga-almusal mag-ina kasabay si bunso. Wala si father, maaga umalis. Nagpaalam na rin ako sa kanya kagabi, okey lang naman daw kung papayag si mudra. Kaya eto, nakikipagnegosasyon pa ko sa nanay ko.

Pahirapan magpaalam lalo na pag gagala. Actually kay mudra lang. Kay father lagi naman siyang payag, basta ia-update lang siya sa nangyayari sa’ken. At dapat detailed lahat. Magmula sa kung saan pupunta, sinong kasama, anong oras at kelan. Hindi siya gano mahigpit. Di tulad ni mudra na kelangan ko ng convincing powers mapa-oo lang siya. Nung thesis nga namin, hindi siya pumayag na mag-overnight ako sa bahay ng kaklase ko, kahit puro kami babae. Ending, dito namin sa bahay ginawa.

Nakakapaggala ako noon after na ng klase. Pero hindi ako pwedeng gabihin. Kapag alas-siete na at wala pa ko sa bahay, tumatawag na sila. Pero since hinahatid na ko lagi ni Gab, hindi na sila gano napapraning. Mabuti naman daw at makakauwi ako ng safe. Door to door pa.

Speaking of Gab, matatapat pala ng birthday niya yung outing namin. Nasabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa outing, baka kasi may plano na siya. Hindi pa siya sumasagot, baka busy. Pero sabagay wala naman sya dito sa ‘Pinas. Atlis na-inform ko na siya.

Naging busy na nga siya since nung huling punta niya dito sa bahay. Nakakapanibago kasi hindi na din ganun kadalas ang text niya (although araw-araw pa din naman). Ayaw ko naman siya tanungin, alam ko naman yung rason. Di pa ba ko nasanay.

Umalis na din ako agad pagkatapos kumain at makapagpaalam. Maaga ako nagising kaya maaga-aga din ako sa office for sure. Ayoko magkaron ng bad record kaya hanggat maaari inaagahan ko pumasok. Kahit man lang sa attendance e ma-impress ko TL ko. Nahihirapan pa kasi ako sa ginagawa ko. Baka yun pa ang maging reason ng pag-failed ko sa training. Nakakahiya.

Sana nga.

So far, wala pa naman akong naririnig na panget na feedback galing kay Red sa mga pinapagawa niya sa’ken. Hindi din naman ako sure na puro tama ang nagawa ko. Baka lang ayaw niya kumibo. Pero sabi naman niya i-inform niya ko if ever na may mali. E hanggang ngayon di pa rin siya nagpi-feedback. So, baka puro very good.

Nakalimutan kong meron pa pala akong mission bukod sa pagpasa ng training. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa gusto nila mangyari. Ang hirap i-handle at i-approach ni Red. Hindi ako makakuha ng tamang timing kung kelan ko sisimulan ang mission ko. Feeling ko pag sinimulan ko ng usisain yung buhay niya, aawayin niya ko. Or hindi kakausapin. Papahirpan sa trabaho. Mga ganung scenario. Kaya lalo akong kinakabahan.

And speaking of outing at Jared, trending ang isyu na sasama daw si Red sa outing. Parang nabigla at nabuhayan ng loob ang buong team ng malaman namin na kasama daw siya, at mismong si Ms. Donna ang nag-confirm sa’min (wala sa station si Red nung kinukwento sa’min yun). Expected na daw ng visor namin na hindi sasama si Red kaya kinausap niya ng one-on-one. Nung una ayaw talaga, pero na-convince din sa huli. Sa e-mail lang daw nag-confirm si Red at mahahalata sa facial expression ni Ms. Donna ang pagka-excite (feeling ko hiniling niya na sumama si Red as birthday gift). Good mood tuloy ang lola mo. Super-excited din sila Mikai.

Ako? Keri lang. Curious din, somehow. Ine-expect ko ring hindi siya sasama, so anong nakain niya? Chocolate?

 

*             *             *

“Sinabi niya yun girl? Baliw at bingi ka?” medyo natatawang tanong ni Mikai sa’ken. Breaktime. Nasa 7-11 kami tumambay, katabi ko si Mikai. Nasa tapat naman namin si Thea at Daph. Madami kasing kumakain sa canteen kaya napilitan kaming maghanap ng pwesto. Kinamusta kasi nila yung moment namin ni Red kaya napakwento na rin ako. As I expected, all eyes and ears na naman sila sa’ken. Basta meron silang maririnig na bagong kwento tungkol kay Red, nakakalimutan na nila lahat.

“E ba’t parang tuwang-tuwa ka pa ata?” si Thea.

“Haller? Kahit ako naman tawagin niyang ganun keri lang no? Baliw, bingi, malandi, diyosa, hot…lahat-lahat na ng lait super-keri lang talaga” si Mikai habang papikit-pikit pa ng mata.

“At kelan pa naging lait ang diyosa aber?” si Daph.

“Wag ka ng ano. KJ ka ring bakla ka e.”

“Hindi naman sa natuwa. Well, siguro. Hindi ko naman kasi in-expect na magpapasalamat siya sa’ken. And I think it’s a progress.” Sabi ko.

“Progress nga. Tuwang-tuwa ka nga e, o…” sabay turo ni Thea sa pisngi ko. “Namumula ka e. Loka baka may halong kilig na ‘yan. Iba na yan…”

Natigil ang pagkain nila Mikai at Daph sa sinabi ni Thea. Napatingin sila sa mukha ko. Ako naman na-conscious. Tumahimik ang paligid. Parang huminto.

Hindi ko alam pero bigla akong na-conscious sa sinabi ni Thea. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o totoong namumula ang pisngi ko. Kinabahan ako bigla. Na-confuse. And at the same time e nalito. Natatawa akong pilit. Pati ngiti ko pilit din.

Ako? Kikiligin kay Red? Bakit? 

“Giiiiiirl! Namumula nga yung pisngi mo!” pinindot-pindot pa ni Daph yung pisngi ko. Lalo naman akong kinabahan. Gusto kong matuwa na namumula pala ang pisngi ko, pero yung reason e ang awkward.

Namumula ba talaga pisngi ko?

 

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!