Fix You (Chapter 5)

Fix You“So…ngayon, hindi natin alam kung ano ang mood niya. Puwedeng two times o three times siyang wala sa mood…basta mas malala pa sa pagiging suplado,” pabulong na sinabi sa’ken ni Thea. Mukha namang sincere, pero hindi ako sure kung gusto niya ba kong takutin o ano. Sabagay, kahit hindi naman niya ko takutin, nag-three times na yung kaba at nerbyos ko, ngayong wrong timing pa yung first day of training ko sa kanya. Parang death anniversary ko rin ngayon. Hindi ko lang alam kung eto yung una o eto na yung huli. Ang pagkakaiba lang e yung diwa ko lang ang patay. “Hindi ka na namin matutulungan sa part na yan. Ang maa-advice ko lang e iwasan mo na lang masira yung mood niya. Alam mo naman na siguro yun, matanda ka na…”

Oo, alam ko yung part na manahimik na lang at kalimutan huminga ng ilang oras. Pero hindi ko alam kung magiging okey ang lahat ng kilos ko tsaka yung pasulpot-sulpot na tanong. Syempre di ko rin naman agad mage-gets yung ituturo niya ng instant. First job ko nga e.

Kung hindi ba naman ako inulan ng kamalasan, natapat pang death anniversary ang training ko. ‘Ba naman yan? Ano ba nagawa kong mali? Ba’t parang nagsabay-sabay ang thesis at final exam ko ngayon?

“Nakakatakot nga siya kausapin kanina. Alam mo yun, yung feeling na gusto mo siyang tanungin ng kahit ano pero nagdadalawang-isip ka, kaso sa sobrang pagka-curious mo e napasalita ka na lang kahit ayaw mo naman talaga? Ayoko lang naman isipin niya na hindi ako approachable..” nahihirapan akong ubusin yung hotdog sandwich. Hindi ako busog, for sure. Nauunahan lang ng hangin yung sikmura ko sa kaba.

“Ang suspense no? Ganun lang talaga yun. Kung uunahan ka ng takot sa kanya, talo ka. Pero kung dedemahin mo lang, baka nga manalo ka pa sa kanya.”

“E kaso, nabara naman ako. Pahiya tuloy ako.”

Nangiti lang si Thea. Kumagat na lang ako ng sandwich. Malaking kagat. Gusto ko ng ubusin tong pagkain ko na parang wala namang lasa. Meron pala, yung tinapay. Parang luma. O yung dila ko lang talaga ang parang nilalagnat kaya ganto panlasa ko?

May ilang segundo muna kaming walang kibuan ni Thea. Nakakunot kasi ang noo sa cellphone. Hindi ko sure kung text o sa FB.

“Pano ba siya makipag-usap nun sa mga trainee niya?” naitanong ko pagkalapag na pagkalapag niya ng cellphone.

“Normal na tao naman. Hindi naman siya totally nakakatakot kausap. Simple lang. Straight forward. Wala ng paligoy-ligoy pa. Hindi naman siya mabilis magsalita. Hindi ka rin niya tatanungin kung naintindihan mo ba o kung nakakasunod ka pa. Alalay naman yung pagtuturo niya. Hindi bara-bara tsaka hindi yung tipo na parang walang pake. May professionalism naman. Just make sure lang na nakikinig ka at iniintindi mo talaga siya. Madali lang mainis yun pag paulit-ulit yung tanong tsaka masyadong matanong. Yun. Iritado siya sa makulit. Yung unang trainee niya, ganun ang nangyari. Sa sobrang inis ni Red, hindi na siya kinausap. Hinayaan na lang niyang panuorin siyang mag-process. ‘Basahin mo yung e-mail ko’, yun yung madalas niyang sagot kapag nagtatanong ulit…”

Tsk tsk tsk. Kung pwede lang mag-inom ng alak sa loob ng production, baka naka-dalawang bote na ko.

Nai-imagine ko na yung eksena namin mamaya: nakatitig lang ang mata ko sa monitor habang yung tenga ko e walang ibang pakikinggan kun’di yung boses ni Red pati yung kabog ng dibdib ko. Bahala na kung mag-malfunction yung ibang organ ko.

Pinilit kong ubusin yung pagkain ko. Kelangan ko ng carbohydrates para mamaya. At dalawang kape. O tatlo. Bahala na. Kahit ma-overdose na ko sa caffeine, wag lang mawala ang focus ko mamaya.

“E pano kung gusto ko mag-CR? Pano ko magpapaalam sa kanya?”

“E ‘di sabihin mo girl. Hindi naman kelangan ng gate pass para dun no. Kaloka ka.” Medyo natawa siya. Oo nga naman. Ba’t ko pa kasi naisip itanong yun?

“Nga pala, pano ko naman malalaman yung timing ng pagtatanong ko about dun sa misyon ko?”

Nangiti siya. “Ikaw ang makakaalam niyan. Pag feeling mo ready na siya magkwento. O kusa na rin siyang nagkukuwento, na malabo namang mangyare, e saka ka tsumika-tsika sa kanya pa-onti-onti. Yung hindi naman obvious. Take it nice and slow. Baka kasi mahalata niya yung pakay mo sa kanya, masuntok ka pa ng wala sa oras.”

“Ganun? Nanununtok talaga siya?”

Natawa siya. “Patola ka naman. Joke ko lang yun, ‘to naman.”

                Malay ko ba?

Dumating na rin si Daph. “Mukang seryoso yang pinag-uusapan niyo a? Hulaan ko, si Red yan no?”

“Nagtanong ka pa. Sino pa nga ba?” hinawakan niya ito sa braso saka hinila palapit sa tabi niya. “Bakla, knowing ko na kung bakit halfday si papa Red…”

“Ano daw ang reason?” inilapit nito ang upuan sa tabi ni Thea saka nilapag ang hawak na plastic.

Sinenyasan nitong lumapit sa kanya saka bumulong. Gaya ng inaasahang reaction, gulat din si Daph na napahawak pa sa bibig habang nakanganga. Umabot pa ata sa bunbunan yung kilay.

“Ngayon ba yun?” dinukot nito ang cellphone sa bulsa. Parang tumingin sa calendar. Tumango lang si Thea.

“Meaning…?”

“Not sure, pero tingin ko e dumaan muna sa sementeryo. Lam mo na…”

“Haaay, kaya pala. Ang sad naman. Kawawa naman ang tropa natin. One year na pala. Bilis ng panahon. Parang kelan lang kasabay pa natin siya mag-break.”

“Kung andito lang siya sa tabi ko, baka sinuper-hug ko na siya.”

“Siyempre makiki-hug din ako sabay kiss sa noo niya para full moral support ang lola mo.”

E ako? Anong gagawin ko? Kakanta?

“E ikaw girl anong gagawin mo kung nandito si Red ngayon?” tanong ni Daph sa’ken.

Kakanta ng ‘My Way’ tapos bahala na siya kung babarilin niya ko. “Hindi ko rin alam e. Di naman kami close.”

Nag-make face na lang yung dalawa na parang nag-agree na rin sa sinabi ko. Pinansin naman ni Thea yung dala ni Daph na ngayon lang niya ginalaw. “Ano yan?”

“E di ano pa, foods.”

“Ano nga?”

“Siopao tsaka siomai. Nagutom ako sa ginagawa ko….” inilabas na nito yung siopao saka biniyak sa gitna. Inalok namin kami na pareho naman naming tinanggihan.

“Kahapon yan din binili mo di ba?”

“Yaan mo na bakla. E pang-kahapon din yung mga tinatapos ko e.” medyo natawa kami. Maya-maya ako na ang binalingan. “Anong oras daw training mo?”

“Ala-una pa naman.” napatingin siya sa relo niya. Napatingin na rin ako sa cellphone ko. May sampung minuto pa ko para mag-ipon ng oxygen. Ay mali, ilang minuto na lang pala. Kelangan ko muna ilabas ang ihi ng maaga tsaka mag-toothbrush. Hindi ako bad breath. Baka lang maaga mapanis laway ko, kung saka-sakali.

“E ba’t nandito ka pa? Puntahan mo na yun girl. Aakyat ka pa. Magre-retouch ka pa.” nagligpit na rin ako ng kalat saka automatic ng tumayo habang nagsasalita si Daph. Nagpaalam na rin ako sa kanila saka dire-diretsong lumakad pa-elevator.

Mabilis akong pumasok ng elevator pagkabukas ng pinto. Medyo punuan na yung loob, pero siniksik ko pa rin ang sarili ko. Saka ko lang napansin na ‘down’ pala yung elevator! Lagot na! Sa ground floor pa ko pwede bumaba, pambihira!

Ano ba naman yan? Kung kelan ka nagmamadali saka naman…ay naku talaga Miracle ang shunga-shunga mo talaga!

Pagkababa ng ground floor, pumwesto agad ako sa tabi ng elevator button. Nagpasukan naman yung mga paakyat. Tinamaan ng tripleng kamalasan, lahat ng ground level pinindot! O my god! Magra-roundtrip pa ata ako neto!

Ngayon ko gusto bumagal ang oras. As in now na! Lord, pabagalin niyo kahit konti sa ngalan ng training ko!

Nahalata ata nung mga kasabay kong nagmamadali ako. Mas nagmamadali pa sa nagmamadali yung kilos ko. Panay ang dasal ko na sana bumilis pa yung pag-akyat ng elevator. Bawat bukas ng pinto, pinipindot ko agad yung ‘close button’. Yung pindot na pa-obvious na nagmamadali. Wala akong panahon sa atensyon nyo ngayon, okey? Maldita na kung maldita!

5th floor pa lang, pero feeling ko isang oras na yung lumilipas.  Nakakainis, parang every five minutes ata ang tinatagal ng elevator bawat floor. Ang babagal pa nung mga lumalabas. Bilis-bilis po onte po, ano po?

Rereglahin ata agad ako ng wala sa oras sa eksena ko ngayon. Lahat na ng pwede kong maramdaman, nagsasabay-sabay na sila. Konti pa, maiiyak na ko sa pagka-engot ko! Kung bakit naman kasi hindi ko agad napansin na pababa pala yung elevator. Yung mga kasabay ko naman di man lang sinabi kung pababa ba. Kasalanan talaga nila to!

Hindi pa man totally nakabukas yung pinto ng elevator, lumabas na agad ako saka halos pa-jogging na dumiretso ng locker room. Tiningnan ang oras: 3 minutes na lang ala-una na! Kinuha agad ang beauty kit, lahat-lahat na ng pwede kong dalin. Muntik ko pang mabitawan yung cellphone ko pagkasara ng locker. Napatingin naman yung mga nakakakita sa’ken. Pilit na ngiti yung sagot ko sa curiosity nila. Dire-diretso ako sa CR. Saka ako biglang parang naihi na ewan sa nakita: ang daming nagre-retouch!

Magtu-toothbrush pa ba ko?

 

(Click here to continue reading..,)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!