Fix You (Chapter 13)

Fix You“Oy, di mo ba ko narinig?” tanong niya ulit. Narinig ko naman talaga siya. Nagpanggap na lang akong kunwari hindi ko naintindihan ‘yung tanong niya. Baka sakaling ibahin niya ‘yung tanong.

“Ano yun?”

“Aaa…so hindi mo pala narinig. Magaling…magaling. Kanina pa tayo magkausap dito, ‘yung huling tanong ko pa ang hindi mo narinig…” Sinalinan muna nito ng alak ang baso saka nagpatuloy. “Fine. Uulitin ko. Baka nga nabibingi ka na dahil sa iniinom natin. So, bakit mo sinabihan ng bastos si Red?”

Curious talaga siya. Hindi ko pwede ibahin ang topic. Baka isipin niya may tinatago ako. Pero gusto ko naman talaga itago. Alam kong hindi hindi nya magugustuhan ang sasabihin ko, pero ano pa bang magagawa ko? Checkmate na ko. Ano pang pwede kong i-sugar coat sa ‘binastos’ ako ni Red? Minanyak? Baka bigla niya kong sabunutan.

Hay, bahala na nga. Dagdag-bawas na lang ako.

“Si…Red kasi…” ininom na niya yung tagay, sinalinan ulit saka pinatong sa harap ko. Good timing. Sa-shot muna ko.

“Si Red nga, alam ko. So ano nga? Gusto mo bang ako pa mag-imbento ng eksena niyo o magsasabi ka?”

Ini-straight ko ang tagay sa takot. Mukhang seryoso na talaga siyang malaman yung nangyari kanina. Hindi rin naman ata matatapos ang inuman na ‘to ng hindi niya nalalaman ‘yung nangyari kanina. Na sana talaga hindi na lang nangyari. Kung bakit naman kasi sa dami ng puwede niyang manyakin e ako pa. Ngayon, para akong eng-eng dito.

“Hinalikan niya kasi ako…kaya nasabihan ko siyang bastos…”

Di siya kumibo. Tinuro niya yung hawak kong baso. Pinasa ko sa kanya sa kanya sinalinan ulit. May ilang segundo kaming tahimik bago siya nagsalita ulit. “Sa tingin mo ba, maniniwala akong halik lang ‘yung ginawa niya sa ’yo para sigawan mo siya ng bastos?”

“Y-yun lang naman talaga…”

“Yun lang? As in yun lang?” tinapik-tapik nito ng kaliwang kamay ang noo. “Ow yes. I totally forgot. VIRGIN ka nga pala. Ang tanga ko talaga. Ang tanga, tanga, tanga ko talaga. And YES, NBSB ka nga pala. Nagtaka pa ko. Nagtaka pa ko, kung bakit ‘yung simpleng halik lang niya e sinabihan mo na siyang bastos…” tonong sarcastic. Saka siya tumagay. Inayos-ayos nito ang buhok after humangin nang malakas. Naramdaman ko bahagya ang lamig ng hangin kahit nagsisimula na namang uminit ang katawan ko.

Hindi talaga ako marunong magsinungaling. Bad trip.

Ayoko naman ikwento sa kanya yung buong detail. Nakakahiya. Baka kumalat pa sa office, maging topic pa ko.

“You know, for the record, hindi ako engot. Hindi rin ako lasing. At lalong hindi ako tanga para maniwala sa ’yo. C’mon, why don’t you just tell me na hinipuan ka niya or something para sabihan mo siya ng bastos? Or should I say, minanyak ka ng gagong yun, right?”

Galit na siya. Ramdam ko na ang pagkainis at galit niya. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya sa ’kin dahil binastos ako ni Red o nagagalit siya dahil nagseselos siya?

Puwede sigurong both.

Medyo padabog siyang nagsalin ulit. Sa ’kin na dapat ang tagay, pero mabilis niyang ininom ang kakasalin lang na alak. Sign na galit na nga siya. Natatakot na ko sa susunod na eksena. Either awayin niya ko dito o magwala na siya. Sana naman walang magising. Ayoko ng eksena dito. Nakakahiya. For sure kasi aabot ‘to hanggang office. Nandito pa man din si Miss Donna.

Sana lang makalimutan niya ‘tong conversation na ‘to pagbalik sa office.

“I know you’re lying. But it’s okey. Kung ano man ang reason mo, fine. All I’m saying is…alam ko ang kamanyakan ni Red. At hindi lang halik ang pwede niyang gawin lalo na kung lasing na siya, believe me. Wanna know why? Because that stupid shit took advantage of me nung lasing din ako.” salin-tagay ulit siya. Sosolohin na ata niya yung alak. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o dapat na kong mag-worry.

Manyak talaga siya pag nakainom. Habit na nga niya siguro. Pero magkaiba naman kami ng sitwasyon ni Thea ngayon. Mutual sila, kami hindi. Baka yun na din yung reason kung bakit minanyak din siya. Kaya nga siguro nag-take advantage.

Sumandal na siya sa pagkakaupo saka nagsalita ulit. “San ka ba niya hinalikan? Sa noo? Sa pisngi? Sa lips? Pero malabo naman sa lips. Virgin ka pa. Malay ko kung nahalikan ka na sa lips. Malay ko lang naman. Pero kung hindi pa, baka sinampal mo na siya at umiiyak ka ngayon. Unless…nagustuhan mo.”

Nagustuhan? Hindi ko alam. Siguro. Baka nga ganun. Hinayaan ko kasi siyang samantalahin niya katawan ko. Pero hindi rin. hindi talaga.

Actually wala sa binanggit mo yung part na hinalikan niya ko. Sa batok at tenga kasi. At malikot ang kamay niya kaya pati dibdib ko napagdiskitahan niya. In terms of nagustuhan, walang ganun. As in wala. Lasing na ko, or bangag na, yun lang. Muntik-muntikan pa yung ano ko kaya nasabihan ko na siyang bastos. Yan ang totoong nangyari. Pero dahil ayoko ng issue e mananahimik na lang ako.

“Sa pisngi lang naman…”

“Tss…yeah right. Pisngi LANG naman. At ano ba naman ang halik sa pisngi. Halik tropa.” sarcastic na tawa. “Mga limang beses na halik sa pisngi ba kaya mo siya nasabihang bastos?”

Wala na. Makulit na siya. Ibang Thea na kausap ko. “Dalawa lang…”

“Dalawa? Bakit, anong nangyari sa unang kiss? Keri lang? Okey lang? Isa lang naman e. E umulit si gago. Hindi ka kasi nag-react. So, pag inulit na, bastos na? Pano kung tatlo na? O apat? Pano pa kung sa lips ka hinalikan? Hindi ka na virgin?”

Hindi na ko nakakibo. Lasing na siya. Baka lasing na siya, kasi iba na yung tono ng pananalita niya.

Saglit ulit kaming hindi nagkibuan. Nilaro-laro niya yung yelo sa baso. Paubos na rin ang alak. Sana patapos na rin ang usapan na ‘to. Natatakot na ko talaga. Inaalala ko na baka may magising na. Imbis na matapos na e baka humaba pa lalo. Iintrigahin at uusyosohin kami.

“Nakalimutan mo na ba agad yung rule number one sa mission mo sa kanya?” tanong niya sa mahinahong boses. Buti naman kinakalma na niya sarili niya. Ang totoo nyan kanina pa ko naiihi sa takot at kaba. Ayoko ng away.

“Hindi ko naman nakalimutan, wag ka mag-alala.”

“Good. Sana nga…”

Pinuno niya ang baso saka mabilis na tinagay. Matapos ilapag ang baso, tumayo na rin siya saka dire-diretsong pumasok sa tent nila. Naiwan naman akong parang wala lang nangyari. Parang siningit lang yung eksena namin kanina.

Dalawang magkasunod na buntong-hininga ang unang reaction ko ng masiguro kong nakapasok na sa tent si Thea. Kakabog-kabog pa din ang dibdib ko sa takot. Iba pala talaga pag nakainom na si Thea. Lalo na si Red. Lumalabas ang tunay na pagkatao.

Anong oras na ba?

Humina na ang ulan. Tumayo ako saka nag-inat-inat. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nahihilo pa ko. Parang hindi na. Natunaw na sa takot at kaba ang alak sa katawan ko kaya mukhang okey na ko. Hindi okey dahil ramdam ko pa rin ang tension kanina.

Lumakad ako bahagya palayo sa tent para magtingin-tingin. May naaaninag akong iilang tao na naglalakad sa di kalayuan. Sa kaliwang bahagi ng dagat e meron akong naririnig na mahinang tugtog. Sa kanan naman e meron pang bonfire na nakasindi. Curious tuloy ako kung pano naka-survive sa ulan ang apoy.

Inaantok ako pero hindi ko alam kung saang tent ako hihiga. Hindi na ko babalik sa puwesto ni Red. Ayoko naman sumilip-silip sa mga tent, kung may bakante man. Baka kung ano pa makita ko.

Problema ko, parang hindi ko kakayanin ang lamig. Medyo giniginaw na ko. Nasa bag ko pa man din yung shoal ko.

Lumalakas ulit ang ulan. Patay.

Wala akong choice, babalik ako sa tent. Hindi naman na ko inaantok kaya sa cottage na lang ako magpapalipas ng oras. Kelangan ko lang sa ngayon yung shoal para maka-survive ako kahit papano. Or mas maigi kung mag-doble na rin ako ng damit.

Dahan-dahan kong sinilip ang tent nila Mikai. Tulog na tulog na sila, ewan lang si Thea. Buti’t nasa bandang paanan lang ‘yung bag ko. Madaling damputin.

Umupo ako saka kinalkal ang bag ko. Hinanap ang cellphone para gawing flashlight. Alas tres na rin pala. Masyado pang maaga. May dalawang sms galing kay Gab.

HEY, DI KA NA NAGPRAMDAM. SOBRANG ENJOY KA NA ATA JAN A. TAKE CARE.

BZ NA NGA SIYA. REPLY K NAMAN KHIT 1 LNG. NGWO2RRY LANG AKO, OK? MIZ U.

Mamaya na lang ako magre-reply. Di rin naman niya agad mababasa text ko.

Nang makuha ang t-shirt at shoal, binalik ko agad sa loob ng tent ang bag. Binitbit ko na rin ang cellphone para may magpalibangan. Wala naman akong ibang pwedeng gawin sa ngayon kun’di tumunganga at magpatay ng oras kakaantay sa araw. Tulog pa sila. Hindi ko alam kung anong oras sila magsisi-gising.

Sa sulok ng cottage ako pumwesto kung saan nakataas ang mga paa ko. Sinuot ko na rin ang t-shirt saka kinumot ang shoal mula balikat hanggang sa tuhod. Medyo okey na kumpara kanina. Feeling ko nga makakatulog na ko sa posisyon ko ngayon.

Naalala ko na naman yung eksena kanina sa tent. Nailang na tuloy ako kay Red. Iba pala siya pag nalalasing. Namamansin nga, iba naman ang trip. Abusado. Child abuse. Pambihira. Ayan tuloy, galit na sa’ken si Thea. Di ko tuloy alam kung magkikibuan pa kami sa mga susunod na araw.

`Nakaidlip ako kakaisip ng kung ano-ano. Nagising na lang ako ng maramdaman kung umalog ang upuan. Gising na yung ibang mga kasama ko. Pagtingin ko sa cellphone, maga-alas singko na. Grabe, ang haba na pala ng idlip ko. Siguro dahil na rin sa lamig at nakainom.

Binati naman ako ng mga kasama ko ng good morning ng mag-iba na ko ng posisyon. Nangalay ang hita at tuhod ko kaka-maluktot sa lamig. Medyo masakit din ang batok ka sa pagkakasandal. Nakita ko si Mikai, nakatayo sa tapat ng tent nila.  Parang tulala na ewan. Hindi gumagalaw e. Di ko alam kung san nakatingin.

Tinatamad pa kong tumayo kaya nanatili na lang ako sa pwesto ko habang pinapakinggan ang kwentuhan ng mga kasama ko. Wala naman silang ibang topic kun’di yung inuman kagabi. Kung sino yung mga maaga nalasing, madaya sa tagay, malakas mamulutan at kung sino-sino yung nagdrama. Ayun, tawanan sila kahit ang aga-aga pa. Nagbu-blue na rin ang langit, pero maulap pa rin. Tumigil na rin ang ulan, pero tingin ko uulan ulit mamaya.

Gising na rin si Sir Ricky na gulo-gulo pa ang buhok. Binati rin siya ng good morning ng mga kasama ko. Kasunod nun si Miss Donna. Nagrereklamo, ang sakit daw ng ulo niya. Isang lalake ang nag-abot sa kanya ng tubig. Tawanan naman sila. Medyo natawa na rin si Miss Donna at saka kami binati. Maya-maya lumapit na sa pwesto ko si Mikai. Nakabalot ng tuwalya ang katawan.

“Dito ka natulog?”

 

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!