Fix You (Chapter 12)

fix-you

 

Mas lalo pang inilapit ni Red ang mainit niyang katawan sa ’kin. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang paghinga kahit malakas ang buhos ng ulan. Hindi ako makapalag sa kinikilos niya. Gusto ko siyang pigilan, pagsabihan o bawalan pero wala akong sapat na lakas para dun.

 Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa batok ko na minsang lumilipat sa bandang balikat. Medyo nakiliti ako kaya bigla akong napabalikwas, dahilan para matigil si Red sa ginagawa niya.

Lasing na talaga ako. Or baka bangag na. Wala na kong lakas para komprontahin o kwestyunin man lang ang katabi ko kung bakit niya ginagawa sa ’kin ‘to. Gusto ko nang maniwala na hindi talaga maganda ang epekto ng alak sa tao. Gusto ko na rin maniwalang marami nga ang nangyayaring unexpected tuwing may inuman.

Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan. Maingay ang mga patak sa ulunan ng tent pati na sa buhanginan. Maya’t maya rin ang ihip ng hangin kaya lalong lumalamig. Tinatalo na ng lamig ang katawan ko, hindi na umubra ang init ng alak. Nakatulong man temporary ang pagyakap ni Red, pero ramdam ko pa rin ang ginaw.

Ano bang nasa isip ng lalaking ito at pati ako napagtripan niya?

Hindi. Hindi siguro. Wala. Wala siyang gusto sa ’kin.

Wala talaga. Wala. Nataon lang na ako ang kasama niya dito sa tent. Kung si Thea o Daph, baka ganun din ang gawin niya. O kahit na sinong babae. Oo, sure ‘yun.

O baka naman sinadya nilang dito talaga ako matulog?

Minanyak ako ni Red pero wala akong ginawa para pigilan siya. Ayokong isipin na nagustuhan ko ang ginawa niya. Sinamantala niya ang pagkalasing ko. Wala lang talaga akong lakas para pigilan siya.

Pero bakit hindi ko magawang magsalita o pumalag kahit konti?

Binastos niya ako. Hindi ko siya boyfriend. First time nangyari sa ’kin ‘to. Lasing…o bangag ako — pero bakit ganun?

Bakit wala akong ginawa para pigilan siya?

Kasalanan ko rin yata kung bakit tinuloy-tuloy pa rin niya ang pangma-manyak niya sa ’kin. Hindi ko kasi siya pinigilan. Hindi kasi ako nag-react.

Baka nga. Baka ganun ang inisip niya. Na baka gusto ko rin ‘yung ginagawa niya kaya hindi siya tumigil.

O baka inisip niya na may gusto ako sa kanya.

Shit

Ganun ba yun?

Bawal ma-in love.

Hindi ko nakakalimutan.

Miracle ako. Miracle ako. Miracle ako.

 

Sa pagpa-panic e mabilis akong humarap sa kanya saka siya sinampal nang malakas!

“Bastos ka!” at isa pang sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya. Hindi siya umiwas. Hindi man lang niya sinangga ang sampal ko. Nakatingin lang siya sa ’kin. Hindi niya siguro naramdaman ang sampal ko sa pagkalasing niya.

Yung galit ko ang nagpahimasmas sa ’kin kaya nagawa kong tumayo at lumabas ng tent. Gegewang-gewang akong lumakad papunta sa cottage. Hindi ko na inisip ang buhos ng ulan. Sinalo ng katawan ko ang malalakas na patak ng ulan, na lalong nagpababa ng tama ng alkohol sa katawan ko. Gusto kong maglakad-lakad para makahinga nang malalim, pero baka kung saan ako mapadpad. Nagpalakad-lakad na lang ako sa gilid ng cottage. Hinayaan kong mabasa ako ng ulan.

Bastos. Walang modo. Manyak.

Kung hindi siguro ako nanlaban, baka kung san kami umabot. Good thing pinigilan ko siya. E ‘di nasampal ko siya!

Mabuti nga sa kanya.

“Anong trip mo at nagpapaulan ka?” gulat ko. Boses galing sa cottage. Sinilip ko: si Thea.

Shit, narinig niya kaya yung kanina? Napalakas pa naman yung sigaw ko kanina kay Red.

Wag naman sana.

“Uy, andyan ka pala?” pumasok na rin ako sa cottage saka lumapit sa puwesto ni Thea. Balot ng kumot ang katawan niya habang hawak-hawak ang plastic cup, na kung hindi ako nagkakamali e alak ang laman. Uupo sana ako kaso nakaramdam ako ng awkward.

“Hindi mo sinagot yung tanong ko…”

Suplada. Sabagay, hindi ko nga naman sinagot. “Nagpapababa lang ako ng tama. Nahihilo pa rin ako e.”

Saglit siyang uminom saka nagsalita. “Ba’t di mo na lang tinulog? Hindi yung para kang disabled na nagpapalakad-lakad sa ulan.”

Gusto ko sana ikwento yung tunay na reason kung bakit ako nagpaulan, pero baka ako naman ang sampalin niya. Ngayon pang nalaman kong may history pala sila ni Red. Pero sana lang talaga hindi niya narinig yung kanina. “Nagising ako sa lamig. Nauuhaw din kaya bumangon ako.”

Nilapag nito sa mesa ang hawak na baso saka nagkibit-balikat. “Nauuhaw ka pero inuna mo magpaulan? Praning ka ba?”

Ano ba yan? Pamali-mali naman sagot ko. Hindi talaga ako marunong magsinungaling. Eng-eng ko talaga.

Pero mas okey na ‘yung ganung sagot. Hindi niya magugustuhan yung tunay kong reason.

“Ano iniinom mo?” change topic na.

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!