Fix You (Chapter 11)

fix-youUmidlip ako saglit matapos namin maglakad-lakad at mag-picture-picture after mag-lunch. Lumabas na ang nakatagong antok at pagod sa katawan ko kaya hindi ko na kinaya. Inaya ako nila Mikai na lumusong muna saglit sa dagat pero tumanggi ako. Hinayaan ko na lang muna sila mag-enjoy.

Nagising ako sa patak ng ulan na tumatama sa paa ko. May halos isang oras na din ako nakakaidlip ng biglang umulan. Hindi naman ganon kalakas. Paglabas ko ng tent, makulimkulim ang langit. Yung ibang mga kasama ko, nakatambay sa malaking cottage. Naglalaro ng baraha habang nakikinig ng music. Sinilip ko yung ibang tent: may mga natutulog din. Wala sa paligid sila Mikai. Wala rin si Red.

Makapag-banyo nga muna. Magpapalit na rin ako ng damit pan-lusong.

Wala naman ganong pila sa banyo kaya nakapagpalit din ako agad. Matapos ayusin ang gamit sa tent e naglakad-lakad na rin ako para hanapin sil Mikai. Pero hindi ko alam san banda sila hahanapin. Maraming tao sa dagat. Mas dumami na kumpara kanina.

Sinimulan ko ng maglakad-lakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Susuyurin ko na lang ang buong dagat dulo-dulo. For sure hindi naman sila lalayo.

Sa batuhan kung saan kami unang nag-pictorial dun ko nakita sila Mikai. Magkakatabi silang nakaupo sa malalaking bato, habang nagyoyosi naman si Daph. Kinawayan nila ako na sinagot ko din naman ng kaway.

“Finally, gising na ang prinsesa ng tulog…” bungad ni Mikai sa ’ken habang nakakibit-balikat pa.

“Sorry na. Antok na antok ako e.” sagot ko pagkalapit ko sa kanila. Inalalayan naman ako ni Daph para makaakyat sa tabi nila.

Maganda ang nakuha nilang pwesto para tambayan. Halos kita na ang buong isla at dagat mula sa itaas. Pero mas maganda sana kung hindi gaano nag-uulan. Kitang-kita ang linaw ng tubig.

“Napansin mo si Red?” tanong ni Daph pagkaupong-pagkaupo ko. Umiling lang ako.

Humitit siya ng yosi saka dahan-dahan bumuga. “Kanina pa din namin siya hinahanap. Kanina nakita namin siya naglalakad-lakad kasama ni Miss Donna.”

Hmm…holding hands? 

“Andyan lang yun sa tabi-tabi for sure. Nakikipagkwentuhan ulit. Hindi ko rin kasi siya napansin kung umidlip ba siya. Wala siya dun sa pwesto natin.”

“Yaan nyo na. Di na kayo nasanay. May sariling mundo yun.” Si Thea. “Teka, di ba may binili tayong alak?”

“Meron nga. Andun sa may cottage. Sa likod. Nilagay ata nila sa cooler.” Si Daph ang sumagot.

“Ano binili nila?”

“Red Horse tsaka GSM blue…”

“Patayan pala e. Bangag-bangag na naman tayo neto bukas.”

“Loka ayoko ng ulitin yung nangyari next year. Ay naku, sumpa talaga yun. Hindi ko alam kung pano pa ko nakauwi nun. Buti na lang to the rescue si papa Red.” Sab ni Mikai.

“Mukha mo! If I know e gustong-gusto mo namang inalalayan ka niya sa sasakyan. Buti nga hindi ka sinapak nung hinalikan mo sa pisngi e.” si Thea.

“Bakla kasi nga lasing ako. Understood na yun.”

“Hindi ka lasing. Basag ka, FYI.” Si Daph.

“E nakakaloka naman kasi ‘yung inuman na ‘yun. Mga galit ata sa alak. GSM, tequila tapos Emperador pa. Muntik ko na maisuka pagkababae ko kung hindi lang talaga ako sinagip ni Red.”

“Huuu, e bigla ka rin naman nawala.”

“Lasing na nga kasi ako friend. Ow, sorry. BANGAG na ko nun. Di na talaga kaya. Muntik pa ko matulog sa buhangin nun. Akala nga nila patay na ko.” medyo natawa kami. “Ikaw girl nainom ka ba?” tanong ni Mikai sa’ken.

“Hindi gaano.”

“Paanong hindi gaano? Hindi gaanong umiinom o hindi gaano namumulutan?” magkasabay na nangiti si Thea at Daph.

“Bihira ako uminom e. Tapos konti pa.”

“So hindi mo pa na-try malasing?” si Thea. Iling lang sagot ko.

“As in never pa?” iling ulit.

“Ano ba iniinom mo?” si Daph.

“Beer lang. Lights, ganun. Ayoko ng hard e. Di ko kaya. Nahihilo ako agad sa amoy.”

“Ilang bote kaya mo?”

“Isa lang. Madali ako malasing e.”

“Sabi mo, hindi ka pa nalalasing?”

“Oo nga, yung as in lasing na lasing. Isang bote lang kasi nahihilo na ko. Hindi talaga sanay. Ayoko kasi ng lasa.”

“Yosi?” umiling lang ako.

“E good girl naman pala ‘tong friend natin e…” si Mikai.

“Don’t tell me drugs ang trip mo?”

“Hindi a…” mukha ba kong adik?

“Hindi ka naman ba nabo-bored sa buhay mo? Tingnan mo girl, wala kang bisyo. Wala kang love life…” napatingin siya sa katawan ko. “In fairness may itsura ka naman, PERO wala ka rin dede. Hindi kaya may sumpa buhay mo?” natawa kami. Lalo kaming natawa sa reaction ni Daph na maubo-ubo sa pagbuga ng yosi.

“Lang’ya kang bakla ka hinay-hinay sa banat! Muntik ko na makain yung usok!” maubo-ubo pa rin si Daph. Natatawa pa rin kami. Nakalimutan ko na nga yung insulto sa’ken ni Mikai. Sakit ng panga ko kakatawa. Bwisit si bakla talaga!

“Tingnan mo si mareng Daphney. Nagyoyosi. Feeling lalake kasi bigo sa love life, PERO may dede. O di ba balance lang?” tawanan ulit. Lalong sumakit panga ko. Hindi ako makahinga. Akmang babatuhin naman ng yosi si Mikai ni Daph kun’di lang hinawakan sa kamay.

“Gaga ka pati dede ko nakita mo pa. E pano pa yang kay Thea?”

“Yaan mo siya. Wala din naman love life yan. Balance din.”

“Yabang. Makapagsalita kala mo may love life. Wala din naman dede.”

“Hindi ko naman sinabing masaya buhay ko a?” sakit na ng tiyan ko kakatawa. Nagla-lock na panga ko.

“Wala na hindi na nakasagot ang tropa natin. Mamamatay na kakatawa. Ikaw naman kasi, binaon mo naman sa kahihiyan.” si Thea. “E sa good girl ang peg niya ano naman sa’yo?”

“Good girl? San banda? Loka ka malay ba naman kung dati kang lalake.” Banat ulit ni Mikai. Tawanan ulit.

Oo nga no? Parang ngayon ko lang din na-realize na ang boring-boring ng buhay ko.

Hindi ko rin naman sure kung magiging makulay na buhay ko agad ‘if ever’ magka-love life na ko. Kwento kasi sa ’kin ng mga tropa ko minsan sakit daw sa ulo. Puro problema. Pero masaya naman daw. Siguro nga. E hindi ko rin naman maramdaman na magiging masaya ako kung maging kami man ni Gab. Yun nga yung reason kung bakit hindi ko siya sinasagot. Mahirap sumugal.

Hindi ko naman inisip na boring ang buhay ko, though minsan parang ganun na nga. Wala akong barkada na lakwatsero/a. Wala akong bisyo, at ayoko magkaron. Masaya naman ako kahit paganto-ganto lang ako. Nagtatrabaho na ko, may silbi na ko at hindi na ko tambay. So tingin ko okey na yun. Kahit wala ganong entertainment.

Tumigil na din ang ulan. Nagkayayaan na din maglakad-lakad, at siyempre picture-picture. Nakita na din namin si Red, nakatambay sa loob ng bangka kausap si kuyang bangkero pati yung anak niya. Nagkatinginan kami. May hawak-hawak silang bote ng alak maliban sa bata. Mukhang masarap ang kwentuhan nila, kahit seryosong-seryoso pa rin ang mukha ni Red.

“Aga uminom ng tropa mo o…” sabi ni Daph.

“Anong oras pa lang ba?” tanong ni Thea.

“Mag-aalas dos pa lang,” sagot ni Mikai pagkatingin sa cellphone. “Yaan n’yo na siya. Atlis alam natin kahti papano e ine-enjoy niya yung bakasyon natin. Kesa naman maglakad-lakad yan sa buhanginan na parang adik. Wala na naman kausap. Magmumuni-muni sa dagat. Magpapaka-loner at magi-emo…”

“Oo nga bakla. Ayain mo nga uminom mamaya.” Si Daph.

“Ay naku, kayo na lang. Asa pang sasama sa’ken yan. Si Thea ang tanungin mo. Baka gumana yung beauty factor at suso niya.”

“Loka kahit ibuyangyang ko suso ko sa mukha niya kung talagang loner na siya e useless.” Sabi ni Thea.

“Buyangyang talaga? Hindi mo pa nga na-try e. Malay mo naman. Marupok din yang tropa mo no? Hello?

Nakalimutan mo na bang lalake din yan? Mahilig din sa suso. As if nakalimutan mo na rin yung history n’yo…”

Nagkatinginan kami ni Daph. Tapos silang tatlo. Biglang awkward.

“Gaga kang bakla ka wag mo ko simulan a. Di pa ko nakakainom,” biglang banat ni Thea.

“Sorry, oo nga pala. Pang-alak portion nga pala yung topic na yun. Sorry naman…”

History? Nila ni Red?

 

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.