“First Best Friend”

Ito ang pinaka-unang blog na naisulat ko, kapanahunan pa ng friendster. Buti na lang naisalba ko siya. Sa tuwing babasahin ko to napapangiti pa din ako at napapa-isip “Kamusta na kaya siya?”.
—————————————————————————————

Way back elementary days, I had my very first best friend. Her name is JESSICA. I call her JEC-JEC, tawag niya naman sakin JHENG-JHENG. Parehong pareho kami ng gusto, ng trip at ng ugali. Medyo boyish kasi ako nung elementary ako, at sya din.

One time, pinagti-tripan namin yung balat ng chocolate, yung aluminum foil. Ginagawa naming braces, siguro na-experience niyo na din yun. Then, after 3 weeks, nagpa-retainer na talaga kami sa dentista, trip lang. Take note, grade five kami nun ha. Syempre pag kumakain tinatanggal namin. At isang beses nilagay ko siya sa lap ko, pagtayo ko tumalsik siya! My gahd! Dun pa napunta sa paa ng teacher namin. Iyak tawa kami e. At isang araw naman may nakaaway kami; si metal face! Kaya metal face may balat siya sa muka, mga kalahati ng muka niya. Behave naman kami, eh etong metal face pinagbintangan kaming nagnakaw ng gamit niya. At napaka-angas at yabang pa; babae po siya. Kada uwian, sinusundan namin hanggang bahay nila si metal face, kunyari pagtutulungan namin sya, sabay pag sumigaw ng tulong, takbuhan na kami!

Uso noon ang ‘cleaners’ sa public school, lagi kaming naghihintayan sa kung sino ang cleaner. By row kasi and cleaners, row one ako at row two naman siya. Tapos minsan kami yung nagvovolunteer maglinis ng banyo. Nauso din noon ang walkman, kaya nakiuso din kami, favorite song namin ang nauuso noon na rap ng Salbakuta na “Stupid love”, talagang hit maker yun noon. At sa tuwing susulat kami sa slam notes at autographs ng mga classmates namin, laging di sya mawawala sa “bestfriends” ko at siya din naman sa akin.

She’s my very first best friend. Naaalala ko pa dati na lagi kami sa likod ng tricycle nakasakay, backride. Tapos isang araw naman nakaapak siya ng sigang nilalang sa daan, sabi ko “yay!tanga ka!!! naapakan mo ung t*e!”, sabi niya naman “ano naman, t*e lang yan!Naka tsinelas naman ako e’! at sabay tawa.

Siya ang nakakaalam ng mga crushes ko noon, at syempre siya din ang kasabwat ko pag-naglulumandi kami nung mga araw na ‘yon. Dati pumunta kami ng ‘Tibagan’ (bundok sa lugar namin) kasama yung mga classmates namin, ayun yung mga takbuhan moments namin. Dati nung Mr. and Ms. Valentines day, kami lang yung nasa room, nanonood kasi ng program yung iba, tapos biglang sumulpot yung classmate naming lalaki. Gusto din pumasok sa room, e ayaw namin dalawa, ayun. Bigla niya na lang nabuksan yung pinto bigla kaming hinabol ng walis tambo. Hala sigaw at takbo naman kami.

Magkapartner din kami nun sa gardening, tapos kasama din namin yung isa pang classmate naming lalaki, isiningit sa aming dalawa. Salit-salitan kami noon sa pagbubungkal ng lupa, at pagpipiko, talagang para naming inaararo yung lupa. Tapos lalagyan namin ng tali o bakuran yung property namin. Kasi inagkin na namin yun…talaga naman.

Our friendship stayed the best until we entered our Grade 6, di na kami magkaklase noon, pero nag-uusap at nagkakasama pa rin kami hanggang sa makagraduate na kami ng elementary. Pero naging malimit na lang ang pagkikita namin nung nag-high school na kami dahil magkaiba kami ng school, pero we always keep in touch pa rin kahit papano. Nagpupunta pa din sya minsan sa bahay.

Habang nagdadaan ang panahon, unti-unting nawala yung communication at connection naming dalawa. Minsan hanggang batian at ngitian na lang kami kapag nagkakasalubong sa kalsada.

I graduated in high school at nabalitaan kong bumalik siya ng isang year kaya hindi pa siya nakaka-graduate. Marami akong naging kaibigan nung high school – close friends, special friends, true friends, best friends and all. I admit na nakalimutan ko na siya, may mga pagkakataong di na kami nagkakapansinan sa daan, siguro nagkakailangan lang. It was a long time ago pa ng huli kaming magkausap. Pero gustong-gusto ko siyang batiin at kausapin, di ko naman nagawa. Hanggang sa nakita ko na lang na buntis na pala siya. Bigla na lang sumagi sa isip ko na magplano one time na pumunta sa bahay nila at kamustahin ang kalagayan niya. I was thinking then na gusto kong maging ninang ng mga anak niya. Days passed by, di ko na siya nakikita at nakalimutan ko na rin ang plano ko.

July 19,2008 – Stressful day for me, prelim exams at kailangan ko pang pumasok para sa mga major subjects ko na maagang magsisimula at magtatagal ng 9 hours.Kamusta naman yun di ba? Di na ko kumakain ng breakfast, diretso alis na at kape na lang ang ininom ko tapos ay nagbaon ng skyflakes,voice at kahit anong biscuit na meron sa bahay. Our first exam started at 7:30 AM, straight, nagtagal ng 1 and half hour. Nakakagutom tapos may discussion pa after. Habang nagtuturo si Sir Accounting sa harapan, kinuha ko yung baon kong ‘voice sandwich’ gutom na kasi ako. Sa gutom ko, pinwersa kong buksan yung voice hanggang sa sumabog at tumilapon siya. Nasaksihan yun ng mga classmates ko, at natawa sila at mamamatay na din ako sa kakatawa. Nakakahiya na nga wala pang nakain. Anyway, ayun yung pinaka-unforgettable na bagay na nangyari sakin nung araw na yun bukod sa pinakanta kami ng ‘Lupang Hinirang’ dahil walang nakasagot ng tama sa isang tanong sa recitation sa Law.

Gabi na ko nakauwi, pagkatapos kong ikwento yun sa mga tao sa bahay yung nangyari sa akin sa buong araw ay umakyat ako sa kwarto namin. Habang nagbibihis ako, narinig kong may pinag-uusapan si mama at yung tita ko na napadaan lang. May namatay daw malapit sa amin. Ako naman ‘tong nakiusyosa. Tinanong ko kung sino yung namatay, sabi ni mama “Jec-jec daw yung pangalan, apo daw ni Aling Antang at anak ni Junior” Oh God! It really shocked me! I told them and asked kung si “Jessica” ba yun tinutukoy nila. And confirmed siya nga. Super natulala ako, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Di ako makapaniwala at ayokong maniwala. Nanghina ako, hindi ko alam kung bakit ganun ung pakiramdam. Napanaginipan ko siya that Saturday night.

July 20, 2008 – Gumising ako ng siya ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali… Para akong tinanggalan ng pakiramdam na ang bigat pa rin sa loob. Dala-dala ko yun hanggang gabi at ipinilit ko na talaga kay mama na samahan akong pumunta sa bahay nila kung san siya nakaburol.

Kinkabahan ako habang palapit kami ng palapit sa bahay nila hanggang sa makarating na nga kami sa pinanaroroonan ng kabaong niya. As I walked closer, lalong bumilis yung kabog sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya, walang malay, walang buhay.

She’s very beautiful and lovely like I knew her before. She’s wearing a white spaghetti dress dahil yun daw ang favorite niyang damit. As I looked at her, nagflashback lahat ng memories. Hindi pa rin ako makapaniwala. At the top of her coffin eh may dalawang ‘voice sandwich’, that gave me a lil’ bit of curiosity. I asked her sister why at sabi nung ate niya it was the very first thing na hinihingi niya nung gabi before siya mamatay. Oh God! Yung pangyayari sa classroom…the same day na namatay siya. Is it a sign? Nagparamdam ba siya? Hindi ko alam.

At that point nagsink-in sa akin ang lahat, I’ve lost my very first best friend. Gustuhin ko man ibalik lahat ng pinagsamahan namin ay hindi na maari. Ang nakaraan ay mananatili na lang ala-ala. Hanggang ngayon ipinagdarasal ko pa rin siya. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano kaya ang pagkakaibigan namin kung nabubuhay pa siya. Hanggang isip na lang lahat, hanggang ala-ala na lang. Pero ang pagkakaibigan namin habang buhay kong ite-treasure.

‘Till we meet again Jec-Jec!

Love,

Jheng-Jheng

Photo credit: islandvacations.me

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!