Filipinos’ LOVE-HATE Relationship with Gilas Pilipinas

Di ba nakapagtataka? Alam naman ng lahat na mahal na mahal ng mga Pilipino ang larong Basketbol, pero bakit ang daming kapwa natin pilipino na sobrang makapang-bash ng Gilas Pilipinas sa tweeter o Facebook? Lalo na kapag natatalo?

Do they really hate Gilas pilipinas? Anong klaseng pilipino ang galit sa national basketball team naten? Di ba ang hirap maintindihan? Pwede bang maging supportive na lang sila sa TEAM NATEN manalo man o matalo? Nag sakripisyo naman ang mga players naten ah. Ginusto ba nila matalo? Sa tingin ba nila hindi nila binigay ang 100% nila bawat laro?

Di ba ang hirap ma-gets kung bakit sila nagagalit sa Gilas?

Ano nga ba ang mga nagiging dahilan kung bakit nagagalit ang mga tao ng sobra na kelangan nila ilabas ang kanilang sama ng loob thru social media?

Ayon sa pag aaral ng Psychology, ANGER ay isa sa mga pinaka primitive defence mechanism against PAIN (Physical or emotional) and ACTING OUT or performing an extreme behaviour para ma- express ang iyong mga sinasaloob is one way of coping to emotional pain in order to “defend” ourdelves.

Yung parang bata when they throw tantrums pag hindi nila nakukuha ang gusto nila.

Yung parang minsan nasisigawan mo Girlfriend/Boyfriend or asawa mo pag nasaktan ka emotionally.

Mas maramimg tao ang pabor sa mas PRIMITIBONG paraan for coping with pain especially children. may mga adults naman na hindi natuto or naturuan kung paano mag-cope ng tama kontra sakit na emosyonal often resort to this primitive way of dealing with pain.

So… I get it.. masakit.. sobrang sakit pag natatalo ang Gilas.

Di ba kasi mas masakit lalo na pag yung mahal mo ang nagdulot ng sakit? Di ba kaya lalong masakit kasi mahal mo ang Gilas eh.. tapos nag-patalo lang.

Hindi ka na nga sinagot ng nililigawan mo eh, napagalitan ka na nga ng boss mo sa trabaho kahit ambaba ng sweldo mo, lunod ka na nga sa problema, GILAS na lang ang pag-asa mo na magpapasaya ng araw mo para at least naka ngiti ka matutulog… tapos talo..?

Ang sakit di ba? Kasi mahal mo ang team na yun eh, tapos sinaktan ka nila. Kasi feeling mo pinaasa ka lang, kaya ka nagagalit sa kanila.

So gets kita pre, gets kita, ate.. alam ko nasaktan ka nang husto.

Nasasaktan ka kasi alam ko mahal mo ang Gilas at gusto mo manalo sila. The mere fact na alam mo na natalo ang Gilas, ibig sabihin na nanood ka ng game or you care enough para alamin ang final score.

Pero parang nung nagalit ka ba sa boyfriend mo or girlfriend mo or asawa mo ibig sabihin ba hindi mo na mahal? Syempre mahal mo pa rin. Manonood ka parin ng next game. Iche-cheer mo pa rin bawat shoot ni Castro, bawat rebound ni Abueva, bawat bastos move ni Romeo, mumurahin mo pa rin ang kalabang player pag binu-bully ang mga players naten. Kasi kahit kakaibang magalit ang pinoy, kakaiba din tayo magpakita ng pagmamahal.

Kaya pre, alam naten ang larong basketbol, hindi tayo palagi mananalo, bilog ang bola ika nga.. Ang mahalaga nagkakaisa tayo tuwing may laban ang Gilas, ang mahalaga nakikita naten na lumalaban ang mga players naten. Para naman saten kaya sila andun eh. Hindi naman nila kelangan pumunta dun, pwede naman sila mag bakasyon kasama mga pamilya nila. Tao din ang mga yan, napapagod din. Hindi naman tayo ang nagbabayad ng kinakain nila.

Pero pag nananalo sila, lahat tayo kasali, lahat ng pilipino masaya, lahat tayo nagce-celebrate, kahit wala tayo nai-ambag sa team. Hindi naman nila tayo hining-an ng pambili ng sapatos nila di ba? wala naman silang ibang hinihingi sa aten di ba? Suporta lang.. Yun lang.. Manalo man o matalo.

Pero ok lang yan pre, sa susunod na matalo ang Gilas at makita ko uli na nag-post ka na naman ng HATE messages sa Gilas sa Facebook o kaya nag-Tweet ka na naman ng negative sa team. Iintindihin na lang kita, Hindi na kita rereplayan, hindi na ako makikipag away sa iyo.

Kasi alam ko nasasaktan ka, alam ko yan lang alam mo na paraan para mag cope sa nararamdaman mo na sakit.

At alam ko naman na sa susunod na game, kasama pa rin kita magche-cheer, kasi ganun talaga tayo magmahal.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!