Feelers

Public Domain image

Bakit ganoon? Ang daming tao ngayon ang masyadong gandang-ganda sa mga sarili nila.

Oo hindi naman masamang i-appreciate ang sarili nating kagandahan pero, mga beshy at mashies, lahat ng sobra ay masama. Alam mo ‘yon, ‘yung feeling na natatakot na ako para sa mga kalusugan nila. Pakiramdam ko may mga sakit na sila sa utak sa sobra-sobrang confident at pagmamahal na binigay nila sa sarili nila, wala na kasi sa lugar.

Narcissistic/Narcissism na kung tawagin, hahaha minsan ang eksena pa niyan 5 times a day kung magpalit ng profile picture sa fb. Shungene beshy, ‘yung totoo?

Marami akong kilalang ganito eh, and most of them are my friends kuno. At ‘wag kayo mga mamshie meron silang mga hawak na title mga be!

Itong si bessy #1 ay tatawagin natin sa pangalang “Ang babaeng pinagpala sa lahat”.

Yan yung tipo ng GGSS na akala mo siya na ‘yung pinakamaganda at pinagpala sa lahat, ‘yung tipong feelingera na akala mo nasa kanya na lahat ng wala sa ibang babae? Siya ‘yon. Minsan nakapang-iinit na ng ulo ‘yan ang sarap nang patulan. Isipin mo ba naman hindi na nakuntento sa panlalait sa iba pati ako nilalait pa kesyo tumaba daw ako at kung ano-ano pang panlalait ang natatanggap mo sa pa-hambog na ‘yan.

At ito namang si bessy #2 naman ay tatawagin natin sa pangalang “Hashtag Queen”.

Yan ‘yung GGSS na uri na kung saan araw-araw kung mag-upload ng picture sa social media. Kung hindi sa Facebook at Twitter aba’y sa Instagram naman. Tapos ang palabas pa niyan panay ang upload ng picture na may hashtag na #NoFilter#SimplehanLangNatin#NoMakeUP at #NaturalBeautyLang pero kapansin-pansin at kapuna-puna naman ang ilong niyang nawawala na sa picture sa sobrang kapal ng filter na inilagay. Ang sarap hashtagan ng #NasaanAngGanda kabadtrip ka, teh!

Meron pang mas malala diyan, mga mamshies, at itatago natin si bessy #3 sa pangalang “Annyeong Lupa”.

Itong isang ‘to naman ang tipo ng GGSS na feeling osus ang nagdadala, at bukod pa don feelingerang malala pa. Eto ‘yung selfie nang selfie nang nakasando tapos puno ng medyas yung osus hahahahahahaha teka tatawa muna ako ng wampipti hahahahahaha grabe talaga ‘yung mga ganyan, mamshie, ang titinde, batak na batak ‘yung osus nila sa picture tapos medyas ang laman? Ang malupet pa diyan dang papayat at mga walang puwet ‘yang mga ‘yan kaya lalong hindi bumabagay ‘yung laki ng medyas este ng osus nila sa katawan nila hahahaha! Shungene akala mo may bundok eh ‘yun pala patag lang. Literal na expectation vs. reality!

Btw, mga mamshies, hindi po ako insecure, binabawian ko lang ‘yung mga kumag na ‘yon sa panglalait sa akin. Kung hindi n’yo po naitatanong ano, muse po ako ng school namin. ‘Di naman sa sinasabi kong maganda ako, pero ‘di ako pangit at mataba tulad ng mga comment sa ‘kin ng mga kaibigan kuno ko na walang ginawa kundi laitin at ichismis sa mga bessy nila. Screw you, guys, hahaha dadaanin ko kayo sa legal na panlalait, ‘yung tipong hindi lang kayo ang tatamaan, let your beshibels read this para naman matauhan. Ciao!

 

About KratosVY

I hate people
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!