EXPat

(Photo Credit: expat.hsbc)
(Photo Credit:  expat.hsbc)
(Photo Credit: expat.hsbc)

Well, just trying to share with you a little bit about me. 16+ years din ako nasa Cruiseline under Magsaysay Lines Corps. In fact, until now sa Princess Cruises. Naka bakasyon lang ako now since Nov. 4th this year… you can see all of me through my FB.

Anyway, 16+ years is not a joke. Nakakapagod na rin di, ba?! Ang lungkot na malayo sa pamilya. Daming okasyon ang wala ka like birthday, Christmas, new year, fiesta, etc. kung may anak ka pa ay lumalaki na hindi mo ito nakikita at kapag nagkita naman kayo ay malayo na ang loob nito sa iyo?!? Ay naku?! Madami masyado ang tinitiis natin mabigyan lang ng magandang buhay ang ating ini iwanang mahal sa buhay.

Balik ng balik… halos walang katapusang pabalik balik sa barko until now?! Hindi dahil sa gusto ko. Dahil wala akong magawa! Alam mo ‘yun?! Gusto ko ng huminto at makasama ang pamilya ko for good. Kaya nga madalas ay dini discouraged ko ‘yung mga taong gustong magpatulong sa akin na makapasok sa agency ko, eh?! Lalo na kung may pamilya. Kasi para sa akin ay ang abroad ay para sa mga bata at single pa… ‘yung tipong nothing to lost. Kasi nga, hindi ka na makaka hinto lalo na kung non-skilled ka or not a managerial position. Dahil walang company ditto sa pinas ang kukuha na sa ‘yo unless skilled ka or manager kaya or professional like doctor, engineer, etc. better yet, mag migrate na lang kayo buong pamilya pa kung skilled ka rin lang, ‘di ba?!

Kaya ayun si Nestor V. Saludo, report ulit sa Magsaysay Lines kahit minsan hindi pa tapos ang bakasyon. Bakit? Katulad ng karamihan dyan na katulad kong OFW. Iba’t iba ang reasons pero ang pinaka common ay ang dahilang “WALANG IPON”. That’s the common one… at ang isa pang reason ay ang naranasan ko na at nararanasan pa sa ngayon. Alam nyo kung ano? Ang discrimination sa ating mga OFW! Nakakainis, aba?! Unang tanong ng Company, O, bakit ka nag aapply dito? Minimum lang ang sasahurin mo dito kumpara sa kinikita mo sa abroad. Hindi ako naniniwalang mag tatagal ka dito sa kumpanya namin?! Ganon agad ang banat ng interviewer sa ‘kin, huh?! Pangalawa, pagbukas mo pa lang ng Classified Ads. Age Discrimination naman… Not more than 30 years Old, etc… etc. bwesit, aba?!

So, ang mga ibang OFW tuloy ay they end up doing business. ‘pano kung wala kang na ipon? ‘pano kung wala kanga lam na negosyo? Wala kang puhunan, etc…

Well, ayaw ko na isa isahin pa ang mga nararanasan natin bilang OFW. Isa lang ang masasabi ko sa mga nagyayabang dyan…  sa PICTURES lang ‘yan. Masasarap na kinakain na before dadasalan muna natin bago kainin… ngayon, pini-picturan na lang muna tapos upload muna sa FB bago kainin, huh?! I been there… iba’t ibang lugar, halos lahat ng panig ng mundo ay narating ko na at natikman pati local deliccasies nila. Buy here, buy doon… mga signature items pa, electronics, bagong labas na CP, etc.

Ay naku?! Kahit ano pa ‘yan… darating din ang panahon na mapapagod din kayo O kaya ay hindi na kayo maka alis due to a reasons.

Kaya’t ngayon pa lang ay mag ipon ipon kayo habang bata pa at malakas.

Try nyo mag-ipon sa PAG-IBIG FUND. Meron sila nito…

The Modified Pag-IBIG II (MP2)

Salient Features:

The MP2 program is solely a savings scheme, designed to provide Pag-IBIG I members with another savings option that would grant them with a yield higher than those given under the Pag-IBIG I membership program. The program took effect on 3 February 2010.

Minimum contribution of Php 500.00 per month

Term of 5 years, renewable

Flexible dividend rates but always higher than Pag-IBIG I

Contributions & earnings are government guarranteed

Monthly Contributions  5 Years                  10 Years

Php 500.00                          34,484.17             79,553.59

1,000.00                               68,968.33             159,107.18

1,500.00                               103,452.50           238,660.78

2,000                                     137,936.66           318,214.37

3,000                                     206,905.00           477,321.56

4,000.00                               275,873.32           636,428.74

5,000.00                               344,841.65           795,535.92

Registration:

Interested members may enroll online for an MP2 account via the Online MP2 Enrollment System of the Fund. Please visit http://www.pagibigfund.gov.ph/memserv/.

O, kaya sa Mutual Fund of the Philippines. As little as 500.00php a month. Before you know it after 5 to 10 years ay may ganong pera ka na palang naipon, di ba?

Or sa http://www.atram.com.ph/_ATRAM/Home.aspx

Check their website for more details.

About nestorsaludo

  • EXPat - December 20, 2013