Eskwelahan o Estudyante?

Sa bawat taon na lumilipas, merong lumalabas na school rankings tulad nung sa QS World University Rankings at sa CHED’s Top Universities in the Philippines. At para sa mga estudyante at alumni ng eskwelahang napabilang sa TOP schools, isa itong pride. Iba-iba rin ang nagiging reaksyon ng mga tao hinggil dito. Maaaring ito’y magdulot ng pagmamayabang at pagtatangi. Maaari rin maging bitter ang iba lalo na kapag hindi kasali sa listahan ang eskwelahan nila.

Pero bakit nga ba nirarank ang mga unibersidad? Ito ba ay isang sukatan kung gaano kagaling ang isang eskwelahan? Ito ba ay nagsasalamin kung anong uring estudyante meron ang eskwelahang ito? Anumang rason ang sabihin, mauuwi rin lahat sa bottomline: Pano nasusukat ang kagalingan? Sa ESKWELAHAN ba o sa ESTUYADYANTE?

May iilan nagsasabi na nasa eskwelahan lang daw yan kasi ang eskwelahan ang nagbibigay ng aralin para sa estudyante. Kung hindi magaling ang eskwelahan, ganun din daw ang mga mag-aaral nito. Sa kabilang banda, mas marami ang nagsasabi na nasa estudyante lang yan. Nasa pagsisikap daw yan ng estudyante nakasalalay ang kanyang tagumpay. Tutal, pagkatapos mag-aral, ang batayan ng pag-asenso ng isang indibidwal ay nasa kanyang pagtitiyaga.

Para sa akin. Ang pagiging magaling ay nakasalalay hindi lang sa eskwelahan lang, o hindi lang sa estudyante lang. Parehas importante ang eskwelahan at estudyante sa pagiging magaling. Ang school factor, yun yung kahit saan man yan sa Pilipinas, kung maganda ang curriculum nito, merong resources, magaling ang teacher, conducive ang environment for learning, etc., yun ay isang magandang school. Halimbawa, kung ang UP ay UP sa pangalan lang at hindi maganda ang sistema nito to the point na hindi na nakakapag-aral ang estudyante dahil sa incompetent na mga guro, walang mga resources for learning, etc., hindi ito magandang school factor. Ang student factor naman, yun yung pangkalahatang pagkatao niya – ugali, tiyaga at talino. Maaaring matalino siya, pero kung wala siyang kusa at siya ay patapon sa klase, hindi ito plus factor.

Nais ko rin sana ibahagi na ang mga rankings na ginagawa taon-taon ay isang paraan upang magawan ng makabuluhang pagdalumat ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Bakit sa isang napakaprestihiyosong pamantasan, nagkakaroon pa rin ng mga pasaway na mag-aaral? Saan sila nagkulang? Sa proseso ng pagtanggap? O sa proseso ng pagtuturo? Bakit sa mga paaralang hindi kabilang sa top, napakadami ng magagaling na mga estudyante? Pero sa kabila ng lahat, bakit hindi sila kasama sa ranking?

Sabi ko sa isa kong blog post dati, “I believe that it is the robust cooperation of the school and student that will put to order the alleviation of the education status of the Philippines. Despite the meager budget allocation, especially among state colleges and universities, the school must give its students the learning they deserve to get, and students should be giving 100% of their effort in order to learn and apply the things taught at school.”

Enhanced by Zemanta

About panandaliangaliw