Enjoy Now, Pay it Later!!!!

1013275_524354514315279_1632638901_nBago ko simulan ang aking patutsada, gusto ko munang humingi ng paumanhin sa Ginang na nasa larawan, mukha mo na naman kasi ang aking gagamitin. Inabot na naman ako ng madaling araw, ‘di makatulog, mayroon kasing gumugulo sa isip ko. Isang aral ang natutunan ko sa iyong kwento at gusto ko lamang ibahagi sa lahat.

“Money makes the world go around and love was the subject too.” Sabi ng professor ko noon sa Rizal. Lagi ko naaalala ang mga katagang ito dahil sinabi niyang tandaan daw namin. Sa tingin ko, totoo ang kasabihan na ‘to. Kung walang pera, wala kang mabibili. Walang pagkain, walang madamit, walang bahay, walang pang-tustos sa pag-aaral o kung anu-ano pang bagay. Paano ko nga ba malalaman na mayaman ako? Sa haba ba ng dslr na gamit at ang photo studio ko’y starbucks? Sa dami ba ng salaping nasa bathtub, ay este sa bangko? At kung mahirap naman, sa iskwater nakatira? Gabi’t araw, ulam, toyo’t asin. Nagkasakit na lahat lahat sa bato, ‘di man lang nakatikim ng litson baboy sa hapag kainan.

Hayaan muna natin ang twerking dance ni Miley Cyrus, bukas ‘yan naman ang sasayawin ng mga taong papansin. Isang halimbawa, ang buhay ng pork barrel queen na si Janet Napoles. Maaaring ikinasaya niya sa una ang kanyang ginawang kalokohan kasama ang ibang tao. Sampung bilyon na pagmamay-ari ng mamamayang Pilipino, trentang kotse, bente otsong bahay, anak na babaing fashion designer at anak na lalaking tropa si Tyra Banks. Aba! Winner ka te. Pinagppyestahan ang buhay mo ng taong bayan! Nag-enjoy ka man sa una, ito ka ngayon, unti unti ng magbabayad sa mga kasalanan mong nagawa.

Matanong lang kita, bakit ka nga ba nag-aaral? Para kumita ng pera sa hinaharap. Bakit ka nga ba nagttrabaho? Para may pera. In short, para yumaman. Ganyan din ang iniisip ko, noon. Iba ang nagagawa ng pera sa mundo, ito’y halimaw. Nakalulungkot isipin na may mga taong alipin nito. Marami ang masasamang bagay na naidudulot ang papel na ‘to sa ating buhay. Lokohan, awayan, holdapan/nakawan, at ang pinakamalala ay patayan. Oo nga’t nagbago ang estado mo sa buhay, nabili mo lahat ng gusto mo, napuntuhan mo lahat ng magagandang lugar ngunit ang perang winaldas mo ay ‘di sa’yo. Alipin ka ng pera’t kasamaan.

Sinaktan at pinalayas ka na ng magulang mo pero nagbago ka ba? May namamatay sa paninigarilyo at pag-iinom ng alak pero bakit ‘di ka natatakot? May batas ang gobyerno, may mga pulis at militar at may kulungan naman pero bakit lalong lumalala ang kasamaan sa paligid? Enjoy ang magkasala, pero tandaan mo, may kabayaran ang lahat ng ginagawa mo. Lahat ng itinanim ay nagbubunga, mabuti man o masama. Kailan ka makikinig sa magulang mo kapag nabuntis/naka buntis ka na? Kailan ka titigil sa paninigarilyo kapag maitim na baga mo? Kailan ka titigil sa pag-iinom kapag isa na lang bituka mo? Kailan ka hihingi ng tawad kapag nasa kulungan ka na? Kailan ka magpapakabuti kapag mamamatay ka na? At kailan ka magsisisi kapag nasa impyerno ka na??? Pag-isipan mo… Alamin ang tama at mali.

Great thing in life are things. Alam mo kung ano ang makakapagpabago sa tao? Si Jesus Christ. Siya ang kailangan ng mundong ito. (John 14:6) ‘Di naparito ang Diyos para sa mga banal, Siya’y naparito para sa mga makasalanan. (Luke 5:32) Subukan mong pansinin Siya, bigyang oras ang Kanyang salita, ang Bibliya. Buhay mo’y magbabago. (2Timothy 3:16-17)

Mag-invest at mag-enjoy sa kabutihan. Ang bayad ay eternal life at Siya’y kasama mo. Ang salvation ‘di ito nabibili, ito’y libreng kaloob ng Diyos sa ating lahat. (Romans 6:23) Kailangan lamang gawin ay umamin na tayo’y makasalanan, (1John 1:9) siya’y tanggapin at papasukin sa ating puso, (John 1:12) at umiwas sa kasalanan. (Romans 12:2)
(John 14:6)

Jesus answered, “I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.”

(Luke 5:32)
“I have not come to call the righteous, but sinners to repentance.”

(2 Timothy 3:16-17)
All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, so that the servant of God may be thoroughly equipped for every good work.

(Romans 6:23)
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.

(1 John 1:9)
If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.

(Romans 12:2)
Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—his good, pleasing and perfect will.

Ps: ‘Di bale, Ginang Napoles kapag nagkita tayo bibigyan kita ng Bibliya. ‘Di pa huli ang lahat. 🙂

About iahthedreamer

Hayaan mong kumembot ang bolpen sa papel at syempre sabayan mo. Jeremiah 29:11
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!